Skip to main content

Posts

Showing posts with the label pera

Tips Paano Kumita ng Pera sa Gcash in 24 Hours!

Sa loob ng 24 hours ay magkakaroon ng pera ang Gcash mo, legit! Ito ang Tips ko kung paano kumita ng pera sa Gcash. Sa blog na ito pag-uusapan natin ang legit ways kung paano mapapasukan ng pera ang Gcash mo sa pamamagitan ng Gcash Load, GSave, GInvest at Freelancing websites. Pag-uusapan din natin kung totoo bang pwede kang kumita ng Gcash sa mga game apps na mada-download sa playstore at appstore na palaging pinopromote ng mga big channels sa YouTube.  SINO ANG MGA PWEDENG KUMITA SA GCASH? Importante na malaman na hindi porket may Gcash ka ay pwede ka nang kumita sa Gcash. Kailangan na ang Gcash mo ay fully-verified. Pero wag ka mag-alala dahil napakadali na sa ngayon ang mag-fully verified ng Gcash account. Kailangan mo lang ng isang valid i.d. Dapat na nasa legal age ka, at least 18 years old and above. Gawin mo ang steps na ito para ma-fully verified ang Gcash mo? Step 1: Log in sa Gcash gamit ang iyong Biometrics o ang iyong MPIN Step 2: Click mo ang My Profile Step 3: Ihanda...

Business Tips: Negosyong Uso P500 to P3k Capital

Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k ? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon. Paggawa ng pabango at cologne . Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento. Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.  Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento. Paggawa ng Puto . Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.  Paunang Capital: 500 pe...

Tips Para Makatipid Sa Shopping Malls

Salamat sa konsepto ng malls, sapagkat dahil sa mga ito ay mayroon ng opsyon na makapamili ng mga nais bilhin, hindi lang sa uri kundi pati na rin sa brand ng produktong nais. Ito nga ay lugar kung saan masarap ang mag-shopping pero ito rin ay maaaring maging lugar kung saan paglabas mo wala ng pera ang iyong bulsa. Kaya maging wais ka sa pagsho-shopping sa malls . Ito ang ilang tips para makatipid ka katoto. Sale Ba Ngayon? Kung iyong tipo mong bilhin ay hindi pa kayang ma-afford ng iyong pera ay huwag nang ipilit pa. Huwag kang mag-alala kasi magse-sale din yang gusto mong item. Hindi mo alam, na ang mga boutique sa mall ay updated sa kung ano ang uso kaya kapag hindi na uso ang ibinebenta ay agad nilang binabagsak ang presyo ng mga ito para mabilis ng mabili. Para maging maagap  kung kailan ang sale sa mall ay magtingin-tingin ka sa diyaryo ng kanilang mga anunsyo. Pwedeng Mag-online Shopping Mas mababa ang presyo ng mga item na mabibili online. Pwede kang ma...

Problema Mo Ba Ang Malaking Hospital Bills?

Marami sa mga ospital ang nag-pe-presyo ng mahal na bayarin sa kanilang mga pasyente. Kaya’t ang mga ito ay nahaharap sa malaking hospital bills na nakaka-stress at tipong hindi na nila alam kung paano ito babayaran. Maraming mga over charge na katangap-tangap naman ngunit mayroon ding hindi. Para sa mga pasyente, mahirap maintindihan ang bayarin sa ospital, kaya’t ang ilan sa mga ito ay maglalagay ng mga codes at medical terminology na lalong magpapahirap sa mga pasyente na maintindihan ang bayarin. Kaya sa huli, malaking hospital bills ang kahaharapin ng kawawang pasyente. Ito ang ilang tips para hindi mangyari sa iyo ito: Kung hindi naman isang emergency ang iyong pagkaka-ospital ay tignan mo ang policy ng iyong insurance para malaman mo kung ano ang covered sa hindi at kung ano ang mga dapat mo talagang bayaran. Maging maingat sa pagre-review ng mga sakop at hindi sakop ng iyong insurance. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung ano ang hindi nito covered. Tawagan m...

