Skip to main content

Posts

Showing posts with the label papaya

Mga Prutas Na Panlaban Sa FLU

Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU Mansanas Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon, mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling maka-recover sa trangkaso. Papaya Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na tumutulong  makabawas sa inflammation at pati na rin sa mga sintomas ng flu. Saging Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwa...

Iba Pang Tulong Ng PAPAYA

Para sa mga taong mahilig sa papaya ay tiyak na maraming benepisyo sa kalusugan ang kanilang makukuha mula rito. Ito ang ilang dahilan para maging paborito mo sa hapagkainan ang papaya: Mababa ang calories ng papaya at mayaman sa nutrisyon. Kaya tamang-tama ito sa mga nagdye-dyeta. Mabisa rin ang papaya sa paggamot ng mga sugat at iba pang pinsala sa balat. Nagiging makinis ang kutis ng isang taong mahilig sa papaya at mabisa rin ito para hindi mabilis dumami ang kulubot sa balat. Mayaman din ang papaya sa mga anti-inflammatory compounds at anti-cancer properties. Kaya’t rekomendado ang kumain ng papaya lalo’t ikaw ay may osteoporosis, arthritis, at edema. Makakaiwas ka rin sa pagkakaroon ng cancer kapag kumakain ka ng papaya. Kumonsumo ng papaya kung nais mong magkaroon ng malusog na anit at buhok. Nagpapatubo ito ng buhok at makakaiwas ka rin sa pagkakaroon ng balakubak. Maigi rin ang pagkain ng papaya kung nakakaranas ka ng constipation at kung di ka matuna...

PAPAYA- Natural Na Lunas Sa DENGUE

Ganitong malakas ang buhos ng ulan ay tiyak na dagsaan ang lamok sa estero malapit sa inyong bahay o mga bakanteng lote. Dahil dito hindi maiiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit tulad na lang ng DENGUE. Isang uri ng sakit mula sa kagat ng infected na lamok  Ngunit alam ninyo bang isang natural na lunas sa Dengue ang pagkain ng papaya. Maaari kang gumawa ng home-made papaya juice para sa paggaling. Ito ang paraan kung paano gawin: Kumuha ng dalawa hanggang tatlong dahon ng papaya at linisin itong maigi. Huwag mong gamitin ang tangkay, gamitin mo lamang ay iyong madahon-dahong parte. Bayuhin mo ang dahon hanggang sa maging ganap itong pino. Salain ang binayong dahon ng papaya gamit ang isang pirasong tela. Kakailanganin mo lamang ng isang kutsarita kada dahon. Huwag mo itong pakuluan, lutuin o banlawan sa maligamgam na tubig sapagkat mawawala ang bisa nito. Ihanda sa pasyente ang dalawang kutsarang papaya juice isang beses sa isang araw. Pagkatapos na mako...

Mga Pagkain Laban Sa Allergy

Nakakasarira ng araw kapag tayo ay nagkakaroon ng allergy. Ang allergies ay nangyayari kapag mayroong overimutas na nangyari sa ating katawan matapos ang pagkalantad nito sa allergens o di kaya nama’y mga substansya na hindi kayang tiisin ng ating katawan. At alam ninyo bang mataas ang tsantsa ng panganib na magkaroon ng blood cancer ang isang taong nakararanas ng allergies? Matapos ang pagkalantad n gating katawan sa allergen, magpapakita ng pagtanggi an gating katawan at tayo ay makararanas ng tagulabay, pamamaga ng mata o ng mukha, pananakit ng tiyan, pag-uuhog, pangangati ng lalamunan, at sakit ng ulo. Ayon sa LiveStrong, ito ang mga pagkaing nakatutulong para humupa ang allergy: Maigi ang Yogurt sa katawan dahil pinapalakas nito ang immunity ng ating katawan. Iyong mga kumakain ng plane na Yougurt araw araw ay mas mataas ang resistensya ng katawan kaysa sa mga taong hindi kumokonsumo nito. Mabuti rin na sumusugpo ng allergy ang mga gulay tulad ng kamatis, t...