Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pampa-flat ng tiyan

Mga Pagkain at Inumin Na Pampa-flat ng Tiyan (Flat Belly Diet)

NEW! 2/25/2018 - Day 1 ng aking Fitness Journey. Sa aking weight loss journey na ito ay ipapakita ko sa inyo ang aking pagsusumikap na pumayat. Susubukan ko ang iba't-ibang klase ng diet hanggang sa malaman ko ang tamang dyeta na aangkop sa aking pangangatawan. Ang vlog na ito ay may pagka-comedy pero seryoso ang mensahe ko sa inyo na bigyan natin ang ating mga sarili ng pagkakataon na mamuhay ng nasa tama ang ating pangangatawan at kalusugan. Kung magustuhan ninyo po, ay i-click po ang subscribe button at notification bell upang masubaybayan ninyo ang aking journey. Feel free to comment din po para sa inyong mga suhestiyon at kaalaman na nais ninyong ibahagi tungkol sa pagpapapayat. Ito ay kung tawagin ko ay ang aking #Dietserye. Mapapanood sa aking youtube channel. Dahil sa paborito ninyo ang topic tungkol sa pampaliit ng tiyan. Heto pa ang ilan sa ating flat belly diet tips lalo na’t sa mga katoto naming chick at bebot na nais maging sexy. Heto ang ilan pa sa mga pagka...

Flat Tummy: MGA PAGKAIN AT INUMING PAMPA-FLAT NG TIYAN

1. Avocado . Ang prutas na ito ay malusog na nagdudulot ng monounsaturated fats (na matatagpuan din sa olive oil), na ikinakabit sa pagpapababa sa level ng LDL cholesterol at pagabawas ng timbang. Sa katunayan, lumabas sa pag-aaral na ang healthy-fat Mediterranean diet ay higit na epektibo kaysa sa diet na labis-labis na umiiwas sa fats sa kabuuan kaya hindi dapat ipag-alala ang pagkonsumo nito. Maliban sa calories, taglay din naman ng avocado ang fiber at protina. 2. Itlog . Ayon sa isang pag-aaral, natagpuan na ang mga taong nagpapataas ng percentage ng kanilang protein based calories sa sariling diet ay higit na nakasusunog ng hanggang 71 calories sa bawat araw (7.4 pounds kada taon). Mainam kung sisimulang ikondisyon ang metabolismo mula sa pagbangon sa higaan sa tulong ng protein-rich breakfast na scrambled eggs. Ang scrambled eggs ay itinuturing na mahusay na diet-weight loss secrets. 3. Suh a . Ang suha ay mainam na kabahagi ng regular meal n...