Bawat bata ay ninanais na magkaroon ng isang happy family. May mommy na nag-aaruga at may daddy na gumagabay sa kanya. Pangarap ng bawat bata na makadama sila ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. At alam ninyo bang ang batang lumaki na mayroong masayang pamilya ay mas matatalino kaysa sa mga batang walang pag-aaruga ng magulang o mga batang lumaki sa bahay ampunan. Base sa pag-aaral ng mga eksperto sa child psychology ay malaking tulong para mapabilis ang mental development at lumaking matalino ang mga bata sa tulong ng pagkakaroon nila ng loving parents. Nagkakaroon ng mabilis at pag-boost sa healthy at tamang brain growth lalo na at puno ng pagmamahalan, kasiyahan at mabubuting bagay sa loob ng kanilang tahanan. Kaya ang mga bata na lumaki o nalipat ang pangangalaga sa ibang tao tulad ng mga bata sa lansangan o ampunan ay may lower level ng gray at white matter sa utak o itinuturing na 2 importanteng component ng central nervous system. Kumpara sa mga ...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc