Skip to main content

Posts

Showing posts with the label lifestyle

Pagsisimula ng Healthy Lifestyle: Ang Key sa Matagumpay na Glow Up

Sa mundo ngayon, karamihan sa atin ay patuloy na naghahangad ng isang magandang pagbabago sa ating buhay. Isa sa mga pangunahing layunin na madalas natin isipin ay ang magkaroon ng healthy lifestyle at magandang kalusugan. Hindi lang ito tungkol sa pisikal na hitsura, kundi pati na rin sa kabuuang kagalingan ng ating katawan at isip. Kaya naman, kung ikaw ay interesadong magsimula ng isang healthy lifestyle at magkaroon ng matagumpay na "glow up," narito ang ilang mahahalagang tip na maaaring gabayan ka sa iyong paglalakbay. Una sa lahat, ang pagpapasya na magsimula ng healthy lifestyle ay isang napakahalagang hakbang. Kailangan mong magkaroon ng malinaw na layunin at determinasyon na baguhin ang iyong mga gawi at pamumuhay. Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay hindi lamang isang pansamantalang pagbabago kundi isang pangmatagalang commitment para sa iyong kalusugan. Dapat mo rin bigyan ng sapat na panahon at pasensya ang iyong sarili dahil ang pagbabago ay hindi madalas na...

Tips Sa Commuters Para Sa RAINY SEASON

Tag-ulan na naman kaya mapapadalas ang hirap sa pagbabiyahe dahil sa baha at ilan pang problemang hatid ng ulan. Ito ang mga Tips para sa mga commuters ngayong rainy season na sa Pinas: BRING SLIPPERS. Numero unong kailangan ang tsinelas kapag umuulan. Habang nagbabalerina ka kasi sa putik o sa tubig, mapananatiling tuyo ang iyong sapatos kung ito ay gagamitin. Gayundin na tiyak na hindi ito masisira at hindi na ito kailangang linisin. Pwede mong iwan ito sa iyong opisina kung hindi mo kailangan. Dagdag pa rito, mas mapadadali nito ang iyong paglalakad, lalo na kapag lagi kang naka-high heels. BRING EXTRA CLOTHES. Dahil wala naman talagang tiyak na makapagsasabi  na bubuhos ang ulan, hindi mo rin alam kung kailan ka mababasa lalo na kung hindi mo hilig ang magdala ng payong. Sakit naman ang abot mo halimbawang basa ang iyong damit at nakatutok ka pa sa air conditioner. Sa ganitong pagkakataon, imbes na bumili ka ng panibagong damit, mas maiging magbaon ka na lang. BRI...

FB AT TWITTER: Pangontra Sa SUICIDE?

Sabi sa pagsasaliksik, maaawat ang teenager sa kanyang pagpapakamatay o suicide kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter , at kung anu-ano pang social networking sites . Wala naman 'yang ginawa kundi mag-fb at mag-twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakalilimutan na nilang mag-aral. Kaya kalimitan ay nagsisipagbababaan ang kanilang mga grado. Ngunit kahit ganun, may kabutihan pa ring dulot ang FB o Twitter. Sa pamamagitan nito ay hindi na maiisipan ng teenager ang mag-suicide. Alam na alam natin na sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob maging ang ating mga kabiguan. Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. 'Yun nga lang kapag sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi na maiwasan pa na maisipan ang mag-suicide. Kung minsan ay sobra tayong emosyunal na pakiramd...

Tips Para Sa May Putok Sa UNDERARMS ATBP.

Putok, Rashes, Ingrown Hair... iyan ang ilan sa mga bagay na nangyayari sa kili-kili na labis na kahiya-hiya. Kaya bago pa lumala 'yan. Ito ang ilang tips para masolb mo ang iyong problema sa underarms. Sobrang Pagpapawis Ng Kili-Kili Ang lahat ng tao ay pinagpapawisan kapag nainitan o nakaramdam ng nerbyos kung saan ang ilan ay mayroong suliranin na tinatawag na axillliary hyperhidrosis na siyang dahilan kung bakit labis ang pagpapawis ng kili-kili. Mainam na ikonsidera ang deodorant na kumokontrol sa amoy na siyang nagreresulta sa basang armpit. Makatutulong din ang pagpili ng damit na cotton, silk, at line na mas nakaka-absorb ng moisture sa katawan at nagpapaiwas sa body odor. Pamumula at Rashes Ang labis na init at extreme na temperatura kasabay pa ng paggamit ng maling deodorant at ingrown hair dahil sa pag-aahit ay ilan lang sa matinding dahilan kung bakit nagkaka-rashes at namumula ang bahaging ito ng katawan. Ang naturang balat sa kili-kili ay sensitibo n...

Tips Para Makatipid Sa Shopping Malls

Salamat sa konsepto ng malls, sapagkat dahil sa mga ito ay mayroon ng opsyon na makapamili ng mga nais bilhin, hindi lang sa uri kundi pati na rin sa brand ng produktong nais. Ito nga ay lugar kung saan masarap ang mag-shopping pero ito rin ay maaaring maging lugar kung saan paglabas mo wala ng pera ang iyong bulsa. Kaya maging wais ka sa pagsho-shopping sa malls . Ito ang ilang tips para makatipid ka katoto. Sale Ba Ngayon? Kung iyong tipo mong bilhin ay hindi pa kayang ma-afford ng iyong pera ay huwag nang ipilit pa. Huwag kang mag-alala kasi magse-sale din yang gusto mong item. Hindi mo alam, na ang mga boutique sa mall ay updated sa kung ano ang uso kaya kapag hindi na uso ang ibinebenta ay agad nilang binabagsak ang presyo ng mga ito para mabilis ng mabili. Para maging maagap  kung kailan ang sale sa mall ay magtingin-tingin ka sa diyaryo ng kanilang mga anunsyo. Pwedeng Mag-online Shopping Mas mababa ang presyo ng mga item na mabibili online. Pwede kang ma...

Tamang Gawain Sa Loob Ng Office Washroom

Mahaba ang listahan ng rules and regulations na dapat sundin sa loob ng opisina. Isa sa mga dapat isipin ay ang dapat at hindi dapat na gawin sa loob ng office bathroom. Ito ang ilan sa mga etiquette na dapat alam mo kapag nasa washroom ka ng inyong opisina. Mga Dapat Gawin Itapon sa basurahan ang tissue na iyong gagamitin, punasan ang mga tilamsik ng iyong ihi sa upuan ng kubeta. Sino ba namang gustong gumamit ng kubeta na madumi at hindi man lang nai-flush ng huling gumamit nito? Kaya’t matutong magflush at mag-imis ng kalat bago mo ito iwan sa susunod na gagamit. Maghugas ng kamay. Alam mong nakadidiri na makakita ng taong lalabas sa banyo na hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Maiisip mo tuloy kung sinong malas na tao ang makikipag-shake hand sa tao na ito, pati na rin kung anong pagkain ang kanilang hahawakan at kakainin ng hindi man lang naghugas ng kanyang kamay. Kaya ang moral lesson dito, maghugas ng kamay pagkatapos mong gumamit ng banyo. Mga H...

Comfort Zone: Paano Ka Makakawala Rito?

Marami sa atin ang nawawalan ng lakas ng loob para sumubok ng iba pang bagay. Sa kabuuan, marami sa atin ang takot na hindi magtagumpay. Takot na humarap sa iba’t ibang pagsubok na maaaring magresulta sa isang lalong mahirap na kondisyon. Kaya’t nanatili sila sa isang kalagayan kung saan lang sila nakararamdam ng ginhawa, kung tawagin ay Comfort Zone . Ang pagliban mo sa iyong Comfort Zone ay di nangangahulugang nais mong makaranas ng mga negatibong bagay sa iyong buhay. Bilang isang tao na nais umunlad at nais ng pagbabago sa iyong buhay, hindi ka dapat na matakot pakawalan ang iyo ng mga kinasanayan ng gawin sa araw-araw. Kaya’t para sa ilan na nais sumubok ng bagong challenge sa kanilang buhay. Ito ang tips kung paano makawala sa inyong comfort zone na tiyak na makatutulong sa iyo na madiskubre pa ang iba mo pang kakayahan, talento at abilidad para lalo ka pang umunlad sa iyong buhay. Tanungin mo ang iyong sarili. Hindi naman porke’t mayroon ka na ng isang ba...

