Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pet care

Gusto Ko Ng Alagang Hayop (Ready For A PET)

Napatunayan na ng medisina na nakatutulong ang pagkakaroon ng pet o alagang hayop upang mawala ang iyong stress at ma-relax. Pero naisip mo na ba kung ano ang tumatakbo sa isip ng iyong alagang hayop? Opo, pati rin sila ay humaharap din sa stress at trauma kung hindi mo sila mabibigyan ng sapat na atensyon at pagmamahal. Kaya’t kung ikaw ay nagpaplano na magkaroon ng pet, ito ang ilang tips para matanong mo sa iyong sarili kung ikaw ay handa na bang mag-alaga ng hayop . Ano ba ang lifestyle mo? Iyung totoo, kaya mo bang maging parte ng iyong pamumuhay ang iyong pet? Kung hindi ka madaldal o mahilig sa pakikipag-usap, sa tingin mo ba’y kaya mong makipagkomunikasyon ng maayos sa iyong alaga? Kung makalat ka o burara, kaya mo bang pangalagaan ang hygiene niya? Tamad ka bang maglakad? Naku, huwag mo nang planuhin ang kumuha pa ng aso ? May oras ka ba? Isa ka bang busy na empleyado sa iyong trabaho? O isang taong-bahay na siya lang nangangalaga sa lahat ng gawaing bah...

Healing Power Ng Mga Alagang Hayop (PETS)

Mayroon bang healing power ang pet mo? Sa katotohanan, kayang palabasin ng mga alagang hayop ang ating nurturing instinct. Pinararamdam nila sa  atin na tayo ay ligtas at sa atin ay may nakakaunawa. Kahit anu pa mang alagang hayop ang mayroon ka ay kaya mong maramdaman ang therapeutic benefits mula sa kanila. Puwede itong aso, pusa, goldfish atbp. Ito ang ilang benepisyo sa kalusugan na maibibigay ng pet mo sa’yo: Ang mga senior citizen na may alagang hayop at silang mga tumanda na sa harap ng maraming pagsubok at humaharap sa sandamakmak na stress at problema sa buhay ay mas nakadarama pa rin ng ginhawa sa pakiramdam kaysa sa mga matatandang walang alagang hayop. Mas mababa rin ang presyon ng dugo ng mga nag-aalaga ng hayop. Ayon sa mga tagapagsaliksik, iyong mga taong may alagang hayop na biglang nakaranas ng stress sa kanilang buhay ay mas mababa ang blood pressure kaysa sa mga walang pet.Ang mga pet owner din ay higit na mababa ang kolesterol level kaysa sa ...

Tips Sa Pag-rescue Ng Abandoned PETS

Isang sikat na aktres mula sa bansang India ang noo’y nakatagpo ng isang inabandunang aso malapit sa kanyang bahay. Mayroong maliit na sulat mula sa tagapag-alaga nito na nakasukbit sa leeg ng aso na nagsasabing hindi na siya kayang alagaan pa nito. Labis na naawa ang aktres ng makita ang kalagayan ng aso na sa kanyang tingin ay dumanas ng maraming paghihirap mula sa kanyang amo. Sa pakikipag-ugnayan ng aktres sa isang ahensya sa India na nangangalaga sa mga hayop ay nailigtas ang aso. Isa nang pangkaraniwang pangyayari sa buong mundo ang pag-aabanduna sa mga alagang hayop tulad ng aso. Ikaw anong gagawin mo kung may natagpuan kanghayop na inabanduna na lamang sa kalye? Ito ang ilang tips na dapat mong gawin? Maging handa sa pag-rescue. Sa susunod na makakita ka ng isang abandoned pet ay maging mabuti kang samaritano at tulungan ito. Tumawag sa anumang animal rescue center, animal welfare offices,24 hour veterinary clinic, at iba pang ahensya na makatutulong sa pag-re...

Health Benefits Mula Sa Mga PET

Maraming benepisyong hatid ang pagkakaroon ng pet sa bahay. Isang mabuting kasama sa buhay ang mga alagang hayop kaya’t ituring mo siya parte ng iyong pamilya. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat na maging mahalaga sila sa iyong buhay. Una sa lahat, ang mga pet ay kayang ibsan ang stress na iyong dinaranas sa buhay. Ang pagkakaroon ng pet sa loob ng bahay ay nagbibigay ng isang magandang atmosphere sa loob nito na siyang makabubuti sa iyong kalusugan. Ayon sa isang survey, ang mga pet owner ay mayroong higit na mababang presyon ng dugo at kolesterol level kumpara sa mga hindi nag-aalaga ng hayop. Isang rason ang paglalakad, sapagkat kung ikaw ay may alagang hayop ay kinakailangan mo siyang igala, dahil riyan nakapag-eehersisyo ka, rason na rin ng pagbaba ng iyong kolesterol at presyon ng dugo. Mas mabilis ding naka-rerecover sa sakit ang mga taong nag-aalaga ng hayop kumpara sa mga hindi. Mas mabilis ang paggaling lalo’t kung ikaw ay nakaranas ng operasyon. ...

Nawawala Ba Ang Pet Mo? (Finding A Lost Pet)

Ang pagkawala ng alagang hayop ay tulad rin sa pakiramdam ng pagkawala ng isang anak. Kung nangyari ito sa iyo at sa iyong pet ay nararapat ang isang agarang aksyon. Ito ang ilang tips kung anu-ano ang mga dapat mong gawin kapag nawala ang iyong alagang hayop at kung paano mo sila mare-recover. Mag-anunsyo sa diyaryo at sa iba pang publication company. Ilagay mo ang deskripyon ng iyong lost pet doon at pati na rin kung paano ka makokontak. Kung nakatira ka sa isang campus o sa isang subdivision ay magpaskil ka sa community bulletin board o sa mga lugar kung saan pwede kang magpaskil ng anunsyo. Pwede mo ring gamitin ang social networking sites sa pag-aanunsyo sa nawawala mong alagang hayop tulad ng iyong facebook at twitter para na rin sa kaalaman ng iyong mga kaibigan,kamag-anak at iba pang kakilala. Gumawa ka ng flyers at humingi ng permiso kung saan mo ito pwedeng ipamahagi. Maaaring ito ay sa iyong mga kapitbahay, veterinary clinic, grocery store, shoppin...