Skip to main content

Posts

Showing posts with the label dahilan ng tooth decay

Energy Drink – Panganib Sa Dental Health

Naging opsyon na para sa ilan ang pag-inom ng energy drink matapos nilang mag-ehersisyo. Maigi kasi itong inumin kaysa sa softdrinks. Pero alam ninyo bang may panganib ding dulot ito sa ating dental health? Pwede itong magdulot ng kung tawagin ay dental erosion. Isang bagong ulat ang inilathala ng General Dentistry na nagsasabing ang energy drink ay naglalaman ng acid na pwedeng maging sanhi ng pagkakaroon ng tooth decay. Marami sa mga pasyente ang nakaranas ng pagiging acidic ng kanilang bibig matapos silang ma-enganyo sa pag-inom ng energy drink. Matapos ang limang araw na pag-inom ng energy drink at ma-expose sa acidic content nito, ang tooth enamel ay unti-unting mababakbak at magiging sanhi ng mga pagkasirang hindi madaling ma-remedyuhan. Kapag walang proteksyon sa enamel, nagiging sensitibo ang ating ngipin, dahil riyan mas maraming tsansa na magkaroon ng cavities at maging sanhi pa ng iba pang pagkasira sa ngipin. Bukod sa panganib na dulot ng energy drink...