Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2012

Summer Vacation: Mga Patok Na Negosyo Tuwing Tag-init Sa Pilipinas

Ang init na naman sa Pilipinas. Summer na naman kasi ngayong darating na Marso. Ang iba ay abala kung paano magkakaroon ng isang makabuluhang bakasyon. Habang ang iba naman ay busy sa pag-iisip kung anong patok na negosyo ang pwedeng pasukin ngayong buwan ng bakasyon. Mga katoto namin, ito ang ilan sa mga pwede mong pagkakitaan ngayon Summer na sa Pilipinas: Photo and Video Services . Excited ang lahat magtungo sa mga beach, resort at kung saan saang bahay bakasyunan. Lahat nais magkaroon ng alaala sa kanilang summer adventures. Kaya naman malaki kumita ngayon ang mga negosyong nag-aalok ng photo and video services tulad ng camera and photography, pag-edit ng mga video coverage, editing ng mga litrato, souvenir photos atbp.  Facial and Skin Care Services . Sunburn, bungang araw, pagka-itim at pagkasunog ng mukha, iyan marahil ang mga hindi magandang resulta ng pagbabakasyon sa mga resort. Kaya naman marami sa mga Pinoy ang nagtutungo sa mga derm clinic para maipanumbali