Isang masugid na taga subaybay ng tips ni katoto ang nagtanong kung ano ba talaga ang magandang paraan para pumayat . Ok ba ang pag-inom ng slimming pills? May epekto ba talaga ang pag-eexercise? Ano ba talaga ang mga dapat iwasan at bawasan ng mga gustong pumayat. Wala naman talagang naimbentong magandang gamot para pumayat. Marami ang binebentang gamot sa botika tulad ng Xenecal na nagbibigay lamang ng panandaliang epekto. Ngunit kapag hininto mo na ito ay babalik rin ang iyong timbang sa dati. Hindi rin maigi ang pag-inom ng mga slimming pills na ang karamihan ay may halong pampadumi o laxatives kung saan ikaw ay puwedeng magtae. At dahil dito puwede kang maubusan ng sustansya at bumagsak ang iyong potassium sa dugo. Alam ninyo bang pwede kang mamatay kung sumobra ang baba ng potassium mo sa katawan? Sobrang dami ng side effects ang pwedeng mangyari sa iyo kung magpapatuloy kang uminom ng mga slimming pills. Pwede kang atakihin ng nerbiyos o di kaya nama'y highbloo...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc