Sa pagbubuntis ay kinakailangan na siguraduhin mo na may sapat na bitamin ang iyong katawan para masiguro na okay ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ang mga gulay at prutas ay mga mainam na pagkain na may sapat na sustansya para sa mga pregnant mom. At upang makasiguro na may sapat na vitamins ang iyong katawan, ito ang ilan sa mga supplement na mainam din sa pagbubuntis: 1. Nirerekomenda ang pag-take ng 400 mcg na Folic Acid araw-araw hanggang sa ika-12 weeks ng pagbubuntis. Ang nagbubuntis ay makakaiwas sa depekto sa spinal cord ng baby na napag-alaman na may kinalaman pala sa antas ng Folic Acid. 2. Nirerekomenda din ang pag-inom ng 10 mcg na Vitamin D araw-araw sa buong siyam na buwan na pagbubuntis hanggang sa pagpapasuso sa bata. Sa paraang ito ay mabibigyan ng sapat na Vitamin D ang baby, ang bitaminang nakakatulong sa paglaki ng mga buto-buto at iba pa. Ang vitamin D ay nakukuha rin sa pagpapaaraw ng balat pero kung ikaw ay taong-bahay, mainam na uminom ng supplem...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc