Ang init na naman sa Pilipinas. Summer na naman kasi ngayong darating na Marso. Ang iba ay abala kung paano magkakaroon ng isang makabuluhang bakasyon. Habang ang iba naman ay busy sa pag-iisip kung anong patok na negosyo ang pwedeng pasukin ngayong buwan ng bakasyon.
Mga katoto namin, ito ang ilan sa mga pwede mong pagkakitaan ngayon Summer na sa Pilipinas:
- Photo and Video Services. Excited ang lahat magtungo sa mga beach, resort at kung saan saang bahay bakasyunan. Lahat nais magkaroon ng alaala sa kanilang summer adventures. Kaya naman malaki kumita ngayon ang mga negosyong nag-aalok ng photo and video services tulad ng camera and photography, pag-edit ng mga video coverage, editing ng mga litrato, souvenir photos atbp.
- Facial and Skin Care Services. Sunburn, bungang araw, pagka-itim at pagkasunog ng mukha, iyan marahil ang mga hindi magandang resulta ng pagbabakasyon sa mga resort. Kaya naman marami sa mga Pinoy ang nagtutungo sa mga derm clinic para maipanumbalik ang dating ganda ng balat. Malaki ang demand sa serbisyong gaya nito tuwing summer vacation.
- Food and Drinks. Mawawala ba ang mga pagkain at inuming pampapalamig sa napaka-init na klima. Walang dudang ito ang tubong lugaw na negosyo ngayong bakasyon: Halo-halo, palamig, ice cream atbp.
- Home Renovation and Construction. Tuwing tag-init, marami sa ating kababayan ang abala sa paglilinis, pagre-renovate at pagpapaganda ng kanilang tahanan upang pag-sapit ng tag-ulan ay hindi ito maging abala at makaiwas sa maraming aberyang tulad nito. Malaki kumita sa panahon ng bakasyon ang mga negosyong may kinalaman sa home renovation.
- Loading Business at Internet Services. Kung marami sa atin ang abala sa pagtutungo sa mga probinsya at bakasyunan, mahalaga sa mga pinoy ang komunikasyon. Kaya't importanteng negosyo ang e-loading at internet tuwing summer.
- Tutorial Business and Summer Workshops. Ilan sa ating mga estudyante ang tumutungo sa mga workshops para i-enhance ang kanilang talento. Kaya't kung isa kang professional writer, dancer, singer, basta't may talento ka ay pwede mong ibahagi ito sa ating mga katoto at tiyak na kikita ka pa.
Iyan ang ilan lamang sa mga patok na negosyo ngayong Summer. Kaya't kung nais mo ng extra pagkakakitaan ay subukan na ang ilan sa mga ito Katoto. Like us on FB
Basahin din: Tips Para Makaiwas Sa Sakit Tuwing Summer
Basahin din: Tips Para Makaiwas Sa Sakit Tuwing Summer
naku matagal-tagal ding di kme nkpgsummer sa pinas at balita ko nga'y sobrang init pero sa palagay ko ay wala ng tatalo pa sa init sa mid east, la lang, nashare lang po :) salamat pala sa dalaw!
ReplyDelete