BUDGET PLAN TIPS Na Dapat Alam Mo

Palagi ka na lang bang nauubusan ng budget bago pa man matapos ang buwan? Ilang beses ba itong mangyayari sa iyo? Ilang beses na ba itong nangyari sa mga nakalipas na buwan? Mas makakatipid ka kung mayroon kang monthly budget plan kaysa gumastos sa mga bagay na hindi planado. Ito ang ilang tips para matipid mo ang iyong pera at mai-budget ito ng tama. Maging regular na habit mo na dapat ang paglalaan ng pera sa mga bagay na mahalaga lamang. Unahin ang mga dapat na gastusin sa buwan na ito kaysa sa iyong mga luho. I-kategorya mo ang iyong mga gastusin. Pwede itong mahati sa tatlong kategorya. Ang fixed na gastusin tulad ng pag-go-grocery,bayaran sa ilaw at tubig. Ang recurring o mga kasalukuyang gastusin tulad ng pag bi-birthday ng anak, fiesta at iba pang miscellaneous heads. At gastusin kung may emergency na hindi mo inaasahan. Sa tuwing ikaw ay mamimili laging isipin na bibilhin mo iyon dahil doon ka makatitipid. Magkaroon ka ng limit sa paggastos ngunit magkar...

Tulong Ng Pagkakaroon ng Savings Account

Marami sa atin ang minsan ng nalubog sa utang isang beses sa ating buhay. Ang iba’y umahon na ngunit may iilan pa ring lubog sa utang sa pagbabayad ng kanilang credit card, mortgage, home equity line,student loan atbp. Ito ang ilang paraan para masolusyunan mo ang mga ganitong pagkakataon. Habang ikaw ay abala sa pagbabayad ng iyong utang ay mahalaga rin na magkaroon ka ng savings account. Sa pagkakataon na ito, alamin mo kung bakit ka nalubog sa utang. Maaaring ang dahilan ay ang mga bayarin na hindi mo inaasahan at hindi ka handa para roon. Kaya’t malaking tulong ang pagkakaroon ng savings account para ma-isalba ka nito sa mga ganoong sitwasyon. Gawin mong automatic ang iyong savings account para matulungan ka nitong makaahon sa iyong pampinansyal na problema ng hindi mo namamalayan. I-link mo ang iyong checking account sa iyong savings account at gawing atomatiko ang pagde-deduct nito kada buwan. Magkaroon ka ng debt repayment plan. Makatutulong ang pagko-conso...

Free Android Apps- Tulong Sa Iyong Negosyo

Sa bilis ng pagbabago sa mundo ng pagnenegosyo ay kinakailangang makasabay ka sa takbo nito kundi ay mapag-iwanan ka ng iyong mga ka-kompetensya. Isa na rito ang pagsunod sa mga bagong teknolohiya at pag-aaply nito sa iyong negosyo tulad na lamang ng mga android app. Alam ninyo bang may mga android app na may hatid na tulong sa iyong negosyo. Heto ang ilan na pwede mong subukan ng libre. FREE Android Apps for Your Business Kingsoft Office – sa tulong nito ay pwede mo nang makita at i-edit ang iyong mga office files kahit nasaan ka pa basta’t dala mo ang iyong android capable gadget tulad ng iyong cellphone o tablet. Evernote – pwede kang magsulat ng note at mag-record ng voice reminder. Malaking tulong ito para maging organize ka sa iyong negosyo at maging lalong produktibo. CamScanner- gamit ang camera ng iyong cellphone, sa pamamagitan ng app na ito ay pwedeng magsilbing fax machine at scanner ang iyong cellphone. Maihahatid mo na sa iyong mga kliyente ang iyo...

Tips Sa Pagsisimula Ng Silog At Sisig Food Cart

Isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy ang silog at sisig . Kaya’t bakit hindi mo simulan ang magtayo ng isang food cart na negosyo na ang pangunahing produkto ay silog at sisig recipe. Hindi mo naman kailangan na magfranchise ng mamahaling food cart para magsimula. Bakit hindi mo simulan sa maliit. Kahit hindi masyadong kamahalan ang paggawa sa food cart mo, kung masarap naman ang iyong sisig at silog ay kaya nitong makipag-kompetensya sa mga naglalakihang food cart sa mall. Para magsimula ng silog at sisig food cart , ang kailangan mo lang ay ang kalidad ng iyong food cart na mayroong kumpletong kagamitan ( iyung may warranty) at syempre produkto. Huwag mo ring kalimutan na i-rehistro ang iyong negosyo para sa legalidad nito. Pwede mo ng simulan ang iyong negosyo makalipas lamang ang dalawang linggo pagkaraan mong kumuha ng kaukulang permit. Bukod sa sisg at silog, ikaw ang bahala kung nais mo pang magdagdag ng iba pang lutong pagkain o produkto, walang restriksyon. ...

Tips Sa Pagsisimula Ng Basahan Business

Ikaw ba isang nanay na naghahanap ng iba pang pagkakakitaan para makatulong sa iyong asawa? Kung hilig mo ang pananahi at mayroon ka namang sewing machine sa bahay- magandang business ang paggawa ng basahan. Magiging madali ito para sa iyo’t lalo pa’t ikaw ay mayroon ng kakayahan sa pananahi. Humigit kumulang: 8,605.00 pesos ang kakailanganin para makabili ng mga materyales upang masimulan ang iyong basahan business: 100 kg ng mga retaso na binubuo ng mga sumusunod: 50 kg ng mumog o palaman – 7 pesos kada kg =350.00 pesos 25 kg ng tatayin – 14 pesos kada kg = 350.00 pesos 25 kg ng panapal – 25 pesos kada kg = 625.00 pesos Kabuuang gastos = 1,325.00 pesos Estimang puhunan sa sinulid = 280 pesos At para sa mga wala pang sewing machine, ito ay nagkakahalaga ng humigit kumulang 7,000 piso Sa 100 kg ng retaso ikaw ay makagagawa na ng limang libong basahan! At madali lamang itong gawin sa loob ng dalawang linggo. 100 kg = 5,000 piraso ng basahan Esti...

Milk Tea Business – Swak Sa Panlasa Ng Pinoy

Ang milk tea ay nagmula sa Hongkong at may impluwensiya din ng mga Briton na matagal ding namalagi sa bansang iyon. Ang masarap na inumin na ito na swak sa panlasa ng pinoy ay binubuo ng black tea na may halong condensed milk o evaporada. Hindi tulad ng mga tsaa galing tsina na plain lamang ang lasa, ito ay mas malinamnam dahil sa hinalong matamis na gatas. Ang milk tea ay isang uri ng bubble tea na kilala rin sa tawag na pearl tea o boba tea na nagmula sa bansang Taiwan. Kaya’t kung mahilig ka sa tsaa. Isang kumikitang kabuhayan ang negosyong pagbebenta ng milk tea para sa iyo. Ito naman ang ilang tips para magsimula Pumili ng isang milk tea recipe na angkop sa lugar na iyong pagbebentahan. Maiging alamin mo kung ano bang milk tea recipe ang swak sa panlasa ng mga customer mo, iyung tiyak na babalik balikan ka.Pag-aralan ito sapagkat bawat tao ayon sa kanilang edad ay may kanya-kanyang panlasa. Ngunit huwag mo ring kalimutan na mag-offer pa ng iba’t ibang klase ng milk te...

Swak Na Negosyo Sa Kabataan (Business Ideas)

Ikaw ba ay isang kabataan na nais ng makatulong sa iyong pamilya ngunit mailap sa iyo ang trabaho? Hindi ka nag-iisa katoto, sapagkat marami sa mga kabataan ngayon na tulad mo ang bakante. Sa kabila kasi ng maraming trabaho sa Pilipinas ay hindi naman ganun kalaki ang bilang ng mga kabataan na naka-graduate o undergrad ang may akmang kakayahan para tugunan ang pangangailangan ng mga kompanyang naghahanap ng empleyado. Halimbawa na lamang ay ang mga call center company, aminin na natin, bagamat tayo ay pinalaki sa ingles ay hindi naman ganoon karami ang mga kabataan na fluent sa pagsasalita nito. Magkagayon man, huwag kang mag-alala sapagkat pwede mo namang subukan ang pagnenegosyo. Dito unlimited pa ang income mo at hawak mo pa ang sarili mong oras. Kumbaga ikaw ang boss. Ngunit anong negosyo ang iyong sisimulan? Wala ka bang ideya? Heto ang ilan sa mga business idea para sa kabataang Pinoy na nais maging Entrepreneur. Pagbebenta ng Jewelry at Bead Accessories. Ikaw b...

