Skip to main content

Posts

Showing posts with the label love

Tips Para Malaman Kung One-Sided Love Yan

Ang saya kapag kasama mo siya, hindi ba? Gusto mo siyang laging nakikita? At kung hindi naman posible, gusto mong lagi siyang ka-fb, ka-text o ka-viber. Sarap magmahal ano? Pero kahit itanggi mo sa sarili mo, kahit pilit mong pagtakpan, minsan naiiyak ka na lang mag-isa sa kwarto mo kasi kahit pilitin mong lokohin ang sarili mo, isa lang ang sinasabi ng mga kaibigan mo sa iyo. Ay, one-side love lang yan. Paano nga ba malaman kung na-one-side love ka? Handa ka ba sa mababasa mo? Kung hindi pa, okay lang. Kung kaya mo pang gawing tanga ang sarili ,oks lang yan. Masaya ka pa naman eh. Pero kung hindi na, o siya, mabuti pang masiguro mong talagang ikaw lang ang nagmamahal sa taong akala mo ay mahal ka.  IKAW PALAGI ANG UNA Hindi dahil no. 1 ka sa puso nya, ang ibig kong sabihin, ikaw ang palaging unang mag te text, ikaw palagi ang unang maglalambing, ikaw palagi ang unang susuyo, ikaw palagi ang unang mag so-sori kahit mali pa niya. In short, ikaw nga lahat.  Pi...

Huwag Mo Itong Masabi Sa FIRST DATE

Nais mo bang maulit ang date ninyo ng babaeng gustong gusto mong makilala ng husto at maging girlfriend balang araw? Ang kailangan lang ay hindi siya ma-turn off sa iyo lalo na sa first date ninyo. Heto ang ilan sa mga salitang huwag na huwag mong masabi sa first date ninyo. Teka ano ulit ang pangalan mo? Kapag kausap kita sa phone parang ang sexy mo Huwag diyan mahal diyan dito tayo sa mas mura ( Pwede mo naman siyang dalhin sa murang restaurant na hindi ito binabanggit sa kanya di ba?) O ito iyung babayaran mo, kkb tayo di ba? Hindi talaga ako attracted sa maiitim na babae eh, pero sige para sa iyo kakalimutan ko ‘yun. Alam mo, naalala ko sa iyo ang ex ko… hay. Wow ang yaman ninyo siguro, dami mong alahas eh. Ganda ng relo mo. Mamahalin yan no? Ayoko ng mga makukulit na bata. Kaya ayoko mag-anak eh. Iyan ang mga salitang hangga’t maaari ay iwasan mong sabihin kapag ka-date mo siya. Lalo’t kung gustong gusto mo ang babae dapat hindi lang basta...

Love Tips: Ano Ang Pagkakaiba ng Lust sa Love?

Ang lust ay hindi pagmamahal at kahit kailan hindi ito magkakaroon ng parehong kahulugan. Ngunit sa ilan, mahirap unawain kung ang nararamdaman ba nila ay pagnanasa lamang o pag-ibig. Ano-anu nga ba ang pagkakaiba pa ng lust sa love? Itanong mo ito sa iyong sarili: Nais mo ba siyang makasama ng matagal o ng kahit sa forever? Kaya mo ba siyang ipagtanggol sa mga nang-aapi sa kanya? Kaya mo bang harapin ang mga magulang niya o kaya mo ba siyang ipakilala sa mga magulang mo? Kaya mo bang ipagmalaki siya sa’yong mga kaibigan? Kaya mo bang huwag sumuko sa mga pagsubok ng inyong relasyon? Kaya mo bang magpatawad o humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali? Kaya mo bang magkaroon ng maraming panahon sa kanya o kundi man ay quality time? Kaya mo bang magbago para sa iyong sarili at para sa kanya? Kaya mo bang makipag-commit sa isang relasyon na hindi pilit ngunit may pagkukusa? Kung OO lahat ng sagot mo, maaaring senyales ito na Love ang nar...