Skip to main content

Posts

Showing posts with the label diet soda

Ang Panganib Na Dulot Ng Diet Soda

Ikaw ba ay mahilig sa pag-inom ng diet soda sa pag-aakalang makatutulong ito sa iyong pagda-diet? Alam ninyo bang walang nutrisyon na makukuha mula rito. Ang mga manufacturer ng diet soda ay naglabas ng mga label na “low sugar” o “zero sugar” sa kanilang mga soda para daw sa kalusugan at mag-enganyo sa tao na magpatuloy na uminom ng diet soda. Pero ayon sa report ng Fit Sugar , kahit pa ang lakip ng mga ito ay sugar-free ay nagdudulot pa rin ito ng panganib sa ating kalusugan. May masamang epekto pa rin ito sa katawan ng tao. Base sa pagsasaliksik, ang pagkonsumo ng diet soda ay nagpapataas ng tsansa na magkaroon ang isang tao ng heart attack at stroke ng 44 poryento. Ang laman na artificial sweetener ng mga diet soda bagamat wala itong calories ay dahilan pa rin kung bakit gutom ka pa rin at ito ay mag-reresulta lamang sa labis na pagkain at syempre ito ang magiging dahilan ng labis mong pagtaba. Bagamat sinasabing ang artificial sweetener ay hindi mapanganib kapag ...

HEALTHY BENEFIT NG DIET SODA (wag lang sobra)

Sa kabila ng pagsasaad sa hindi mabuting naidudulot ng diet soda sa katawan, kamakailan lang ng kinontra ito at ibunyag ng mga eksperto ang resulta sa isang pananaliksik. Lumabas sa pag-aaral na ang paglagok ng diet soda ay nagtataglay din mabuting benepisyo. Ayon sa mga doctor, nadiskubre nila na ang citrate at malate na matatagpuan sa naturang inumin ay nakapagpapaiwas sa banta ng pagkakabuo ng calcium kidney stones. Mas mainam kung sa hanay ng mga diet soda, masusing pipiliin ang mataas na konsentrasyon ng dalawang substances. Gayunman, ibinababala ng mga urologist na posibleng ang usaping ito ay magbunsod sa mga tao upag kumonsumo ng maraming diet soda sa kanilang katawan. Ang tamang dami ng naturang inumin sa katawan ay mahusay para sa mga taong malapit sa banta ng panganib ng kidney stones na hindi naman dapat sobrahan. Basahin din: Prostatis: Sensyales Sintomas at Paano Makaiwas