Skip to main content

Posts

Showing posts with the label buko pie

Tips Sa Paggawa Ng Buko Pie

Isa sa paboritong pasalubong lalo na’t kapag galing ka ng Laguna ay ang Buko Pie. Kaya’t kung nais mong magsimula ng buko pie business-ito ang tips namin para sa’yo-ang paraan sa paggawa ng buko pie. Sa Paggawa  ng Crust, ito ang mga kailangan: 2 tasa ng all purpose flour 1 tsp ng asin 2/3 tasa ng mantikilya 1 piraso ng pula ng itlog 1 tsp ng suka ¼ tasa ng tubig Ito naman ang mga dapat ihanda sa paggawa ng Filling: 4 tasa ng laman ng Buko 1 tasa ng sabaw ng buko 1 300 ml lata ng kondensada 2/3 tasa ng corn starch Ngayong alam mo na ang mga kakailanganin sa paggawa ng masarap na Buko Pie.  Heto na’t lutuin na natin ‘yan- Ganito ang gawin mo katoto: Paghaluin ang harina at asin sa isang mangkok. Hiwain ang mantikilya gamit ang pastry cutter o kahit ng dalawang kutsilyo. Ipagsama ang pula ng itlog, suka at tubig, dahan-dahang idagdag ang tubig sa harina hanggang sa puwede mo ng hawakan ang dough o masa. Hatiin ang dough sa dala...