Nakararamdam ka ba ng malakas na pagkabog sa iyong dibdib na may kasamang panginginig ng kamay? Malakas kang kumain ngunit bumababa ang iyong timbang? Mainit ang katawan kahit hindi mainit ang panahon? At may parang nakausbong ba sa iyong leeg at mulagat ang iyong mata? Ang mga nabanggit ay ilang pangunahing sintomas ng Hyperthyroidism . Ayon kay Doctor Shane M. Ludovice, sa column niya sa Bulgar na Sabi ni Doc, Ang lahat ng binanggit ay sintomas ng tipikal na halimbawa ng hyperthyroidism. Ito ay dahil sa sobrang produksiyon ng thyroid hormone kaya nagkakaroon ng metabolic imbalance sa katawan. Karaniwang nasa edad 30 hanggang 40 ang nagkakaroon nito, lalo na kung sa pamilya nyo ay may kasaysayan ng abnormalidad sa thyroid. Ano ang posibleng sanhi ng hyperthyroidism? Ito ay maaaring dulot ng stress at posible rin genetic o nasa lahi. Maaaring kaakibat ng iba pang abnormalidad sa endocrine system tulad ng diabetes, hyroiditis at hyperparathyroidism. Maaari...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc