Hindi pa man ako nakararanas na maipit sa gulo tulad ng barilan o pag-aamok, ay maigi nang maging handa ako sa mga insidente gaya nito upang ako ay maligtas. Kaya naman, nais ko ring ibahagi sa iyo ang aking mga natutunan sa araw na ito kung paano ka hindi madadamay sa mga ganitong uri ng pangyayari. Tandaan, kahit hindi man natin gustong mangyari sa ating buhay ang mga ganitong uri ng insidente, mas maigi nang maging handa. Ito ang mga tips ko sa'yo upang makaligtas sa mga nagbabarilan o nag-aamok: 1. Maging pamilyar ka sa iyong kapaligiran. Sanayin mo ang sarili na alamin kung saan ang pinakamalapit na labasan sa lahat ng oras. Alamin ang mga lokasyon na pwede mong pagtaguan tulad ng kung ikaw ay nasa isang eskwelahan,opisina o gusali. 2. Bago ka tumawag sa emergency hotlines gaya ng 117, hanapin mo muna ang mga paraan kung paano ka maliligtas, maging alisto lalo na't kung ikaw ay nasa panganib na ng barilan. 3. Kung wala nang paraan pa para maghanap ng pagtata...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc