Sa dalawampu't anim na taon ko sa mundong ibabaw...napansin kong kay dami nang nagbago sa aking paligid, maging sa aking mga nakasasalamuha at siyempre pa maging sa aking sarili. Ewan ko nga ba't nang minsang mautusan ako ni mama na bumili ng cake sa Goldilocks para sa birthday celebration ni insan at mapansin kong bago na ang packaging nito at ang ambiance ng store eh siya namang pag flashback ng mga nakaraan sa buhay ko at ang mga pagbabagong napansin ko. NOON Ang mama at papa, lagi silang nagtatalo. Marami kasi silang pagkakaiba at maraming hindi napagkakasunduan. Madalas makita ko silang nag-aaway nung bata pa ako at makitang umiiyak si mama. NGAYON Tingnan mo wacky pa ang posing nila sa pictures na ito. Tinalbugan pa ang mga daga sa ka-sweetan. Ang pag-ibig nga naman, parang Goldilocks , hahanap-hanapin mo pa rin ang linamnam at tamis na dulot nito. You're the no.1 talaga. from google image for illustration purposes only NOON ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc