Magic Beans? Nagagawang sumuko sa buhay ng ilan sa atin gawa ng sobrang hirap at negatibong pananaw na nag-iisa sila pagdating sa laban nila sa buhay. Isa sa nakawawalang pag-asa ay ang mga hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng mga pasyente ng malulubhang karamdaman. Nariyang sadyain na nilang hindi kumain o uminom ng gamot na dapat ay regular nilang iniimon dahil sa pakiramdam nilang wala naman itong epekto para maisalba o dagdagan ang kanilang buhay. Mayroon din na masyadong nakararamdam na nagiging pabigat o perhuwisyo sila sa kanilang pamilya kaya nais na nilang wakasan ang kanilang paghihirap. Dahil diyan, masasabi natin na iba-iba ang kapasidad at maging pananaw ng tao pagdating sa buhay marahil base na rin sa pananalig sa Diyos at pagpapahalaga sa buhay ng mga ito. Natural naman kasi na ang lahat ay papunta rin sa kani-kanilang katapusan na higit na mahalaga lamang ay kung paano nila nagawa o gawing makabuluhan ang biyayang ito habang tayo ay nabubuhay. P...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc