Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pagibig

Tips Para Maging GOOD HUSBAND

Hindi naman ganun kahirap maging good husband sa iyong may bahay. Ang dapat mo lang gawin ay sundin ang iyong puso, konsensya, at gampanan mo ang iyong responsibilidad sa iyong asawa. Ilan sa mga Tips na iyong mababasa ay makakatulong upang maging matatag ang inyong pagsasama ni misis: BE A GENTLEMAN Karamihan sa mga babae ay gustong-gusto ang pagiging sweet ng kanilang mister. Kung ang iyong asawa ay ganun, ihanda mo na ang iyong sarili para mailabas ang iyong 17th century na manners tulad ng paghalik sa kanya bilang hello at goodbye, bitbitin ang kanyang mabibigat na dala, pagbuksan siya ng pinto at bayaran ang inyong date. Pero dahil ang mga babae ay medyo may topak, kung ayaw niyang i-treat mo siya ng ganun, huwag mo itong damdamin. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging sweet sa kanya. HAVE RESPECT Ang pagrespeto ay pagpapakita ng pag-unawa. Unawain mo na ang iyong asawa ay isang independent na tao at may ilang bagay na hindi niya gusto na inaayunan mo siya. Para maipak...

Huwag Mo Itong Masabi Sa FIRST DATE

Nais mo bang maulit ang date ninyo ng babaeng gustong gusto mong makilala ng husto at maging girlfriend balang araw? Ang kailangan lang ay hindi siya ma-turn off sa iyo lalo na sa first date ninyo. Heto ang ilan sa mga salitang huwag na huwag mong masabi sa first date ninyo. Teka ano ulit ang pangalan mo? Kapag kausap kita sa phone parang ang sexy mo Huwag diyan mahal diyan dito tayo sa mas mura ( Pwede mo naman siyang dalhin sa murang restaurant na hindi ito binabanggit sa kanya di ba?) O ito iyung babayaran mo, kkb tayo di ba? Hindi talaga ako attracted sa maiitim na babae eh, pero sige para sa iyo kakalimutan ko ‘yun. Alam mo, naalala ko sa iyo ang ex ko… hay. Wow ang yaman ninyo siguro, dami mong alahas eh. Ganda ng relo mo. Mamahalin yan no? Ayoko ng mga makukulit na bata. Kaya ayoko mag-anak eh. Iyan ang mga salitang hangga’t maaari ay iwasan mong sabihin kapag ka-date mo siya. Lalo’t kung gustong gusto mo ang babae dapat hindi lang basta...

Mabuting Dulot Ng Pag-aaway Sa Magkarelasyon (Love Quarrel)

Alam ninyo bang may mga pag-aaral na mas tumatagal ang relasyon ng dalawang taong nagmamahalan kapag sila ay laging nagtatalo o nag-aaway? Kung minsan, dahil sa takot  na tayo ay iwan ng ating karelasyon ay ipinagsasawalang-bahala na lang natin ang kanyang mga kasinungalingan. Mahirap mang aminin sa sarili, tayo ay nagbubulag-bulagan sa sitwasyon at nananahimik na lamang. Sabi ng mga psychologist, mas masosolusyunan ang problema ng magkarelasyon kung sila ay mag-aaway. Sa pamamagitan kasi noon ay madaling masolusyunan ang problemang kanilang kinakaharap. Samantalang, kung pipiliin na lang ng isang babae o lalaki ang sama ng loob sa kanilang karelasyon ay hindi niya maiiwasan ang makaramdam ng pagdududa. Ang pagdududahang iyon ay ang mistulang anay na sisira sa inyong relasyon. Sabi ni James McNulty, associate professor sa University of Tennesse, hindi porke nagpatawad ang isang tao ay magagawa na niyang kalimutan ang kasalanan ng kanyang karelasyon. Sa katunayan ay ...

Love Tips: Dapat Mo Pa Bang Balikan Ang Syota Mo? (2nd Chance)

Hindi lahat ng relasyon ay perpekto. Pero hindi ibig sabihin nito ay wala na ring tamang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Minsan, hindi tayo maka-move on sapagkat pinipilit nating maging okay pa ang lahat kahit ang sakit sakit na. Nandun pa rin tayo sa nakaraan kung saan naranas natin ang sobrang kalungkutan dahil sa kanyang mga kasinungalingan kung kaya’t hindi natin makita ang hinaharap. Nag-break na kayo pero alam ko na mayroon pa rin sa puso mo ang nag-uudyok para balikan siya pero tanungin mo ang sarili mo? Tama pa bang gawin ito? Sasaya ka ba o magiging malungkot lang muli kapag binalikan mo siya? Kapag binalikan mo ba siya ay hindi na ba siya uulit sa kanyang mga kalokohan o muli mo lang daranasin sa kanya ang parehong problema kung bakit kayo nagkahiwalay? Hindi masamang magmahal ang puso ngunit mayroon tayong utak para gamitin ito. Kung hindi mo matanggap sa iyong sarili na wala ka na dapat na balikan pa ay hindi ka makaka-move on . Kung feeling mo may chanc...

True Or Fake Love: Tips Para Malaman

Hindi madali kung minsan ang malaman kung totoo bang mahal ka ng taong mahal mo o isa lamang pagkukunwari. Maraming paraan para malaman, pero natatakot lang tayo na hindi sumang-ayon sa atin ang ating matutuklasan kung kaya’t madalas ay ipagsawalang-bahala na lang ito at magbulag-bulagan. Minsan nasa harap na natin ang katotohanan ngunit tayo ay nagbubulag-bulagan sapagkat nakararamdam tayo ng pagkabaliw sa pagibig. Pero ikaw, na nagbabasa nito. Alam ko ang pakay mo. Alam mo na ang sagot sa iyong tanong kung true love ba o fake love ang pinapakita niya sa iyo pero in denial ka at this point. Kaya’t naghahanap ka pa ng lusot sa sariling bitag kung saan ka naroon ngayon. Sige, kahit masakit, heto ang tips para malaman mo kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Kung mahal ka ba talaga niya o hindi: Hindi totoong pag-ibig kapag minamanipula niya ang buhay mo. Tipong gusto ka niyang magbago para sa kanyang sarili pero hindi para sa iyo. Maaaring ikinahihiya ka niya sa kanyang m...

Love Tips: Mga Dahilan Ng Break-up?

Kung bago ka pa lang sa pakikipag-relasyon ay nais mo syempreng maging masaya ang takbo ng inyong pagsasama. Sino ba namang nagmamahal ang hindi gugusto sa isang relasyon na puno ng saya at pagibig. Pero dapat mo ring isipin na walang perfect relationship, kaya’t dapat ka ring maging maalam sa mga dahilan kung bakit ang isang relasyon ay nauuwi lang sa break-up . Heto ang ilan: Lack of Communication Kapag walang magandang komunikasyon o pag-uusap sa tuwing kayo ay magtatalo, hindi ninyo madaling maayos ang gusot. Kung may pag-aaway dapat pareho kayong marunong makinig sa paliwanag kung bakit nagawa niya ang isang pagkakamali. At syempre pa ay marunong ka ring magpatawad kung isang beses lang naman niya itong nagawa at nakatitiyak kang hindi na niya ito uulitin pa. Kung pareho kayong hindi marunong makinig at ma-pride, mauuwi lang ito sa paghihiwalay. Controlling His/Her Own Life Dapat ring isipin na kahit kayo ay magkarelasyon ay may ibang mundo pa rin siyang gi...

Love Tips: Ano Ang Pagkakaiba ng Lust sa Love?

Ang lust ay hindi pagmamahal at kahit kailan hindi ito magkakaroon ng parehong kahulugan. Ngunit sa ilan, mahirap unawain kung ang nararamdaman ba nila ay pagnanasa lamang o pag-ibig. Ano-anu nga ba ang pagkakaiba pa ng lust sa love? Itanong mo ito sa iyong sarili: Nais mo ba siyang makasama ng matagal o ng kahit sa forever? Kaya mo ba siyang ipagtanggol sa mga nang-aapi sa kanya? Kaya mo bang harapin ang mga magulang niya o kaya mo ba siyang ipakilala sa mga magulang mo? Kaya mo bang ipagmalaki siya sa’yong mga kaibigan? Kaya mo bang huwag sumuko sa mga pagsubok ng inyong relasyon? Kaya mo bang magpatawad o humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali? Kaya mo bang magkaroon ng maraming panahon sa kanya o kundi man ay quality time? Kaya mo bang magbago para sa iyong sarili at para sa kanya? Kaya mo bang makipag-commit sa isang relasyon na hindi pilit ngunit may pagkukusa? Kung OO lahat ng sagot mo, maaaring senyales ito na Love ang nar...

Live-In: Tama Ba o Maling Gawin Ito? (LOVE TIPS)

Isang malaking hakbang para sa relasyon ang magsama sa iisang bubong o ang mag-live-in . Ito ay commitment sa inyong dalawa na kayo ay magsasama kahit hindi pa kayo kasal. Ang epekto o mga kahaharapin ng ganitong uri ng pagsasama ay mahirap tukuyin sapagkat bawat sitwasyon ng isang relasyon ay magkakaiba. Ang kasagutan kung may dulot bang maganda ito para sa inyong relasyon ay nakadepende kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo at kung handa ka bang kaharapin ang mga pagsubok ng inyong relasyon. Good Side Of Living-in Together magandang dulot ng pagli-live-in Ang ilan sa magandang idudulot ng pagli-live-in ay paghahanda sa hinaharap. Malalaman mo kung karapat-dapat ba siyang pakasalan o hindi. Sa pagli-live-in ay matutuklasan ninyo pareho ang inyong pagkakaiba at kung hanggang saan ang kaya ninyong baguhin para mapatatag ang inyong relasyon. Kung tanggap mo na siya at sanay ka na sa kanyang pag-uugali sa tagal ng inyong pagli-live in ay pwede mo ng masabing ...

Senyales Na Single Ang Isang Girl (LOVE TIPS)

Kapag ang lalake ay nagkagusto sa isang girl, nais niyang alamin kung single ba ito o hindi na. Dahil, nakakahiya naman kung panay ang pagpapa-cute mo sa isang babae, bago malalaman mo lang na may sabit na pala ito. Kaya importante sa lalaki na alamin kung single ang isang babae bago niya ito diskartehan. Ito ang ilang tips para malaman mo kung ang status ng isang babae ay single. Ang mga single na babae ay madalas nagpupunta sa bar o club kaysa sa mga babeng may boyfriend na.  Kapag lumalabas ang mga ito, interesado sila at pinapakita nila sa lalake na ready sila for dating. Kung first time mong nakita ang girl, ngumit ka at makipag-eye contact sa kanya, kapag ginagawa niya ito pabalik sa’yo, malamang sa hindi, single yun. Mas madaldal ang mga babae na single o mas makwento sila kapag may bagong lalake na nakilala kaysa sa mga babaeng married na o in a relationship na ang status sa facebook. Kung may nai-spotan kang babae na nakikipag-friendly conversation sa...

Love Tips: Gusto Mo Ba Siyang Maging BF?

Nakakilala ka ng isang guy at naging interesado ka na mas makilala pa siya at makasama. Pero minsan mahirap sa babae na ipaintindi o sabihin sa lalake na may gusto siya rito. Mas takot ang mga babae sa rejection na hindi siya pansinin ng guy kaya naghihintay na lang siyang lapitan siya at ang lalake ang gumawa ng first move. Kung hindi mo na matiis at gustong gusto mo ang lalake a maging boyfriend mo, bakit ka magpupuyat sa kahihintay sa kanya. Subukan mong baguhin ang iyong approach at i-try ninyo ito mga girlfriend. Kailan mo siya tatanungin. Mas maganda ang timing na pwede mo na siyang tanungin kung gusto mo ba siyang maging boyfriend ay iyung oras na alam mo nang mayroon na kayong koneksyon sa isa’t isa, nakasama mo na siya sa isang date at nakakwentuhan na ng matagal. Pwede mong gawin na makipagkita kang muli sa kanya sa lugar kung saan una mo siyang nakita at sabihin sa guy ang iyong intensyon na siya ay makasama pa and this time, para sa isang intimate relationship. ...

