Mahalaga ang pagkain para sa ating kalusugan. Kaya’t importante rin na malaman kung ang mga kinakain natin ay may tulong sa ating kalusugan o may dulot na negatibong epekto sa katawan natin. Ang pagkain na may sapat na nutrisyon ay nakatutulong din para gumanda at sumigla ang an gating kutis. Bukod rito, ang sapat na nutrisyon na nagmumula sa ating mga kinakain na masustansya ay nagpapatibay at nagpapalakas rin sa ating immune system. Alam na natin na ang pagkain ng papaya ay maganda sa balat, pero heto pa ang ilan sa mga pagkain na nakatutulong para sa pagpapaganda ng ating kutis at ito ay maituturing na skin care tips para sa lahat: Ang pagkain ng low fat yogurt na mayaman sa Vitamin A ay mahusay sa pagpapasigla ng kalusugan n gating balat. Higit pa riyan, kung may thyroid problem ka o diabetes, maigi ang pagkonsumo ng yogurt. Mataas naman sa anti-oxidant ang Berries. Ang regular na pagkonsumo ng berries ay nakapagpapabawas ng pagdami ng wrinkles. Bukod pa riyan, it...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc