Skip to main content

Posts

Showing posts with the label antibiotic

5 Natural Antibiotic Laban Sa Bad Bacteria

Kung hindi madalas ang pag-reseta ng antibiotic sa iyo ng doktor ay hindi naman nangangahulugang gusto ka niyang magdusa ng matagal sa iyong sakit. Nagiging maingat lamang sila sa pagbibigay ng antibiotic para sa kanilang pasyente. Sapagkat ang modernong medisina at labis na gamutan sa nakalipas na mga dekada ay naging dahilan na rin upang ang bacteria ay makalaban sa bisa ng antibiotic . Kung binigyan ka ng antibiotic, ibig sabihin lamang ay kailangan mong labanan ang impeksyon. Sa kabilang banda, kung di naman malala ang iyong sakit tulad ng pagkakaroon lamang ng ubo at sipon, may malaking benepisyong hatid ang iba’t ibang halamang gamot pati na rin mga masusustansyang pagkain upang palakasin ang immune system. Heto ang lima sa mga natural na antibiotic para labanan ang bad bacteria : Pulang sibuyas. Ang sulfur content mula sa sibuyas ay naglalaman ng diuretic at antibacterial substances. Isang mabisang expectorant para sa ubo ang syrup mula sa pulang sibuyas. Makatut...

Nakagagaling Ba Ang Antibiotic Sa Sipon? (Common Colds)

Dala ng pabago-bagong panahon ay maaari tayong makaranas ng sipon o common colds. Ang hirap nito lalo na’t kapag barado ang iyong ilong, napakahirap makatulog sa gabi. Ang ilan sa atin para mawala ang sipon ay iniinuman ng antibiotic tulad ng ampicillin? Pero mayroon nga bang epektibong antibiotic para sa sipon? Ayon kay Doc Shane M. Ludovice, sadyang napakahirap magkasakit lalo na at paiba-iba ang panahon sa ngayon, uulan at pagkatapos ay aaraw, kaya hindi maiwasan magkasipon (common colds) lalo na kung tayo ay nasa labas at crowded ang ating kapaligiran. Mas nakakakuha tayo ng sakit kapag tayo ay nasa mataong lugar. Ilan sa sintomas ng common cold ay ang runny nose o tumutulo ang sipon, baradong ilong, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, minsan ay may kasamang lagnat at pag-ubo. Ang ginagawa mo o ng iba pa sa atin na kapag may sipon ay umiinom agad ng antibiotic ay mali. Bakit? Kasi ang sanhi ng sipon ay virus at walang epektibong gamot laban sa virus tulad din ng sa ...

Mga Kaalaman Tungkol Sa Chlamydia

All the infections that you can get from having sexual intercourse is called STD or Sexual Transmitted Disease. Bagamat, may mga STD na madaling gamutin, may mga sakit din na delikado at posibleng mauwi sa grabeng impeksyon, pagkabaog at minsan ay kamatayan lalo na kung may AIDS na. Facts About Chlamydia Ang Chlamydia ay isa sa maituturing na karaniwang STD at ito ay tinatawag na “silent STD” dahil mild lamang ang sintomas nito sa mga lalaki at halos walang sintomas sa mga babae. This is cause by the organism called Chlamydia trachomatis na puwedeng magdulot ng impeksyon sa cervix, anus, daluyan ng ihi, lalamunan at mata. Tulad ng STD na gonorrhea o tulo , puwede rin itong umakyat mula sa puwerta at cervix papunta sa matris at fallopian tubes at magdulot ng delikadong PID (Pelvic Inflammatory Disease). Kung ito ay magdudulot ng pagbabara ng fallopian tube, maaaring magdulot ng pagkabaog ng isang babae at kung nabarahan man ang tubo ngunit partial lamang, puwede itong ma...