Isang fan ng Tips ni Katoto ang sumulat sa amin tungkol sa kanyang problema sa buhok. Si Ms. Aquarius ng Bacoor Cavite ay humihingi ng payo kung paano ba niya maibabalik sa dating sigla ang kanyang buhok, patuloy kasi ang panunuyot nito at dahil roon ay dumadami ang kanyang split ends. Ano ang kanyang gagawin?
Para sa mga mayroong problemang ganito sa kanilang buhok at para sa mga taong gustong makaiwas sa panunuyot ng buhok o dry hair. Ito ang ilan sa mga maaari ninyong subukan.
Hugasan ang buhok gamit ang moisturizing shampoo at pati ng conditioner. Hanapin ang hiyang na brand para sa'yo. At kung may nakikita ng resulta ay iyun na ang palagian mong gamitin at huwag nang magpalit pa ng brand ng shampoo. Maaari ka ring magtanong sa iyong hair stylist kung anong moisturizing shampoo at conditioner ang makakabuti para sa iyo.
Iwasan mo muna rin ang pagkukulay ng iyong buhok para mabigyan mo ito ng panahon na magbalik sa dati nitong natural na kalusugan.
Iwasan mo rin ang palagian mong pag blow dry ng buhok, ang direktang init na nangagaling sa hair dryer ay nakakatuyot ng buhok.
May mga pagkakataon na hindi madaling lunasan ang pagkakaroon ng tuyot na buhok. Kahit pa sabihin nating pwede pa rin naman ang ibang hair style para sa mga may dry hair, mas maganda pa rin ang pagkakaroon ng malusog na buhok dahil nakakadagdag ito sa iyong natural na ganda. Kaya habang maaga pa ay umisip na nang paraan para maagapan ito bago pa ito lumalala. Sundin ang aming tips o di kaya nama'y kumonsulta sa inyong mga hair stylist para sa iba pang maaaring gawin.
Nagustuhan mo ba ang tips para makaiwas sa panunuyot ng buhok? I-like ang post na ito para mabasa nang iba mo pang katoto.
Comments
Post a Comment