Skip to main content

Posts

Showing posts with the label exercise

Exercise: Tips Kung Gagawin Ito Sa Mainit Na Panahon

Ang hot weather o mainit na kondisyon ng panahon ay nagpapawalang-gana sa ating mag-exercise tulad ng pag-jo-jogging o pagtakbo. Ilan sa mga kondisyon na pwede mong maranas kapag nag-e-ehersisyo sa mainit na panahon ay dehydration, pagkahilo, panghihina at sun burn. Kaya’t mag-ingat, sapagkat kung pupwersahin mo lamang ang iyong sarili ay maaaring magdulot lamang ito ng masamang epekto sa iyong kalusugan. Kung nais mo talagang tumakbo o mag-jogging kapag mainit ang panahon. Heto ang ilang tips para sa iyo. Alamin ang oras kung kailan hindi matindi ang sikat ng araw. Maging flexible ka din sa oras ng iyong pag-eehersisyo para mas maging komportable ang pagsasagawa nito. Mamili ng mga lugar lalo’t para sa iyong jogging exercise. Piliin iyong may mga puno na masisilungan mo at nakakatakip sa sinag ng araw. Kung sadyang mainit ang panahon, ay huwag mong pilitin ang iyong sarili, i-reschedule mo na lang ito sa ibang araw na hindi masyadong mainit. Kung sadyang sanay ...

EXERCISE- Dapat Bang Gawin Na Gutom Ang Tiyan?

Kumakain ka ba bago mag-exercise? O hindi? Maraming tanong o isyu tungkol sa kailangan ba nating kumain bago tayo mag-ehersisyo? O okay lang ba sa katawan natin na gawin ito ng gutom? Ang alam ng ilan, mas makasusunog ng taba ang pag-eehersisyo ng walang laman ang sikmura . Ito ay base sa kaisipan na kapag walang laman ang ating tiyan ay magagawa nitong pasiglahin ang katawan na gamitin ang fats bilang enerhiya. Sa kabilang dako, kapag tayo ay busog, ang katawan natin ay maaaring maglabas muna ng glucose o carbohydrates sa ating tiyan bilang enerhiya. Totoo ba ito? Maaaring makatwiran ang kaalaman na ito. Ngunit mayroon ding pag-aaral na ginawa na nagpapakita na walang benepisyong hatid ang page-exercise ng gutom. Maaari pa itong maghatid ng masamang epekto sa ating kalusugan. Base sa pag-aaral na inilathala din ng isang Fitness Journal sa Estados Unidos, ang pageehersisyo bago o pagkatapos kumain ay walang kinalaman sa dami ng pagsusunog ng taba. – ayon sa Time...

Epektib Ba Ang 5 Minute Exercise?

Hindi ba ganun kadami ang iyong oras para mag-exercise? Bakit hindi bigyang panahon ang iyong sarili na makapag-ehersisyo kahit 5 minuto lamang?  Alam ninyo bang kapag ginawa ninyo ang 5 minute exercise ng walang hinto ay mas epektib ito kaysa sa 90 minutos na ilalagi ninyo sa Gym? Alamin ang katotohanan tungkol dito. Ayon sa pag-aaaral, ang 5 minutong pag-eehersisyo ng walang tigil ay mas epektib kaysa sa 0 minuto na pag-eehersisyo sa Gym. Para gumanda ang ating katawan, kinakailangan nating mag-ehersisyo. Sa pamamagitan nito ay matutunaw ang mga sobrang taba na nasa ating katawan. Kapag nangyari iyon, siguradong gaganda ang hubog ng ating pangangatawan kaya siguradong marami ang mapapalingon sa atin. Ang mga katangiang higit na napapansin ay ang pisikal nating hitsura kaya maganda ang iyong pangangatawan, siguradong marami ang hahanga sa’yo. Kung ikaw ay seksi o macho, siguradong marami ang manliligaw o magpapapansin sa’yo. Maaari ka pang kuning modelo o artista...

Mga Hindi Dapat Paniwalaan Ng Nagdi-dyeta

Ito ang mga kathang-isip na inaakala mong makatutulong sa iyong pagda-diet pero sa katotohan pala’y lalo lang magpapahirap sa pagbabawas mo ng timbang. Ang mga kathang-isip na ito ay nagbubunsod lamang sa hindi matagumpay na pagpapapayat o pagdi-dyeta. Para maging maalam ka- ito ang ilan sa mga ito ayon sa Eating Well : Kung healthy naman ang pagkain, hindi na mahalaga ang calorie content. Mali po to, Hindi porke’t masusustansya ang mga pagkain na iyong kinakain ay isasawalang-bahala mo ang calorie content nito. Halimbawa ng mga pagkaing ito ay whole wheat bread, avocado, beans, at pulang kanin- na kapag kumain ng sobra ay makakasama rin sa iyong pag-didyeta. Kaya naman ang payo ay hinay-hinay rin sa pagkain ng mga ito. Ang pagbaba ng timbang 4.5 kilograms sa isang linggo o higit pa ay masama sa kalusugan. Kadalasan itong nangyayari sa mga gumagamit ng extreme diet. Pero ito ay hindi mabuti sa pagdi-diyeta. Para makabawas ka ng 0.5 kilograms ng iyong timbang ay kinakaila...