Skip to main content

Posts

Showing posts with the label alagang aso

Healing Power Ng Mga Alagang Hayop (PETS)

Mayroon bang healing power ang pet mo? Sa katotohanan, kayang palabasin ng mga alagang hayop ang ating nurturing instinct. Pinararamdam nila sa  atin na tayo ay ligtas at sa atin ay may nakakaunawa. Kahit anu pa mang alagang hayop ang mayroon ka ay kaya mong maramdaman ang therapeutic benefits mula sa kanila. Puwede itong aso, pusa, goldfish atbp. Ito ang ilang benepisyo sa kalusugan na maibibigay ng pet mo sa’yo: Ang mga senior citizen na may alagang hayop at silang mga tumanda na sa harap ng maraming pagsubok at humaharap sa sandamakmak na stress at problema sa buhay ay mas nakadarama pa rin ng ginhawa sa pakiramdam kaysa sa mga matatandang walang alagang hayop. Mas mababa rin ang presyon ng dugo ng mga nag-aalaga ng hayop. Ayon sa mga tagapagsaliksik, iyong mga taong may alagang hayop na biglang nakaranas ng stress sa kanilang buhay ay mas mababa ang blood pressure kaysa sa mga walang pet.Ang mga pet owner din ay higit na mababa ang kolesterol level kaysa sa ...

Tips Para Ma-Feel Ni Bantay Ang Love (Dog Care)

Ikaw ba ay may alagang aso at nais mong iparamdam sa kanila ang love o pagmamahal para lalo silang umamo sa’yo o di kaya’y para hindi sila magtampo. Opo, tulad ng tao, ang mga aso ay nakararamdam din ng pagmamahal. Alam nila kung sino ang mga may gusto sa kanila at ayaw. Ito ang ilang dog care tips para maramdaman ng alaga mong aso na si bantay ang iyong love. Spare time with your dog. Bigyan ng sapat na oras ang aso at maging ang buong pamilya ay maglaan ng oras para sa kanya. Napakahalaga nito. Nagtatampo ang aso kapag feeling niya ay pinababayaan siya. Give your dog enough space to move around. Bigyan siya ng maluwag  na espasyo. Iyong may maiikutan siyang lugar sa bahay ay mahalaga para sa malaki at maliit na aso. Ang maliliit na aso ay nagiging komportable sa isang aparment o maluwag na lugar. Ang malalaking aso ay kailangan ng lugar na matatakbuhan. Show your dog how much you care. Ipakita ang paglalambing sa aso. Dito ay madarama niya na mahal siya at w...