Skip to main content

Posts

Showing posts with the label business tips

Tips Sa Paggawa Ng Herbal Cough Candy

Mula sa mga pinaghalong sangkap ng langis mula sa luya ( Zinigiber Officinale Rosc), kalamansi ( Citrus Microcarpa Bunge) at tamarind extracts ( Tamarindus indica Linn) ay makakagawa ng isang candy na formulated para maging mabisang preventive measure sa ubo. Ito ang ilang sangkap ng cough candy yari sa mga herbal extracts na ito,  na pinag-aralang gawin ng mga tagapagsaliksik ng ITDI. 8 g ng asukal 90 g ng glucose 1 g NH4Cl 0.05 g color 0.10 g menthol 2.5 grams powdered sugar 25 ml sugar 10 ml kalamansi juice 10 ml tamarind nectar 0.15 ml ginger oil 0.15 ml Ginger Oil 0.15 ml kalamansi oil 2.5 g magnesia powder Ito naman ang paraan kung paano ang paggawa ng cough candy mula sa mga sangkap na herbal extracts: Haluin ang mga sangkap sa isang kawaling nakasalang sa apoy hanggang sa ma-dissolved; asukal, glucose, tubig, kalamansi juice, tamarind nectar, at food color. Hayaang kumulo at takpang maigi. Pakuluan hanggang 140C. Pagkatapos ay idagdag na ang NH4...

Tips Sa Pagsisimula Ng ELECTRONICS REPAIR SHOP

Ikaw ba ay nagbabalak na magtayo ng isang Electronic Repair Shop? Sa dami ng mga naglalabasang electronic products ngayon sa merkado, tila hindi na dapat pagdudahan pa na isa sa in-demand ngayon na negosyo o trabaho ang pagiging electronic repair technician. Dahil dito, masasabing isa sa patok na negosyo ngayon ang Electronics Repair Shop. Magkagayunman, hindi isang madaling trabaho ang electronic repair. Hindi naman kasi ito basta may puhunan ka lang ay pwede na. Sapagkat nangangailangan din ito ng kaukulang training para makapagsimula. Kung sapat na ang iyong kaalam o kung ikaw ay mayroon ng sertipiko sa bokasyon na may kinalaman sa electronic repair ay ito ang ilan sa mga tips para makapagsimula ng negosyong ito: Una sa lahat, mahalaga ang pagkakaroon ng isang pwesto kung saan ay magiging komportable ka sa pag-rerepair mo. Dapat ay may sapat na liwanag at well-ventillated ang lugar. Pati na dapat ay gumaganang maigi lahat ng electrical outlet.  Pangalawa, kumuh...

Tips Sa Paggawa Ng Aroma Candle

Ang aroma candle ay mayroong dulot na magandang benepisyo sa iyong katawan kapag naamoy mo ang halimuyak nito. Dulot nito ay positive aura at good mood sa isang taong maka-aamoy ng bango ng aroma nito . Isa sa mga sikat na herbal aroma ay ang lavender.  Ngayon ay tuturuan naming kayo katoto na gumawa ng therapeutic aroman candle para naman magkaroon kayo ng sideline. Opo, ang paggawa nito ay makapagbibigay sa iyo ng extrang kita. Para ito sa mga nanay at estudyante na nais magkaroon ng part time na pagkakakitaan. Heto ang tips sa paggawa ng Aroma Candle . Sa mga materyales ay kinakailangan natin ng mga sumusunod: 500 g paraffin wax sa pellets 600 g ng gel wax 10 g wax dye 5 pulgada ng nylon wick Lavender essential oil ang gagamitin natin para sa aroma Sa mga kagamitan , ito naman ang ating mga kakailanganin: Timbangan Takure Kalan Wooden stick tulad ng chop stick Wick sustainer Maliit na palangana Anim na plastic cup Gunting 4 na p...

Mga Patok Na Negosyo Ngayong Tag-ulan

Maulan na naman sa Pilipinas. Sumapit na kasi ang June at asahan pang hangang November ay makakaranas tayo ng mga pag-ulan. Kaya naman ang mga katoto natin ay umiisip na ng mga paraan para pagkakitaan ang rainy season.  Ano-anu nga ba ang mga patok na negosyo ngayong tag-ulan na sa Pilipinas: business tips on rainy season Magiging madalas ang suspensyon ng mga klase tuwing tag-ulan, marami rin sa mga nag-oopisina ang mas pipiliing mag-file ng kanilang leave at magpahinga muna sa kanilang bahay. Magiging madalang rin ang pagtungo ng mga katoto natin sa Malls,Parks,Bars at iba pang pwedeng mapaglibangan sa labas ng bahay. Ito ang ilan sa mga libangan ng Pinoy na pwede mong maging patok na negosyo: DVD Rentals. Maaari kang magpa-renta ng original DVDs mo sa iyong mga kapitbahay. Mas magiging madalas kasi ang pagmo-movie marathon ng pamilya sa panahon ng tag-ulan. Board Games Rentals. Maaari mo ring ipa-renta ang iyong board games sa bahay. Uso pa rin ang mga ito kahi...