LOVE TIPS: Paano Ka Magugustuhan Ng Girl?

Mahirap sa simula na magkaroon ng interes sa iyo ang isang babae,tamang diskarte at kaunting charm ang kailangan para maging interesado siya sa iyo. Ito ang ilang paraan para mahalin ka kung hindi man ay magkagusto sa iyo ang girl na gusto mo: Alamin mo kung ano at saan interesado ang isang babae. Pwede kang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan para malaman mo ang interes niya. Magagamit mo ito kapag nagkaroon ka ng chance na makausap at makakwentuhan ang type mong babae. Purihin mo siya palagi. Nais nang mga babae na lagi siyang pinupuri, pero siguraduhing hindi ito tipong binobola mo lang siya kasi turn off yan sa mga bebot. Matutong makinig sa kanyang mga kwento. Huwag iyong puro ikaw lang ng ikaw at tungkol sa mga achievements mo ang iyong binibida. Makwento ang mga babae at gustong gusto nila ang mga lalakeng marunong makinig sa kanyang mga kwento. Magkwento ka ng mga romantic story. Kilig na kilig ang mga babae kapag nakakarinig o nakapapanood ng mga ...

Paano Dumiskarte Sa Babae? (Flirting Tips For Men)

Hindi madaling lumapit sa isang magandang babae. Maraming pick up lines ang usong uso ngayon na gamitin para magka-interes sa iyo ang babae pero iilan lang sa mga ito ang turn on para sa kanila. Kailangan mo ng karisma, tamang diskarte at sense of humor para makuha mo ang atensyon ng babae. Ito ang ilang flirting tips para sa mga lalake: Relax lang at maging confident. Iyan ang unang paraan para maka-usap mo ng maayos ang babae. Lapitan mo ang babae, ngumiti at tanungin siya kung mayroon ba siyang hinihintay. Kapag sinabe niyang OO meron , tanungin mo siya kung pwede mo ba siyang makausap habang may hinihintay siya. Kung tumanggi ang babae, maghanap ka na ng ibang babaeng didiskartehan. Kung flirting lang din at first time mong makita ang girl, tignan mo ang babae sa mga mata, eye to eye contact ang kailangan pagkatapos ay hawakan mo ang kanyang kamay o makipag-holding hands. Tandaan ang lahat ng detalye na nalaman mo tungkol sa kanya. Magagamit mo ito. Bilhan...

Tips Para Mahalin Ka Ng Lalake (LOVE)

Kilig na kilig ka sa first date ninyo, tipong tinatanong mo na ang sarili mo kung mahal ka na niya. Syempre malinaw na hindi pa. Pwera na lang kung naniniwala ka sa love at first sight. Anyway, kung nais mong ma-fall in love sa yo o mahalin ka ng lalaking gusto mo, hindi mo kailangan ng gayuma. Ang kailangan mo lang ay ilang praktikal na paraan para mangyari ito. Heto ang ilang tips para sa’yo: Ipakita mo sa kanya ang iyong mga kakayahan. Ipakita mo sa kanya ang iyong mga good qualities. Halimbawa, kung marunong kang kumanta ay yayain mo siyang mag-videoke, kung magaling kang mag-pinta ay subukan mong ipinta ang kanyang mukha at iregalo ito sa kanya. Kung mahilig kang magpatawa, ilabas mo na ang iyong best joke para matawa siya. Magpakatotoo ka . Huwag kang magpanggap na ganito ka o ganoon ka. Maging totoo ka lang sa iyong sarili, kung ano ka, iyan ang ipakita mo. Mas gusto ng mga lalake ang babaeng totoo sa kanyang sarili. Huwag kang O.A. Huwag mong isipin na porke’...

Love Tips: In-Love Ba Talaga Sa’yo BF Mo?

