Sa mundo ng medisina ang sakit ng ulo o headache ay kilala sa tawag na Cephalalgia. Ito ay kondisyon ng sakit ng ulo sa parteng batok o itaas na bahagi sa likod ng ulo. Kapag may sakit ng ulo, madalas iniinuman kaagad natin ito ng gamot at matutulog. Pero alam ninyo bang may mga pagkain na pwedeng lunas sa sakit ng ulo: Kumain ng mga pagkain na maraming tubig at mineral gaya ng pakwan. Ang mga pagkaing gaya nito na mayaman sa nutrisyon at liquid ay makatutulong sa pagpapahupa ng sakit ng ulo. Kung ikaw ay nasa low-carb diet, mag-ingat din sapagkat ang kaunting dami ng carbohydrate na iyong kinokonsumo ay pwedeng maging dahilan ng headache. Kapag nasa ganitong dyeta kasi ay nababawasan ang glycogen na siyang energy source ng ating utak. Kung bababa ito ay magdudulot ito ng sakit sa ating ulo. Kaya’t kailangan mo rin ng carbohydrate, pwede mo itong makuha sa whole wheat bread o brown rice na mayaman din sa fiber. Lunas din sa sakit ng ulo ang pagkain ng almond s...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc