Skip to main content

Posts

Showing posts with the label yoga

5 Maling Paniniwala Tungkol Sa Yoga

Alam ng karamihan sa atin na ang yoga ay nakatutulong sa paglaban sa stress, pagod at matinding sakit ng ulo. Bukod pa riyan, may paniniwala rin na ang yoga ay nakakatulong upang maging matalino ang isang tao. Pero may ilan sa atin na hindi pa rin alam ang magandang dulot ng yoga. Ang ilan sa kanila, mali ang paniniwala tungkol rito tulad ng mga sumusunod 1. Maling paniwalaan na kailangan na sexy ka o payat ka para makapag-yoga. Pinaliwanag ni Vyda Bielkus, isang yoga instructor sa Boston's Health Yoga Life na isang alibi lang o excuse ang pagsasabing kailangan mo ngang maging ganun para makapag-yoga. Kahit pa hindi perpekto ang hubog ng iyong katawan ay matututunan mo pa rin ang mga teknik ng yoga at madali mo itong maisasagawa lalo't kung regular mo itong gagawin bilang isang mainam na ehersisyo. Sa maikling panahon, magugulat ka na lang na kaya mo na palang abutin ang iyong hinlalaki sa paa ng walang kahirap-hirap. Ang mahalaga lamang ay sumunod sa panuto ng instructo...

Meditation Maigi Panlaban Sa Kalungkutan (Social Disease)

Madalas sa mga matatanda na o iyong mga nasa retirement age na ay nakararanas na ng labis na kalungkutan (loneliness). Dumadating kasi ang panahon na sila ay naiiwan ng kanilang mga anak dahil sa mga nagsipag-asawa na ang mga ito o di kaya nama’y tumungo na ng abroad para doon ay magtrabaho. Ang ilan sa mga elderly natin ay naiiwan sa mga home for the aged para doon ay alagaan ng mga caregiver hindi ng kanilang mga sariling anak.  At alam ninyo bang iyong mga matatanda na nakararanas ng labis na kalungkutan ay silang high risk na makaranas ng malulubhang sakit tulad ng sakit sa puso, Alzheimer’s disease pati na rin premature death. Hindi rin ganun kadali ang enganyuhin silang maging aktibo sa mga social activities o makisalamuha sa komunidad dahil na sa rin sa kanilang kalagayan dulot ng katandaan. Ayon sa Daily Mail , natuklasan na ng mga syentista ang isang paraan para sa mga matatanda na labanan ang social disease tulad ng kalungkutan. Ayon sa mga tagapagsa...