Kung ikaw ay isang babae na baliw na baliw sa pag-ibig, tiyak na nais mong malaman kung in-love ba talaga sa iyo ang bf mo. May mga gumugulo kasi sa isipan mo kung bulag ba ang puso, kung imahinasyon mo lamang na mahal ka niya o kung tunay ba talagang mahal ka niya. Hindi naman ganoon kahirap na malaman o tuklasin kung ang bf mo ay in-love ba talaga sa’yo ang tanging kailangan mo lang ay ang pinangagalingan ng mga senyales. Love tips para malaman kung in-luv sa’yo ang mahal mo? Basahin mo ito girlfriend. Senyales kung paano siya magplano kasama ka: Nakikita ng bf mo ang kanyang sarili kasama ka sa matagal na panahon. Gumagamit siya ng mga salitang “Tayo” imbes na “Ako”  o “Ikaw” sa pangungusap kapag pinag-uusapan ang pagpaplano tungkol sa relasyon ninyong dalawa. Sinabi na niyang oras na para makita ka ng kanyang pamilya. Hindi rin siya nahihiya na ipakilala ka niya sa kanyang tropa, mga tunay na kaibigan pati lalo sa kanyang bestfriend. Indikasyon ito na mah...

Tips Para Makuha Ang Number Ng Girl

Lahat ng lalake dumating sa sitwasyon na kapag may gustong gusto na girl, eh hindi pwedeng hindi niya makuha ang cellphone number nito. Nangyayari ito madalas kapag nagtutungo ang lalake sa bar at doo’y may nakitang isang maganda at seksi na chick. O di kaya nama’y may hangout ang barkada at nagkataong ang kabarkada ay may kasamang magandang kaibigan na babae. Naku po, hindi mapakali si lalake hangga’t hindi niya nakukuha ang number ni babae. Pero aminin mo, minsan kahit gustuhin mong makuha ang number ng girl ay hindi mo alam kung paano ang diskarte. Heto, turuan kita katoto: Maging confident at laging may control. Kung nais mong makuha ang number niya para matawagan siya o ma-text ay kalimutan mo na ang pagiging torpe. Ipakita mo sa kanya na confident ka at sobrang interesado ka na makilala mo siya pero huwag naman iyong tipong maangas ang dating. Mas gusto ng mga babae ang simpleng diskarte. Mag-control ka at huwag maging agresibo, gusto man ng babae ang isang lalakeng m...

Tips Para Maipakitang Mahal Mo Siya (Love Tips)

Mahalaga sa isang relasyon, lalo na’t doon sa matagal ng magkasintahan na maipakita mo pa rin ang iyong pagmamahal kahit na sa simpleng paraan lamang. Isa itong pagpapakita na kahit matagal na kayo ay malambing ka pa rin sa kanya at hindi nawawala iyong kilig at kuryente  na naramdaman mo nung una kayong magkita. Ito ang ilang love tips- 10 simpleng paraan para maipakitang mahal mo siya. Sabihan mo siya ng I love you araw araw. Pwede mo itong gawin kapag kayo ay nagde-date, pwede rin sa text o sa tawag habang break time mo o lunch time sa trabaho o di kaya’y pagkagising mo pa lang sa umaga at bago ka matulog. Simple itong paraan pero may kilig. Hindi porke’t sobrang busy mo na sa trabaho ay napapadalang na rin ang iyong paghalik at pagyakap sa kanya. Kung gaano mo siya kadalas halikan at yakapin noon dapat ganoon pa rin iyun hanggang ngayon. Palagian siyang i-surpresa gamit ang mga love note na pwede mong lihim na ilagay sa kanyang luch box, o di kaya nama’y mal...

Signs Na Sobrang Seloso Ang Partner (Possessive)

Pakiramdam mo ba ay sakal na sakal ka na sa iyong syota? Ramdam mo na ba ang paghihigpit niya sa iyo kahit hindi naman dapat? Naku, baka senyales na iyan na ang kasintahan mo ay sobrang possessive o sobrang seloso. Heto ang ilang paraan para malaman mong sobra na ang pagseselos niya. Palagi niyang tinatanong kung saan ka pupunta sa tuwing aalis ka na lang ng bahay. Iyong tipong kahit kakain ka lang sa labas kasama ng iyong mga kasamahan sa opisina ay pagdududahan niya na may katatagpuin kang iba. Senyales ito na sobrang seloso ang tao, nakakasakal at pagpapakita ito na hindi ka niya na-mi-miss kundi duda siya sa iyo o pagpapakita ito ng kawalan ng tiwala. Palagi ka niyang tinatawagan o tine-text ng paulit-ulit kung nasaan ka at anong ginagawa mo. Tipong nasa opisina ka at nagtatrabaho, o nasa skul ka lang ay makaka-receive ka ng mga text na gaya nito: “ Nasaan ka na, ba’t di ka nag-rereply? BAT DI MO SINASAGOT TAWAG KO? BAD TRIP A” “Siguro makikipagkita ka sa EX m...