Tips Para Hindi Bayolente Kapag May Argument

Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo. Maaaring ang dahilan nito ay mga salungat na opinyon. Ang iba nama’y mga nakakapikon na talakayan na nauuwi sa isang dibdibang argumento at kung sa kamalas-malasan ay pagiging bayolente ng magkabilang panig. Ito ang ilang tips para ma-kontrol mo ang iyong sarili na maging bayolente sa harap ng isang pagtatalo o argument. Kontrolin ang “fight o flight” na reaksyon. Unang reaksyon sa isang mainit na sitwasyon ay tipikal na agresibong reaksyon. Ang parehong reaksyon ang magpapalala sa tensyon. Tanggapin ang anumang damdamin ng ibang tao. Ang isang napahiyang tao ay madalas niyang isipin na estupido kaya naman depensibo siya at ipagtatanggol ang sarili. Ang matanggap ang damdamin ng tao at pananaw ay makatutulong para ma-establisa ang kampante at may rasong resolusyon. Magsalita nang malumanay, matatag na boses, higit na lalala ang sitwasyon kapag nakipagsigawan. Ilabas o iboses ang anumang nasa isip. Huwag ibaling ang usapan sa pa...

Paano Limitahan Ang Kids Sa Pagko-Computer

Ngayong alam na natin ang mabuti at masamang epekto ng paggamit ng computer sa ating mga anak lalo na’t sa computer games at online gaming. Bilang magulang, ay responsibilidad mo na ipaalam sa kanya na ang labis na pagbababad sa computer ay hindi makabubuti sa kanyang kalusugan. The 1-2 hour usage of computer should only be for educational purposes and school works, ito ay ang nirerekomenda ng American Academy of Pediatrics- ito ay matapos na mayroon ng kaso ng pagkamatay sa labis na paggamit ng computer o pagka-adik sa online gaming ng kabataan. Here are the tips on how you can help limit your kids from his computer usage: The computer should be accessible to a place in your house where you can monitor his usage. Ilagay mo ito sa lugar ng inyong bahay kung saan makikita mo at ma-oorasan mo ang paggamit niya ng computer. Halimbawa ay sa sala ng inyong bahay. Explain to your kids that computer should only be use for educational purposes. Kailangang ipaliwanag mo ...

Ang Epekto Ng Computer Games Sa Kids

Hook na hook ang ating kids sa paglalaro ng computer games. Hindi naman masama ito kung hindi lalabis sa paglalaro sapagkat lahat ng sobra ay may dulot na masamang epekto. Kung minsa’y mas madalas na sila sa pagbababad dito kaysa tapusin ang kanilang assignment sa school. Ano nga bang mayroon sa computer games bakit ang lakas ng hatak nito sa kabataan. And also what are the good and bad effects of computer gaming to your kids? Ito ang ilan sa mga dapat mong malaman tungkol dito. Effects of Computer Games For Kids Computer games can make your kids violent. Naanalisa sa pag-aaral ang epekto ng violent games sa kabataan. In the study made by Indiana University School of Medicine, naglabas sila ng brain data at ipinakita na ang pagkahantad sa violent computer games at iba pang media ay nakaaapekto sa parte ng utak na responsable sa pagdedesisyon at control sa ugali. Habang na-aadik sa violent computer game ang iyong kids ay nagiging bayolente rin ang ugali nila, habang ang iba a...

Tips Para Labanan Ang Monday Sickness

Monday sickness? Bakit ba mayroon taong hirap na hirap na kumbinsehin ang sarili na lunes na, kailangan mo nang pumasok sa skul o di kaya nama'y kailangan mo ng magtrabaho. May  scientific basis ba ang Monday sickness? Kung mayroon, anung mga bagay ang pwede mong gawin para paglabanan ito. Ayon sa mga eksperto, mayroong scientific explanation kung bakit lahat tayo ay nakararanas ng tinatawag na Monday sickness. Ang ating body clock ay nag-o-operate nang mas matagal pa sa 24 oras. Kaya kapag dumarating na ang Lunes, humuhugot pa tayo ng pahinga na hindi bababa ng isang oras. Here are some tips: Give yourself an extra hour to nap. Maglaan ng ekstrang oras, kung kaya mo, mag-extend ka pa ng isang oras sa iyong pagtulog pagdating ng Lunes ng umaga. Hindi makatutulong kung matutulog ka ng maaga kinagabihan dahil hindi ka agad dadalawin ng antok liban na lang kung iyon talaga ang oras mo ng pagpapahinga ayon sa iyong body clock. Finish all your tasks before you sleep e...

Tips Para Lagi Kang Good Morning

Good Morning! Napakasarap bumangon sa umaga, but some of us feel the challenge on waking up early in the morning. Oo nga naman, minsan kapag masaya o masarap ang panaginip ay hirap bumangon. Minsan bad trip ka pa kapag may nangigising sa'yo tulad ng alarm clock mo o ang pagtatalak ng ermat mo. Pero magkagayon, thank you life! Kasi buhay ka pa. Heto ang ilan sa tips para lagi kang good morning, magagandang paraan para simulan ang umagang kay ganda:  How to Start Your Good Morning Take a good sleep and enough rest. Magkaroon ng sapat na tulog. Ang 6 hanggang 8 oras na tulog sa gabi ay tiyak na makatutulong sa iyo upang maging handa at masigla sa kinabukasan. Habang tayo ay tumatanda, our body needs more time to rest and nap.  Prepare your things during night time. Kung alam mong matatagalan ka sa pagpili ng damit, sa paghahanda ng iyong dadalhin at iba pa, lalo't kung may business appointment ka kinabukasan ay siguraduhing naka-alis ka na ng iyong bahay sampung ...

Car Tips- Paraan Para Linisin Ang Kotse

Heto pa ang ilan sa mga kakaibang paraan para linisin ang kotse o sasakyan mo para pogi points ka naman sa nililigawan mo. Hindi lang dapat maganda ang kotse mo, dapat mabango rin. Parang tao lang iyan, hindi na bale kung gwapo o maganda, kung may body odor ka naman, huwag na lang. Anyway, here are the unique and useful ways to clean your car: clean your car tips Hair conditioner for your car . Tama ang narinig mo,syempre ginagamit ito sa buhok lalo na ng mga chick pero mainam din ito sa paglilinis ng kotse. It has lanolin content that is very efficient para magmukhang makintab ang hitsura ng iyong sasakyan. Idagdag pa na nagtataboy din ito sa patak ng ulan para hindi naninikit. Soda to clean the windshields. Matapos na maulanan ang sasakyan, ang maruming salamin ay nagiging problema. Pero huwag mag-worry, sapagkat maiiwasan ang mantsa na dulot ng ulan mula sa pagbuhos ng soda sa mga salamin. Share the Vodka. Mainam ito sa paglilinis ng kotse at maituturing na was...

Tips Para Sa Mga Student Commuter Sa Tag-ulan

Hassle ang biyahe kapag umuulan lalo na sa mga estudyante. Aalis ka ng bahay na todo plantsado ang damit at nice ang grooming pero dahil sa biyaheng traffic at maulan ay losyang ka nang makararating ng skul. Heto ang ilang tips para sa mga estudyanteng commuter kapag maulan ang panahon: Tips for Student Commuter This Rainy Season Sleep Early. Isipin mong malayo ang iyong papasukan at walang magagawa ang driver kapag na-late ka. Lalung-lalo na ang kapwa mo pasahero sakaling nauhan ka sa pagsakay.  Learn your priorities for today. Ipagpabukas mo na ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa ngayon. Applicable lamang ito upang maaga kang makatulog. Kung magbabasa ka lang naman ng magazine o libro, ipagpabukas mo na ito upang maaga kang magising kinabukasan. Ipagpatuloy mo na lang habang nasa biyahe o kung naghihintay ka ng masasakyan. Prepare your rain gears. Maging boy o girl scout ka. Dalhin mo ang iyong payong, alcohol, tisyu, jacket, plastic, ekstrang tsinelas,...

Cheap Hotels- Sanhi Ng Iba't Ibang Sakit

Let's be careful in choosing what Hotels and where to stay. Ayon sa mga eksperto marami sa cheap hotels ang naglipana na pinamumuhayan ng mga germs at bacteria. Isa-alang alang mo ang iyong kalusugan katoto bago ka pa man magpahinga sa isang Hotel matapos ang isang napakahabang biyahe. Cheap Hotels- Prone to Germs and Bacteria Experts warn us! Ang pag-stay sa mga mumurahing hotel ay sanhi ng iba't ibang sakit dahil sa bacteria o germs na pwede mong makuha rito.  Nariyan ang hotspot ng germs sa hotel room tulad ng light switch ng kuwarto, telepono, TV remote, gayundin ang mga toilet at bathroom dito ito ay gawa ng hindi nakasisigurong paglilinis at pag-sa-sanitized sa mga kasangkapan at lugar nito.  There is a big chance that the hotel is contaminated, na ang buong paligid ay pinamumuhayan ng bacteria na may dala ng maraming uri ng sakit dahil sa hindi ganoon kadali o 'di basta-basta namamatay, bagkus ay mabilis ang pagdami ng mga mikrobyo rito.  Bas...