Tips Sa Pagsisimula Ng Negosyong Burger Stand

Usong-uso sa Maynila ang negosyong Buy One Take One Burger . Patok na patok ito sa mga estudyanteng nagmemerienda pagkatapos ng klase, mga nag-oopisinang nais mag-uwi ng pasalubong, pati na rin iyong mga naghahanap ng trabaho pantawid sa gutom sa maghapong paghahanap ng trabaho. Kaya naman kung nais mong magsimula ng negosyong Burger Stand at wala kang malaking puhunan para makapag-franchise ng isang kilalang burger stand- ito ang mga importanteng detalye sa pagsisimula ng negosyong burger stand. Lokasyon Kung walang sapat na puhunan para umupa ng puwesto ay pwedeng-pwede mo naman itong simulan sa bahay. Tanging baranggay permit ang iyong kailangan para makapagsimula. Kung may sapat na puhunan ay umupa sa puwestong matao gaya ng tabi ng paaralan, simbahan o terminal. Mas mabenta naman ito sa oras ng meryenda hanggang sa mag-umaga na. Ang iba kasi sa atin ay naghahanap ng pang-midnight snack na hindi masyadong mabigat sa tiyan. Ang food cart na may sukat na ...

Tips Sa Paggawa Ng Bamboo Lamp

Isang magandang dekorasyon sa kwarto at nagbibigay ng mumunting liwanag ang isang bamboo lamp . Hindi lang ito nagdaragdag ng ganda sa iyong tahanan dahil puwede mo rin itong pagkakitaan. Ang pagbebenta ng bamboo lamp ay isang magandang negosyo lalo pa’t dito sa Pilipinas ay sagana tayo sa kawayan. Gamit ang iyong crafting skill at pagkamalikhain ay tiyak na magiging patok sa mamimili ang iyong homemade bamboo lamp. Anu-ano ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng bamboo lamp? Isang piraso ng 1 pulgadang plywood Isang piraso ng kawayan Isang lagari Isang gamit sa pang-ilaw Copper weather- stripping na pako Martilyo at swag Paano ito gagawin? Magsimula sa piraso ng 1 pulgadang plywood. Gumamit ng tape measure para gumuhit ng 2 4x4 na parisukat sa dalawang parisukat, gumuhit ng isa pang parisukat sa loob ng orihinal na guhit. Gamitin ang isa sa mga parisukat, gupitin sa linya gamit ang lagari Magbarena ng maliliit na butas sa loob ng pangalawang par...

Tips Sa Paggawa Ng Business Card

Huwag mong maliitin ang bisa ng 2.5 x 3.5 piraso ng card na bitbit mo sa iyong wallet. Ang sinasabi ko ay iyong business card na madalas na ipagsawalang bahala sapagkat isa pa rin ito sa mabisang marketing tool para sa mga entrepreneur na gaya mo. Iyong mga maliliit na impormasyon o detalye na nilalaman ng iyong business card ay malaking bagay para sa iyong target na kliyente o mga potensyal mong customer-  sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng ideya kung ano ang ino-offer ng iyong kompanya. Mas madali kang matatandaan ng mga prospect mo dahil sa malikhaing ideya na naka-detalye sa iyong business card. Naka-depende rin sa kung paano mo dinesenyo kung ito ay itatago o itatapon lang ng iyong pagbibigyan. Ang business card ay hindi lang isang calling card, na madalas ganito ang tawag ng ilan dito. Ito ay card kung san nagbibigay ito ng detalye tungkol sa iyong negosyo.Ito ay maituturing na mini-corporate brochure o mini-product brochure na puwede mong ilagay sa i...

