Skip to main content

Posts

Showing posts with the label ehersisyo

Tips Para Hindi Boring Ang CARDIO EXERCISE

Isang boring na gawain at nakatatamad ang pag-eexercise para sa ilan. Mas gugustuhin nilang manood na lamang ng teleserye sa telebisyon o di kaya’y mag dota o facebook kaysa maglaan ng oras para sa isang cardio exercise. Alam ninyo bang ang kawalan ng ehersisyo ay nakamamatay tulad ng paninigarilyo, wala itong pinagkaiba. Kaya galaw-galaw para hindi ma-stroke. O sige, kung sa tingin mo boring ang pag-eexercise ay sundin ang ilang tips na ito para maging kagilig-giliw itong gawin sa araw-araw. Una, kailangan mo ng training partner, pwedeng kontakin ang kaibigan para may kasama kang mag-ehersisyo. Kung hindi naman pwede si kaibigan dahil busy sa date nila ng syota niya ay huwag kalimutan si bantay, pwede mong kasama ang iyong alagang aso sa paglalakad-lakad, pagjo-jogging at pagtakbo. Hindi lang ito nakasasayang gawin, marami ka ring makikilalang bagong kaibigan sa paglabas mo ng iyong bahay para mag-exercise. Maglaro ng sports tulad ng paintball o airsoft. Masayang...

Exercise: Tips Kung Gagawin Ito Sa Mainit Na Panahon

Ang hot weather o mainit na kondisyon ng panahon ay nagpapawalang-gana sa ating mag-exercise tulad ng pag-jo-jogging o pagtakbo. Ilan sa mga kondisyon na pwede mong maranas kapag nag-e-ehersisyo sa mainit na panahon ay dehydration, pagkahilo, panghihina at sun burn. Kaya’t mag-ingat, sapagkat kung pupwersahin mo lamang ang iyong sarili ay maaaring magdulot lamang ito ng masamang epekto sa iyong kalusugan. Kung nais mo talagang tumakbo o mag-jogging kapag mainit ang panahon. Heto ang ilang tips para sa iyo. Alamin ang oras kung kailan hindi matindi ang sikat ng araw. Maging flexible ka din sa oras ng iyong pag-eehersisyo para mas maging komportable ang pagsasagawa nito. Mamili ng mga lugar lalo’t para sa iyong jogging exercise. Piliin iyong may mga puno na masisilungan mo at nakakatakip sa sinag ng araw. Kung sadyang mainit ang panahon, ay huwag mong pilitin ang iyong sarili, i-reschedule mo na lang ito sa ibang araw na hindi masyadong mainit. Kung sadyang sanay ...

Mga Pagkain Para Mas Epektib Ang Exercise

Ikaw ba ay regular na nag-eexercise? Alam ninyo bang may mga pagkain na pwedeng makatulong sa iyo para mas lalong maging epektibo ang iyong pag-e-ehersisyo. Heto ang ilan sa mga pagkain na ito: Pagkaing matutubig. Ang liquid meals tulad ng nutrient-rich shakes ay nagdudulot ng lahat ng kinakailangang post-exercise nutrients sa katawan. Ang oatmeal ay maituturing na matalik na kaibigan ng isang taong nage-ehersisyo mula sa pagbibigay ng glucose upang malagyan ng fuel ang muscles. Ang oatmeal ay mahusay para sa pagbawas ng timbang, habang humihikayat ito sa katawan upang maging mabilis na matunaw ang taba at tuluyang pagbawas ng timbang. Mainam ang pagkonsumo ng oats tatlong oras bago ang ehersisyo upang mapabuti ang work-out mula sa dahan-dahang pag-ikot ng sugar sa katawan na siyang magpapanatiling mataas sa energy level ng katawan. Ang masarap na trail mix ay mahusay na nagpapalit ng nawalang enerhiya sa katawan sa tuwing mag-eehersisyo. Ang trail mix ay nagdud...