Signs Na Ayaw Na Sa'yo Nang Syota Mo (Break-up)

Ramdam mo na ba na parang nanlalamig na sa’yo ang syota mo? Ramdam mo na bang hindi na siya tulad nang una ka niyang nakilala? Baka hindi ka na niya mahal? Baka nais na niyang makipaghiwalay sa’yo? Paano ba malaman na ayaw na sa’yo ng syota mo at gusto na niyang makipaghiwalay? Heto ang ilang senyales: Wala na siyang oras sa iyo. As in wala na talaga siyang oras sa’yo. Tipong mas mahal niya pa ang Dota at uunahin niya ito kaysa ang makipag-date sa’yo. Lagi siyang busy o tipong sasabihin niyang busy siya habang nakikita mo lang sa harapan mo na nanood lang siya ng mga Fliptop videos sa youtube. Naku ka, hindi mo pa ba tatanungin ang sarili mo: Mahal ka pa ba niya? Hindi na siya interesado makinig sa mga kwento mo. Kahit iyong mga date ninyo na magkasama kayo ay mas inuuna niya pang mag GM sa mga ka-clan niya kaysa makinig sa mga nagaganap sa buhay mo. Wala na siyang interes na kausapin ka. Hindi na siya gumagawa ng paraan para makita ka niya. Hindi na siya nagsasabi na “...

Bridal Tips Para Hindi Ma-tense Sa Wedding Day

Pangkaraniwan na sa mga ikakasal na bride ang tensyonado sa araw ng kanilang kasal. Siguro'y ilang siya sa kanyang suot na gown, iniisip kung ano kayang sinasabi ng mga taong nakakakita o di kaya nama'y ano kaya ang naghihintay sa kanyang kapalaran pagkatapos ng araw na ito. Kung ano man ang dahilan, kung ikaw ay ikakasal na- heto ang ilang bridal tips para hindi ka ma-tense sa iyong araw na pinakahihintay- ang iyong Wedding. Bridal Tips Be yourself. Aminin mo na naiilang ka at parang di ka komportable sa sarili maging sa iyong mga kinikilos at pananamit at pigurahin ang plano pareho upang mapanghawakan ang tensiyon. Mag-isip ng senaryo kung paano ito ayusin at tatapusin. Ang komunikasyon ang siyang susi ng kalutasan ng lahat. Acknowledge the support from parents and closed friends. Hayaang ang mga pamilya at mga kaibigan na malaman na mapagpakumbaba ka at tanggap mo ang kanilang suporta. Maaari kang mag-isip ng paraan na maisama sila sa seremonya at ritwal ng r...

Simple Wedding-Tips Sa Pagpaplano Nito

Ang kasal ay isang selebrasyon ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao at pinakamasayang sandali ito para sa couple, sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Kung minsan, ang kasalan ay kailangang gawing madalian o mabilisan na kailangan ng maraming plano sa maigsing panahon. Heto ang ilang Tips kung paano planuhin ang kasalan. Simple Wedding Tips Simulan nang maghanap ng wedding dress. Maghanap online, sa Divisoria, o paboritong boutique. Kung nais magkaroon ng madaliang pagpapakasal, wala nang oras dahil gahol ka na sa panahon. Kung wala kang makitang wedding dress na mabibili, umarkila na lamang. Hindi kailangang mahaba ang laylayan basta maganda at putimputi ito at bagay na sa'yo. Agad magpareserba ng lokasyon para sa wedding at reception. Tawagan ang community center. Simbahan o hotel para magpareserba ng silid para sa inyong kasal at reception. Kung ikakasal kapag holiday, mahirap humanap ng bakanteng lokasyon. Kung ito ang kaso, tingnan kung ang pamilya o close friend a...