Skip to main content

Posts

Showing posts with the label labi

Smile- Para Malaman Ang Health Condition

Alam ninyo bang sa pamamagitan lamang ng iyong smile o pagngiti ay maaari mong malaman ang kondisyon ng iyong kalusugan? Bakit hindi mo subukang humarap ngayon sa salamin at lakihan ang iyong pag-ngiti para malaman mo? Sa pagbuka ng iyong bibig ay tignan mo maigi ang mga detalye na makikita sa iyong dila, ngipin hanggang sa iyong mga labi. Ayon sa realage, sa kondisyon ng mga ito ay maaaring indikasyon na ikaw ay dumaranas ng problema sa iyong kalusugan. Para malaman mo  gawin ang apat na bagay na ito: Iusli ang iyong dila. Makikita sa iyong dila kung ikaw ay kulang sa iron, mahina ang iyong thyroid, o kung ikaw ay may fungal infection. Kung ikaw ay kulang sa thyroid, ang iyong dila ay bahagyang may pamamaga.  May pangangapal naman sa iyong dila kung nanghihina ang iyong thyroid. Kung may injuries na man na gaya ng thrush na pabalik-balik sa 10 araw, ito ay indikasyon na may kakulangan ka sa bitamina, may bacterial infection o di kaya nama’y mayroon kang infl...