Magandang balita ito para sa mag-asawa. Bukod sa benipisyong hatid sa ating emosyon ng pakikipagtalik, alam ninyo bang ito rin ay may dalang health benefits sa atin. Ito ang ilan sa mabuting dulot ng pakikipagtalik . Sex is Good For The Health Mabuti sa puso. Hindi lang upang iparamdam sa tao ang iyong pagmamahal, ang pakikipagtalik din ay maigi para sa kalusugan ng ating puso. Pinapataas nito ang ating heart rate at pinapalusog ang ating pangangatawan. Ang mga lalaki na nakikipagtalik dalawang beses sa isang linggo o higit pa ay may mababang panganib na sila ay magkaroon ng sakit sa puso. Nakakapagpababa ng timbang. Isang physical activity ang sex at mas masarap gawin kaysa sa ibang ehersisyo. At bukod pa riyan, ito rin ay may buting hatid sa mga gustong magpapayat. Hindi man ganoon ka-epektibo tulad ng sa treadmill ( na kayang makasunog ng 400 calories sa loob ng 30 minutos, sa pakikipagtalik ikaw ay pwedeng magsunog ng 85 calories). Pwede mo itong gawing parte sa iyo...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc