Skip to main content

Posts

Showing posts with the label safe ba ang herbal

Safe Ba? Herbal Supplements Para Sa STRESS

Ang mga halamang gamot ay tanggap ng nakakarami bilang alternatibong solusyon sa iba’t ibang uri ng karamdaman. Ang ilan,mas pinipili ang pagkonsumo ng mga herbal supplement kaysa uminom ng mga gamot na gawa ng mga pharmaceutical company dahil na rin sa ideyang baka may side effects ang mga gamot na ito. Samantala, sinasabing wala namang bisa ang herbal para gamutin ang stress at ayon sa kay Thomas Lenz, isang pharmacy professor sa Creighton University of Nebraska na kung isasabay mo ang mga herbal supplement na ito sa pag-inom ng mga gamot, ito ay mapanganib. Sapagkat hindi porke’t may herbal na tatak ito ay sigurado ka ng ito ay mabisa at safe. May dulot namang panandaliang lunas ang halamang gamot na lemon balm para hindi ka makaranas ng labis na stress. Ito ay itinuturing na mabisang pampakalma at pampaganda ng mood. Tulad din ng lemon balm, mainam naman sa sleep disorder at pagkabalisa ang herbal supplement na ugat ng valerian. Mas epektibo ito kumpara sa mga chemical...