Ang teoriya umano ng mga kulay (colors) ay sadyang nakaaapekto sa ating emosyon, sa rami ng mga sikolohikal na pag-aaral, makatutulong ang impormasyong io maging sa pagdidisenyo ng tahanan, opisina, negosyo o eskuwelahan. Meaning and Effects of Colors Inuugnay din ito sa advertisement, event planning at research methods tulad ng paggamit ng colored ink sa papel para sa surveys. Ang maunawaan kung paanong ang kulay ay nakaaapekto sa emosyon ay may paliwanag din kung bakit ang isang kapaligiran ay puwedeng magdala sa tao ng lungkot, galit, saya, pagrerelaks at pagsigla. Ang pangkalahatang kaugnay ng kulay Ang kulay na pula ay may kaugnayan sa pagmamahal, dedikasyon at hangarin sa mas malalim na pamamaraan Ang kulay na may kaugnayan sa mood at damdamin ay isang karaniwang tema sa Feng Shui, ito ang tinatawag na Chinese art na binabalanse ang kapaligiran tungo sa masayang pamumuhay. Ang karaniwang kulay na may kaugnayan ay puti na ibig sabihin ay kalini...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc