Skip to main content

Posts

Showing posts with the label health tips for men

Men’s Health: May Pag-asa Bang Lumaki Ang Manoy Mo?

Problema ng ibang kalalakihan ang kanilang mga manoy lalo’t kung maliit ito. Para sa ilang mayroong maliliit na kargada ay nakababawas ito ng pagkalalaki. Ang ilan, natatakot mag-asawa o makipagrelasyon sapagkat nahihiya sila sa sukat ng kanilang alaga. Kaya ang tanong ng ilan? May pag-asa pa bang lumaki ito? Iiwan ka ba ng mahal mong babae kung maliit ang iyong alaga? Ito ba ang sukatan ng pagiging matipunong lalaki na kayang magpaligaya ng babae? Makakabuntis ka ba? Sabi ni Doc Shane M. Ludovice sa kanyang column sa Bulgar na Sabi ni Doc- sadyang may mga lalaking nabibiyayaan na mahaba ang ari ( 6 na pulgada o higit pa) at mayroon din namang tama lang ang sukat (4 hanggang 5 pulgada) at ‘yung mga di pinalad ay 2-3 pulgada,  kung saan nakatayo na iyun. Sa mga Pinoy, ang karaniwang sukat ay 4-5 pulgada. Hindi man mahaba at malaki ang iyong alaga ay hindi naman batayan ito para hindi mo mapaligaya ang babae. Maaaari mo siyang mapaligaya sa galing mong man-romansa hindi ba?...