Fire Prevention-Tips Para Makaiwas Sa Sunog

Hindi na baleng manakawan huwag lang masunugan. Ito ang madalas nating naririnig kapag pinag-uusapan ng magkakapitbahay ang sunog. Dahil totoo nga namang kapag nasunugan ka ay para mo nang ipinanakaw ang buo mong kabuhayan. Kung takot kang masunugan, ito ang ilang fire preventon tips para makaiwas sa sunog: Fire Prevention Tips Throw your cigarette butts and use your cigarette lighters properly . Huwag ikalat kung saan saan ang upos ng sigarilyo upang hindi madampot ng mga batang malilikot. Kung naninigarilyo ay agad itapon ng maayos ang upos nang wala nang sindi. Tiyaking malinis at ligtas ang ashtray kapag magtatapon ng abo. Don't smoke in bed. Huwag hayaang manigarilyo ang bisita sa higaan. Kung nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv ay huwag ding manigarilyo. Stay away from candles or heaters if you're wearing big clothes. Huwag palalapitin ang mga taong maluwag ang kasuotan sa mga space heater o kandila dahil baka madilaan ng apoy ang madaling magsikla...

Bridal Tips Para Hindi Ma-tense Sa Wedding Day

Pangkaraniwan na sa mga ikakasal na bride ang tensyonado sa araw ng kanilang kasal. Siguro'y ilang siya sa kanyang suot na gown, iniisip kung ano kayang sinasabi ng mga taong nakakakita o di kaya nama'y ano kaya ang naghihintay sa kanyang kapalaran pagkatapos ng araw na ito. Kung ano man ang dahilan, kung ikaw ay ikakasal na- heto ang ilang bridal tips para hindi ka ma-tense sa iyong araw na pinakahihintay- ang iyong Wedding. Bridal Tips Be yourself. Aminin mo na naiilang ka at parang di ka komportable sa sarili maging sa iyong mga kinikilos at pananamit at pigurahin ang plano pareho upang mapanghawakan ang tensiyon. Mag-isip ng senaryo kung paano ito ayusin at tatapusin. Ang komunikasyon ang siyang susi ng kalutasan ng lahat. Acknowledge the support from parents and closed friends. Hayaang ang mga pamilya at mga kaibigan na malaman na mapagpakumbaba ka at tanggap mo ang kanilang suporta. Maaari kang mag-isip ng paraan na maisama sila sa seremonya at ritwal ng r...

Tips Para Maging Happy Kahit Sad Ka

Habang tumatanda tayo, humihirap ang lahat at nagiging responsable sa araw-araw na buhay. Ang ilang responsibilidad na ito ay nagiging problema sa atin, nalulungkot at nade-depressed. 7 Ways To Be Happy During Sad Times Kung minsan, napapagod tayo. Heto ang tips para maging happy kahit sad ka, para ma-overcome ang feeling na ganito: Tandaan na ang pangarap ay nangyayari kapag ating pinilit na abutin at pangarapin. Isa lang ang buhay at makukuha lang ang buhay na ganyan kapag nagawa natin ang pinakamabuti. Kapag nag-iisa ka sa bahay, nakaupo sa sofa, tumayo, mag shower at isuot ang pinaka-komportable at paboritong damit, pati ang sapatos na gusto, mag-lipstick, magpaganda. At kapag feeling mong maganda ka na, gagaan na ang lahat. Magpaayos ng buhok, magpa-manicure, maglagay ng pabango at sumama sa mga taong masasaya. Tumingin sa diyaryo kung ano ang magandang palabas sa sine at manood ka. Kung walang pera, umarkila ng DVD movie. Ang susunod na gagawin ay tawagan ang mga ...

Parenting Tips- Para Hindi Maging Violent Ang Teenagers

Parenting Tips. Sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang palabas na may akmang violence at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit nagiging bayolente ang isang anak lalo na 'yung teenagers . Bukod rito marami pang ibang reason kung bakit nagiging suwail ang kabataan. Heto ang ilang dahilan pati na rin tips para sa iyo bilang magulang upang mapalaki mong hindi violent ang iyong teenagers. Tips For Parents- How Your Teens Can Avoid Violence Peer Pressure  Ang teenagers na involved sa mga bayolenteng aktibidad ay karaniwang hindi gagawa ng karahasan nang hindi kasama ang kanilang mga kaibigan. Bilang parents, dapat kilala ninyo rin at alamin kung sino ang mga kaibigan ng iyong anak at kung ano ang kanilang mga inuugali kapag magkakasama, dito mo makikita ang babalang sensyales kung malalagay sa gulo ang anak. Mas madaling maimpluwensiyahan ang teenagers ng kanilang mga kaibigan na bayolente, tiyak na magiging bayolente rin ang iyong anak. Violent Parents Kung ang mi...