Tips at Kaalaman Tungkol Sa Outsourcing

Kung akala mo’y malalaking kompanya lang ang pwedeng makinabang sa outsourcing business processes ay nagkakamali ka. Dahil kahit sa anupamang aspeto ng pagnenegosyo, confidential man tulad ng finance o human resource data ay puwedeng i-outsource- Raymond Lacdao , executive director ng industry affairs of the Business Processing Association of the Philippines (BPAP) Ayon pa kay Lacdao, sa pamamagitan ng outsourcing- mula sa simpleng pagpoproseso ng invoices, hanggang sa koleksyon, mula sa sales at marketing, payroll, at timekeeping hanggang sa mga komplikadong trabaho gaya ng credit risk at portfolio analyses – ang isang negosyo ay nakakapagpokus sa kanilang core competencies pati sa pagtutuon ng pansin sa kalamangan nila sa kanilang mga ka-kompetensya. Sa pamamagitan ng outsourcing, ang mga nagsisimula lamang magtayo ng maliit na kumpanya ay makakatipid sa labor cost. Tulad ng halimbawa na imbes na mag-hire o magtrain ng sarili mong empleyado at gumastos sa pagpapatayo...

Paano Magsimula ng Negosyong Nail Salon

Mahilig ang mga babaeng magpa-manicure at pedicure kada dalawang linggo, ang iba nga’y mas madalas pa rito. Kaya naman isang patok na negosyo rin ngayon ang nail salon dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay lisensyadong nail tech o isang entrepreneur na naghahanap ng isang negosyong patok, maaaring ang pagpapatayo ng isang nail salon ang iyong pinakahihintay. Ang pagkakaroon ng magagandang kuko ay tiyak na nasa listahan na ng mga kababaihan tulad sa pagbisita nila sa isang nail salon. Makikita mong ang mga babae ay nagkakandarapa na makita ang kanilang manikurista.. Ito ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa pagsisimula ng nail salon: LEGAL Upang maging legal ang iyong negosyo ay nararapat lamang na isang lisensyadong nail tech o certified ka sa pagsasagawa ng manicure at pedicure o iba pang pag-aalaga sa kuko. Hindi pinahihintulutan ng board of health ang mga hindi lisensyadong nail tech na mag-operate ng nail salon. Sa kabilang banda, kung hindi ka man certified nail tech a...

Tips sa Pagsisimula ng Negosyong Beauty Supply

Sa panahon ngayon, lalake man o babaeng Pinoy ay pareho nang beauty conscious at vain. Kaya naman kung hanap mo ay negosyong patok dito sa Pilipinas ay puwede mong subukan ang pagpapatayo ng beauty supply store. Napakaraming produkto ang pwede mong ibenta. Pwede kang magsimula sa isang klase ng produkto at kapag kumita na ay pwede mo nang palawakin pa ito sa pagdaragdag ng iba pang beauty product. Puwede kang magsimula ng sarili mong beauty supply store. Ang mga produktong pwede mong ihanda ay make-up, facial cream, anti-aging products, lotions at pabango. Basta’t may kinalaman sa pagpapaganda ay pwede mo itong idagdag sa iyong supply. Sa pagsisimula pwede kang makipag-tie up sa mga beauty manufacturers. Ang mga ito ay nagsusupply ng maramihan o dami ng supply ayon sa inyong napagkasunduan. Dapat ay catchy din ang pangalan ng iyong negosyo para ay brand recall sa tao pagkatapos ay pwede ka ng magbuo ng sarili mong label para sa mga beauty supply na iyong ibebenta. Kad...

Paano Mo Mapapabili Ang Customer?

Bilang isang marketer na nagpapakilala ng bagong produkto sa merkado ay malaking hamon kung paano mo makukumbinse ang isang potensyal na customer na tangkilikin ang iyong produkto o serbisyo. Bilang isang customer naman ang kanyang nasa isip ay kung paano siya makakakuha ng mga benepisyo sa kanyang bibilhin. Kaya naman sa pagma-market ng iyong produkto ay dapat mong maging unang prioridad ay kung paano mo mapapa-satisfy ang iyong customer sa iyong produkto. Dapat kang magfocus sa iyong customer, gawin silang bida higit sa iyong produktong binebenta. Sa ngayon para maisagawa ang ganitong konsepto, karaniwan sa mga marketers ay gumagamit na ng digital marketing tools para ibida ang kanilang customer hindi ang kanilang produkto. Ito ang paraan para mapabili mo ang customer gamit ang konseptong “Gawing Bida si Customer”: Sa ngayon, pangalawa ang youtube sa pinaka-popular na search engine maliban sa Google. Kung hindi ka gagawa ng mga maiikli ngunit interesanteng video testi...