Epektib Ba Ang 5 Minute Exercise?

Hindi ba ganun kadami ang iyong oras para mag-exercise? Bakit hindi bigyang panahon ang iyong sarili na makapag-ehersisyo kahit 5 minuto lamang?  Alam ninyo bang kapag ginawa ninyo ang 5 minute exercise ng walang hinto ay mas epektib ito kaysa sa 90 minutos na ilalagi ninyo sa Gym? Alamin ang katotohanan tungkol dito. Ayon sa pag-aaaral, ang 5 minutong pag-eehersisyo ng walang tigil ay mas epektib kaysa sa 0 minuto na pag-eehersisyo sa Gym. Para gumanda ang ating katawan, kinakailangan nating mag-ehersisyo. Sa pamamagitan nito ay matutunaw ang mga sobrang taba na nasa ating katawan. Kapag nangyari iyon, siguradong gaganda ang hubog ng ating pangangatawan kaya siguradong marami ang mapapalingon sa atin. Ang mga katangiang higit na napapansin ay ang pisikal nating hitsura kaya maganda ang iyong pangangatawan, siguradong marami ang hahanga sa’yo. Kung ikaw ay seksi o macho, siguradong marami ang manliligaw o magpapapansin sa’yo. Maaari ka pang kuning modelo o artista...

Mga Hindi Dapat Paniwalaan Ng Nagdi-dyeta

Ito ang mga kathang-isip na inaakala mong makatutulong sa iyong pagda-diet pero sa katotohan pala’y lalo lang magpapahirap sa pagbabawas mo ng timbang. Ang mga kathang-isip na ito ay nagbubunsod lamang sa hindi matagumpay na pagpapapayat o pagdi-dyeta. Para maging maalam ka- ito ang ilan sa mga ito ayon sa Eating Well : Kung healthy naman ang pagkain, hindi na mahalaga ang calorie content. Mali po to, Hindi porke’t masusustansya ang mga pagkain na iyong kinakain ay isasawalang-bahala mo ang calorie content nito. Halimbawa ng mga pagkaing ito ay whole wheat bread, avocado, beans, at pulang kanin- na kapag kumain ng sobra ay makakasama rin sa iyong pag-didyeta. Kaya naman ang payo ay hinay-hinay rin sa pagkain ng mga ito. Ang pagbaba ng timbang 4.5 kilograms sa isang linggo o higit pa ay masama sa kalusugan. Kadalasan itong nangyayari sa mga gumagamit ng extreme diet. Pero ito ay hindi mabuti sa pagdi-diyeta. Para makabawas ka ng 0.5 kilograms ng iyong timbang ay kinakaila...

No Exercise Parang Smoking Nakamamatay

Akala mo ba ay ligtas ka na sa mga sakit kapag hindi ka naninigarilyo? Mag-isip mabuti. Dahil tulad ng taong naninigarilyo, ang katamaran sa pag-eehersisyo ay pareho lang high risk sa banta ng kung anu anung karamdaman. Kapag wala kang ehersisyo o hindi ka ganun ka-enganyo sa mga dynamic activities ay para ka na rin lang nanigarilyo dahil pareho lang ang masamang resulta nito sa kalusugan. Sa U.K, higit sa 90,000 tao na hindi pala-ehersisyo ang dumaranas ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso, breast kanser, diabetes at pati colon kanser. Kaunti lang din ang lamang sa bilang ng dami ng pasyenteng naninigarilyo ang dumaranas ng parehong mga karamdaman, 100,000 ang bilang. Ito ay mula sa balitang hatid ng Fox News . Ang mga tagapagsaliksik sa Harvard University ay nagsabing maraming bilang ng buhay ang nawawala kada taon dahil sa hindi pag-e-ehersisyo. Ayon pa sa Lancet Journal , sa buong mundo, isa sa sampung tao ang namamatay dahil sa katamaran o pagkakaroon ng...