Alam mo bang ang matagal na panonood ng TV ay nakatataba para sa mga bata? Ang bad TV habits ay sanhi nga ng Obesity. Basahin. Bad Tv Habits-Cause of Obesity for Kids Maraming magagandang palabas sa TV kaya kung nasa bahay lang tayo, parang ibig nating umupo sa harap ng telebisyon at manood ng palabas. Kung minsan ay pinipili nating mag-rent ng DVD tapes at maghapong manood ng telebisyon. Nakalilibang ang panonood, kaya naman ang mga bata ay enjoy na enjoy sa panood ng cartoons at kung minsan ay may nakahanda pa silang VCD para nga naman pagkatapos nilang manood ng paborito nilang palabas ay agad na nilang isasalang ang kanilang VCD. Sa mata nga ng mga magulang at yaya, mabuti ng maubos ang oras ng bata sa panonood ng TV kaysa maglikot siya nang maglikot. Alam naman natin na kapag sobrang likot ng bata ay maaari siyang madisgrasya o makadisgrasya. Kaya kung minsan, mas okay na sa matatanda na makitang nakapirmi siya sa isang tabi habang nanonood ng TV. Ngunit ala...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc