Isang masugid na taga subaybay ng tips ni katoto ang nagtanong kung ano ba talaga ang magandang paraan para pumayat. Ok ba ang pag-inom ng slimming pills? May epekto ba talaga ang pag-eexercise? Ano ba talaga ang mga dapat iwasan at bawasan ng mga gustong pumayat.
Wala naman talagang naimbentong magandang gamot para pumayat. Marami ang binebentang gamot sa botika tulad ng Xenecal na nagbibigay lamang ng panandaliang epekto. Ngunit kapag hininto mo na ito ay babalik rin ang iyong timbang sa dati. Hindi rin maigi ang pag-inom ng mga slimming pills na ang karamihan ay may halong pampadumi o laxatives kung saan ikaw ay puwedeng magtae. At dahil dito puwede kang maubusan ng sustansya at bumagsak ang iyong potassium sa dugo. Alam ninyo bang pwede kang mamatay kung sumobra ang baba ng potassium mo sa katawan?
Sobrang dami ng side effects ang pwedeng mangyari sa iyo kung magpapatuloy kang uminom ng mga slimming pills. Pwede kang atakihin ng nerbiyos o di kaya nama'y highblood.
Malaki namang tulong ang pag-eexercise ngunit mababaliwala rin ito kung susundan mo rin lang ng todong pagkain. Tunay nga namang napakahirap magpapayat pero ito ang ilan sa mga rekomendado kong gawin mo.
- Uminom ng walong basong tubig sa isang araw, huwag mo nang subukan ang uminom pa ng juices, energy drinks, iced tea at softdrinks. Nakakataba ang mga ito.
- Huwag nang kumain ng chichiria. Iwasan ang pagkain ng potato chips at tsokolate. Pwedeng kumain ng konting pop corn.
- Umiwas sa pagkain ng cakes, pastries o anumang matatamis na dessert.
- Bawasan mo ang pagkain ng prutas. Nakakataba ang pagkain ng mangga,ubas,abokado at pinya. Kung kakain ka ng prutas, isang pisngi lang ng mangga o anim na piraso lang ng ubas ay sapat na. Mansanas o peras ang maganda sa pagpapapayat.
- Maging aktibo, igalaw ang iyong katawan. Maglakad ng malayo, gumamit ng hagdan o mag-enroll sa gym.
- Huwag gutumin ang sarili, kumain ng 6 na beses sa isang araw pero pakonti-konti lang. Magbaon ng pandesal, biskwit o saging para sa meryenda o pag nagutom.
Higit sa lahat, kailangan mo ng disiplina sa iyong sarili. Kaya kung nais mong pumayat dapat mong tandaan at gawin ang mga payong ito ng buong puso at walang pagdadalawang isip. Iwasan ang dapat iwasan, bawasan ang dapat bawasan. Kaya mo yan katoto.
Maraming salamat kaibigan :)
ReplyDeleteThank you very much katoto
ReplyDeleteNag karoon pO ako ng more knowledge about sa pag papayat
THANKYOU ☺😄 Na encourage ko yung sarili ko na dapat kong gawin ang pagbabawas at pag iwas sa mga bawal. Disiplina sa sarili 😉
ReplyDeleteThank you po dahil nalaman ko na ang dapat iwasan sa pagpapayat. :)
ReplyDelete