Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2012

Onychomycosis- Sanhi Sintomas Lunas

Isa ka bang Diabetic at nakikita mong umiitim at unti-unting namamatay ang kuko? Masasabing may fungal infection ang mga kuko mo at kung tawagin ito ay Onychomycosis . Ang sakit na ito ay dala ng iba't ibang fungus at made-detect lamang kung anong fungi kapag ineksamin sa laboratoryo ang sample ng iyong kuko. Medyo matagal ang proseso ng pagkasira ng kuko, una ay mawawala muna ang natural na kislap ng kuko at pagkatapos ay magiging malutong na ang mga ito. Magkakaroon ng parang mga bitak o kayod at kung minsan pa nga ay parang kinain ng uod ang hitsura ng kuko at nagiging impektado rin ng katabing mga tissue o cuticle. Madalas magkaroon ng onychomycosis ay mga taong ang trabaho ay nakababad ng matagal ang mga kamay  sa tubig, 'yung mga may ingrown toe nail, mga taong mababa ang resistensya laban sa impeksyon tulad ng mga diabetic o umiinom ng steriod drugs at 'yung madalas magkaroon ng "paronychia" o pamamaga ng balat sa paligid ng kuko. Sa mga...

Hepatoma - Sanhi Sintomas Lunas

Babala sa mga sumasakit ang tiyan at bumababa ang timbang!  Ang diagnosis na hepatoma ay tumutukoy sa kanser sa atay at sinasabing ang kanser na ito ay napakabagsik sapagkat sinuman ang dapuan nito ay namamatay sa loob ng 6 na buwan dahil kadalasan ay tumatagal lamang ang kanilang buhay ng 2-3 buwan. Ito ay isang kanser na nagmula mismo sa mga selula ng atay at mayroong mga kaso ng kanser sa atay na nadamay lamang ang atay at posibleng nangagaling ang kanser sa ibang organo ng katawan tulad ng kanser sa bituka, sikmura, suso, baga, lalagukan  at puwit. Kadalasan na biktima ng hepatoma ay 'yung may kasaysayan ng sakit na hepatitis B at cirrhosis ( ito 'yung pagtigas ng atay dahil sa sobrang pag-inom ng alak) at sa mga kalalakihang may edad 60 pataas at kung anuman ang talagang sanhi ng kanser sa atay ay 'di pa rin tiyak. Posibleng ito ay dahil sa radiation, virus tulad ng Hepatitis B, kemikal o hormona, tinatayang 50% ng may kanser sa atay ay may cirrhosis at kad...

Health Benefits Ng Cauliflower Brown Rice Cabbage Atbp

Para manatili pa ring healthy kung wala kang time mag-exercise ay kinakailangan na kumain ka ng mga masusustansyang pagkain gaya ng Brown Rice , Apple Juice , Cabbage at pati na rin Cauliflower . Heto ang ilan sa mga mabubuting dulot sa katawan ng mga pagkain na ito. Ang brown rice ay para sa mas malusog na puso. Mainam ang pag-e-enjoy sa tatlo o higit pang serving ng whole grains sa araw-araw na tinatayang nakapagpapababa ng banta ng sakit sa puso at stroke ng hanggang 36%.  Ayon sa eksperto, ang pagkonsumo ng grain sa halip na refined rice ay pagyakap sa mas mataas na fiber at anti-oxidants na kapwa mahusay sa pagpapababa ng presyon ng dugo at pagtaboy ng cholesterol mula sa cardiovascular system. Mainam ding halimbawa ang pagkonsumo ng oatmeal cookies at wheat crackers sa halip na chocolate chip/ Ang pagpakain ng gulay ay para sa maayos na kondisyon ng baga. Maraming tao ang nakararanas ng seryosong suliranin sa kanilang baga kung saan lumabas sa pag-aaral ...

Masakit Na Pag-ihi O Dysuria

Nakararamdam ka ba ng sakit sa tuwing ikaw ay umiihi?  Ayon kay Shane M. Ludovice M.D sa column niya sa Bulgar: Ang Sabi ni Doc-   Dysuria ang tawag sa masakit na pag-ihi at marami sa atin ang nakararanas nito at agad naikakapit sa masakit na pag-ihi ay ang UTI o impeksyon sa daluyan ng ihi subalit, hindi laging UTI ang dahilan. Puwede ring vaginitis o impeksyon sa puwerta ang posibleng sanhi. Madalas ay paulit-ulit ang atake ng UTI subalit, kahit UTI lamang ito ay hindi dapat ipagwalangbahala lalo pa kung ang masakit na pag-ihi ay may kasamang lagnat, dugo sa ihi, at pananakit ng likod malapit sa tagiliran. Mahigit sa 95% nang pabalik-balik na UTI ay "reinfection" lamang, na ibig sabihin ay 'yun pa rin ang organismong sanhi (E.Coli) at ito ay patuloy na namamalagi sa daanan ng ihi (urinary tract) o kaya ay muling na-infect ang daluyan ng ihi ng dumi mula sa labas, halimbawa ay dumi mula sa puwit.  At ang pinakakadalasang sanhi ng pananatili ng mikro...

Business Tips: Negosyong Uso P500 to P3k Capital

Nag-iisip ka ba ng negosyong pwedeng simulan sa maliit na kapital na 500 pesos hanggang 3k ? Kung nais mong mag-negosyo ngunit limitado lang ang iyong perang puhunan, huwag kang mag-alala sapagkat maraming business ang pwedeng simulan sa mababang puhunan ngunit may potensyal na kumita ng malaki. Ito ang ilan sa mga negosyong uso sa kahit anong panahon. Paggawa ng pabango at cologne . Sino ba naman ang ayaw na sila ay maging mabango? Madali at masaya ang paggawa nito. Ang profit margin para sa negosyong ito ay higit 300 poryento. Paunang Capital: 1,500 para sa 100 grams ng pabango. Ito ay maaari nang makagawa ng 12-13 roll-on bottles.  Tips: Ang production cost mo ay nasa 115.00 pesos. Pwede mong i-mark up ang produkto ng hanggang 300 porsyento. Paggawa ng Puto . Isa sa mga pinoy delicacy na madaling gawin at ibenta. Pwede ring mas mataas ang benta mo sa mga puto na may flavor ngunit tiyak na abot kaya pa rin ito ng masa.  Paunang Capital: 500 pe...

Honey - Mabisang Gamot Sa Acne

Ang pulot-pukyutan o honey ay kilala bilang isang inumin na pampataas ng stamina at nagpapaganda ng katawan. Hindi lang iyan sapagkat ito rin ay mayroong antibacterial property na maaaring makagamot ng acne o malalaking taghiyawat. Nagkakaroon ng acne o taghiyawat ang isang tao lalo't iyong mga nagbibinata at nagdadalaga pati na iyong malapit ng mag-menopause, dahil sa mga panahon na ito ang hormones ay nagiging sanhi ng labis na produksyon ng sebum, na kapag humalo sa mga bacteria ay magiging dahilan ng acne.  Ang proprionibacterium acnes bacteria o P. acnes ay puwersa ng mga bacteria na naninirahan sa balat ng tao     na nagiging sanhi ng pagkawasak nito. Kapag mataas ang produksyon ng sebum, ang bacteria ay magiging sanhi ng malalaking taghiyawat. Ang honey ay natuklasan nga na isang antibacterial para gamutin ang acne. Ito ay base sa pag-aaral na isinagawa sa University of Texas Health Science Center, natuklasan nilang ang honey ay mayaman sa sugar...

Fruits and Vegetables - Sanhi ng Pagtaba?

Maraming tao ang araw-araw binubusog ang ang kanilang sarili mula sa pagkonsumo ng maraming fruits and vegetables upang makapagbawas ng timbang kung saan epektibo ito sa nakakarami. Gayunman, isang dietician ang nagmalasakit na maglahad na hindi lahat ng prutas at gulay ay pantay-pantay na nakapagbibigay ng benepisyo kung saan ang labis na pagkonsumo nito ay maaaring sumabotahe sa hangaring makapagbawas ng timbang. Ang enerhiyang papasok ay diumano'y maaaring kumontra naman sa papalabas na enerhiya kung saan ang bilang ng calories na nakokonsumo ay naikukumpara sa bilang ng calories na nasusunog. Habang ang prutas ay mayaman sa nutrisyon at punumpuno ng fiber na kahit ang malusog na pagkain ay maaaring magbunsod sa pagdagdag ng timbang kapag lumalabis ang dami ng kinukonsumo na puno pa ng sugar kahit pa sa natural na tamis. Mas mainam na sa halip na masasarap at matatamis na prutas ang konsumuhin sa buong araw, mas piliin ang ang maaasim na prutas. source: ...

Hyperthyroidism- Sintomas At Gamutan

Nakararamdam ka ba ng malakas na pagkabog sa iyong dibdib na may kasamang panginginig ng kamay? Malakas kang kumain ngunit bumababa ang iyong timbang? Mainit ang katawan kahit hindi mainit ang panahon? At may parang nakausbong ba sa iyong leeg at mulagat ang iyong mata? Ang mga nabanggit ay ilang pangunahing sintomas ng Hyperthyroidism . Ayon kay Doctor Shane M. Ludovice, sa column niya sa Bulgar na Sabi ni Doc, Ang lahat ng binanggit ay sintomas ng tipikal na halimbawa ng hyperthyroidism. Ito ay dahil sa sobrang produksiyon ng thyroid hormone kaya  nagkakaroon ng metabolic imbalance sa katawan. Karaniwang nasa edad 30 hanggang 40 ang nagkakaroon nito, lalo na kung sa pamilya nyo ay may kasaysayan ng abnormalidad sa thyroid.  Ano ang posibleng sanhi ng hyperthyroidism? Ito ay maaaring dulot ng stress at posible rin genetic o nasa lahi. Maaaring kaakibat ng iba pang abnormalidad sa endocrine system tulad ng diabetes, hyroiditis at hyperparathyroidism. Maaari...

Health Benefits Ng Asparagus Apricot At Apple

Madalas nating talakayin ang tungkol sa iba't ibang halaga ng mga prutas at gulay sa ating kalusugan ng ating katawan. Para sa araw na ito, malalaman mo ang iba't ibang health benefits ng asparagus apricot at ng apple. Ang pagkain ng isang apple o mansanas sa isang araw ay magpapalayo sa iyo sa sakit sapagkata mahusay itong sandata sa kalusugan ng katawan. Mas mainam kung kukonsumuhin pati balat kung saan nagtataglay ito ng metabolism-boosting fiber na mahusay sa katawan. Ang kalahating tsaa na nilutong asparagus ay nakapagbibigay ng mataas na bilang ng Vitamin K at A at B vitamins tulad ng folic acid. Mainam ang asparagus sa pagmantina ng blood sugar ng isang tao at tuluyang maitaboy ang type 2 diabetes. Ang prutas na apricot naman ay mayaman sa beta carotene na may kakayahang lumaban sa banta ng cancer at sakit sa puso, maging na rin ang maprotektahan ang sarili laban sa panlalabo ng paningin.  Ang pagkonsumo ng tatlo o higit pang serving ng prutas na maya...

Benepisyo Sa Kalusugan Ng GUAVA

Napatunayan na ang guyabano o guava ay isang mahusay na prutas na mayroong mataas na concentration ng antioxidant na pumoprotekta laban sa cell damaga na nagdudulot ng pagtanda ng balat na maaaring magresulta sa cancer. Bukod sa guava ay mayroon ding Indian plum – tanim ng mga british na magsasaka sa bulubundukin ng Himalaya – mansanas at mangga. Natuklasan ng mga scientist sa National Institute of India sa Hyderabad na ang concentration ng antioxidant ng guyabano ay nasa 500 mg per 100 grams, 300 mg naman ang sa plum, at 135 naman sa pomegranates. Ang mansanas ay mayroong quarter ng antioxidant ng guava habang ang saging naman ay mayroon lamang 30 mg per 100 grams. Ang pakwan at pinya naman ay may kaunting proteksyon lamang na hatid laban sa mga free radical na sanhi ng skin damage. Kahit pa mataas ang fructose ng mangga ay mayroong 170 mg ng antioxidant, tatlong beses na higit sa papaya. Mas masustansya naman ang ubas kumpara sa orange. Pinapayuhan ng mg...

Pomegranate – Prutas Na Pampabata

Kung nais mong mabawas ang iyong stress at pagtanda ng maaga ay pinapayuhang kumonsumo ka ng pomegranate juice araw-araw. Ayon sa mga scientist, ang masustansyang prutas na ito ay kayang bawasan ang nararamdaman mong pagkabalisa at tulong din upang makaiwas ka sa mga sakit gaya ng cardiovascular diseases. Pumipigil din ito sa pagdami ng mga cancer cell. Kung kakain ka ng pomegranate araw araw ay babagal ang aging process ng cell sa ating DNA. Kaya naman ito ay magdudulot ng sigla,lakas at batang pakiramdam sa isang tao. Ang konklusyon na ito ay mula sa isang resaerch na tinugunan ng 60 na boluntaryo. Binigyan sila ng capsule na naglalaman ng extract mula sa pomegranate at pinainom iyon sa kanila ng isang buwan. Sinuri din ang chemical compound sa kanilang katawan at kinumpara sa mga taong hindi kumakain ng prutas na ito. Tinukoy ng mga researcher na mayroong pagbaba sa concentration ng marker 8-Ox0-DG, na may kinalaman sa cell damage na dahilan ng disruption sa aktibi...

Tulong Sa Kalusugan Ng CHERRY JUICE

Maliit man ang prutas na cherry ay marami naman itong tulong sa ating kalusugan. Isa na rito ang pagpapahimbing sa tulog tuwing gabi upang magampanan natin ng husto ang mga aktibidad natin sa umaga. Tinukoy ng mga scientist sa School of Biological Sciences sa Unibersidad ng Northumbria na ang cherry juice ay nakapagpapabuti ng kalidad nang ating tulog. Sabi pa ng mga tagapagsaliksik, ang prutas na cherry ay may mataas na concentration ng melatonin, isang hormone na nakapagpapa-regulate ng tulog. Kung mahimbing ang tulog sa gabi ay mas mainam mong magagawa ang iyong trabaho sa umaga, ikaw ay masiglang makakakilos sa buong araw. Para patunayan ito, naghanap ang mga researcher ng 20 boluntaryo. Sa isang linggo, ang mga ito ay kumonsumo ng 30 milli liters ng cherry juice at iba pang juice araw-araw. Para sa evaluation ng melatonin, kumolekta ang mga eksperto ng urine sample bago at pagkatapos ng experiment. Bukod pa riyan, pinasuot din ng wristwatch sensor ang mga boluntaryo...

Sintomas Ng Allergy Dulot Nang Strawberries

Maraming bitamina ang siyang mapapakinabangan ng katawan mula sa pagkain ng strawberries. Pero hindi lahat ng tao ay pwedeng kumain ng prutas na ito dahil may ilan ang nagkakaroon ng allergy matapos kumain ng prutas na ito. Isang maituturing na versatile fruit ang strawberries sapagkat mayaman ito sa nutrisyon gaya ng Vitamin C, iron,pottasium , folic acid, at iba pa. Ngunit ang pagkain ng strawberries ay may sanhi ring allergies sa tao. Mas pangkaraniwan itong nangyayari sa mga sanggol pa at mga batang nasa toddler stage. Nangyayari ang allergy kapag itinanggi ng katawan ang protein na hatid ng prutas na ito. Kapag tinukoy ng immune system na isang mapinsalang substance ang protein na makukuha sa strawberry, ito ay magdudulot ng allergic reaction. Ito ang ilan sa mga sintomas ng allergy mula sa pagkain ng strawberries: Pamamanhid at panginginig ng bibig May init na madarama sa labi Sakit sa tiyan Pamumugto ng bronchial tubes Diarrhea Dermatitis Nag...

Da Best Na Pagkain Laban Sa Osteoporosis

Ang ating mga buto o bones ay ang importanteng bahagi na sumusuporta sa ating katawan. Ang maagang treatment ang kailangan upang hindi mauwi ang ating buto sa pagkakaroon ng osteoporosis. Lalo’t sa ngayon, hindi lang matatanda ang nagkakaroon ng sakit na ito. Nangyayari ito kapag walang nutrisyon ang nakukuha ng ating buto. Ito ang mga pagkain para maiwasan ang ganitong uri ng sakit. Importante ang gatas sapagkat mayaman ito sa calcium at vitamin D na mga elementong dapat upang maging matibay ang buto. Pwede ring alternatibo ang pagkain ng iba pang dairy products gaya ng keso at ice cream. Pampatibay din ng buto ang nuts at grains. Maigi rin na kumain ng almonds, pistachios, at sunflower seeds na mayroon ding calcium. Ang potassium content na makikita sa almond ay nagbibigay din ng proteksyon sa katawan kapag nagkukulang sa calcium na importanteng nutrisyon para maging matibay ang buto. Kumain ng chicken feet, mayroon itong hydroxyapatite, calcium, at collagen ...

Dark Circles Around The Eye – Paano Mawala?

Nangingitim ang ilalim ng iyong mata lalo’t kung wala ka sa tulog o nakararanas ka ng fatigue. At sadyang napakapangit nito sapagkat magmumukha kang matanda. Heto ang ilang natural na paraan para mawala ang dark circles sa paligid ng iyong mga mata Magdampi ng bulak sa isang binalatang hilaw na patatas. Ipikit ang mga mata at ilagay roon ang bulak. Siguraduhing natatakpan ng bulak ang paligid ng mata kung saan ang pangingitim. Iwan roon ang bulak at pagkatapos ay maghilamos. Pwede mo ring gawin ang paggawa ng mixture mula sa isang kutsarang kamatis at lemon juice. Ilagay lamang ito sa pangingitim ng mata. Gawin ito dalawang beses isang araw. Isa pang alternatibo ang pag-inom ng isang basong tomato juice na may halong dahon ng mint, lime juice at asin. Inumin ito ng dalawang beses isang araw. Bukod sa mawawala ang dark circles sa paligid ng mata ay magiging maaliwas din ang iyong mukha. Kung pagod ang mata, mainam ang magtapal ng mint leaves, ito ay mag...

Speech Therapy – Lunas Sa Insomnia

Maraming tao sa buong mundo ang nakararanas ng hirap sa pagtulog. Para sa mga taong walang ganitong problema ay sa tingin nila madali lamang itong solusyonan. Pero hindi sa mga taong may insomnia. Isa sa pangkaraniwan ng gamutan sa mga taong may insomnia ay ang pag-inom ng sleeping pills at pagsasagawa ng cognitive behavorial therapy (CBT) o mas kilala sa tawag na speech therapy. Mas rekomendado naman ng mga specialist ang speech therapy kaysa sa pag-inom ng sleeping pills sapagkat wala itong hatid na panganib sa kalusugan ng pasyente. Sa pamamagitan ng therapy na ito ay matututunan ng isang pasyente na may insomnia ang makagawa ng mahimbing na pagtulog at matuturuan din ang pasyente kung paano malalabanan ang pagkabalisa na siyang dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi makatulog ng mahimbing. Higit pa sa sleeping pills ang benepisyong hatid ng speech therapy sapagkat matagal ang magandang epekto nito sa taong may insomnia kumpara sa sleeping pills na panandalian la...

Senyales Na Isa Kang Healthy Man

Ang katawan natin ay naglalabas ng mga sensyales kapag tayo ay nakararanas ng sakit. Pwedeng makaranas ng panginginig ang katawan kung masama ang pakiramdam o di kaya nama’y  pangangati ng lalamunan kung tayo ay magkakaroon ng ubo. At iba pang senyales na pantukoy sa karamdaman ng ating katawan. Para sa mga kalalakihan naman na nais malaman kung healthy ka. Mayroon ding mga sensyales para malaman mo kung ang katawan mo ay malusog o kinakailangan ng magpatingin sa doktor. Lingid sa kaalaman ng ilan, ang ating kuko ay maaaring magtukoy na ikaw ay may karamdaman. Kapag ang kuko mo ay naninilaw, nangangapal at mabagal ang pagtubo ay maaaring ikaw ay may sakit sa iyong respiratory gaya ng chronic bronchitis. Kung may mga curved line naman o kilala rin sa tawag na Beau’s line, ikaw ay may diabetes. Kung parang hugis kutsara ang kuko, indikasyon ito ng kakulangan sa iron. Malusog ka kung pale yellow ang kulay ng iyong ihi. Depende sa dami ng tubig na ating kinokonsumo ang k...

Mga Dahilan Ng Memory Loss

Ayon sa bagong pag-aaral, maaaring maging dahilan ng memory loss at ng iba pang cognitive disorder ang pagkakaroon ng hypertension at mataas na kolesterol. Sa pagsasaliksik ay nagbigay ng cognitive tests ang mga researcher sa mga respondent. Ang test na ito ay naglalaman ng pagsukat sa abilidad ng memorya, spelling, bokabularyo at iba pang skills na may kinalaman sa lenguahe. Ang resulta ay ginamitan ng Framinghman risk scores. Ang score na ito ay isang prediksyon sa cardiovascular risk ng isang tao pagkalipas ng 10 taon base sa edad, kasarian, kolesterol, blood pressure, smoking habits o diabetes. Natuklasan na ang panganib ng cardiovascular disease nang mga nasa middle age na ay may kinalaman sa pagbaba ng congnitive function. Ang pagbaba ng cognitive ability ang siyang magiging dahilan ng pagtaas ng panganib nang sakit sa puso 10 beses na mas mataas at pagbaba ng cognitive function sa mga lalake at babae. Kaya’t maigi ang pagsasagawa ng preventive measures para maiw...

High Fat Foods Dahilan Ng ASTHMA

Hindi lang basta nakatataba ang pagkain ng burger at fries, pwede ring magkaroon ng asthma ang isang taong mahilig sa pagkain nito. Bukod sa pinatataas nito ang inflammation sa respiratory tract, ang mga high fat foods gaya ng mga nabanggit ay dahilan din kung bakit hindi madaling magamot ang asthma mula sa mga therapy. Ang pag-aaral ay ginawa ng isang grupo ng mga scientist sa University of Newcastle, idagdag pa ang mga ebidensya na ang ibang salik gaya ng kapaligiran at dyeta ay naka-aapekto sa development ng asthma. Wala mang sapat na ebidensya pa ang resulta ng pag-aaral na ito ay rekomendado pa rin ng mga expert na bawasan ang pagkonsumo ng high fat food para kontrolin ang asthma. Ayon pa sa mga ito, ang dietary adjusment ay kinakailangan at isang importanteng estratehiya para labanan ang asthma. Ang asthma ay isang chronic condition na nangyayari kapag namaga ang bronchial. Source: medicmagic.net

Mabisang Lunas Sa Blackheads

Nakakainis ang pagkakaroon ng blackheads. Kahit pa makinis ang iyong kutis kung may blackheads ka naman ay hindi pa rin masasabing may perfect skin ka na. Iyong mga itim na parang tuldok sa gilid ng iyong ilong ang siyang mahirap na alisin. Marami sa atin lalo na ang mga kababaihan ang magtutungo sa derma salon para maalis ito kahit pa gumastos sila ng napakalaki. Pero may ilang mabisang lunas sa blackheads ang hindi mo na kinakailangan pang gumasta ng napakarami.  Pwede mong subukan ang mga ito: Maghalo ng buto ng labanos sa tubig at dahan dahan mong i-scrub sa iyong mukha. Ang halaman na ito ay pinaniniwalaan may taglay na sangkap na mabisang pantanggal ng blackheads. Maghalo ng balat ng orange sa tubig hanggang makita mo na nakabubuo na ito ng thick paste. Itapal mo lang ito sa iyong mukha ng buong gabi at maghilamos syempre pa kinaumagahan. Maghalo ng mixed juice sa turmeric powder. Ilagay ito ng 30 minutos at pagkaraa’y maghilamos. Pwede ka ri...

Mga Pagkain Na Pwede Kang Magka-STROKE

Ilang pag-aaral na ang nagsasabing ang aerobic exercise at tamang dyeta ay makapagpapaiwas sa tao sa banta ng stroke. Maging alerto sa iba pang pwedeng maging sanhi ng stroke tulad na lang ng kulang sa tulog. Bukod pa riyan ay maging mapili rin sa mga kinakain sapagkat may mga pagkain na akala mo’y hindi nakapipinsala sa katawan pero kabaligtaran pala ang hatid sa kalusugan. Kaya maigi ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Bukod sa ehersisyo at regular na pagpapa-check up, bababa ang panganib na magka-stroke kung iiwasan mo ang mga pagkain na ito: Ang mga processed food tulad ng crackers, chips, pastry at baked foods ay naglalalaman ng trans fats na makikita sa hydrogenerated oil na ginagamit para magtagal ang isang pagkain. Ang trans fat ay sagabal sa daloy ng dugo sa ating utak, nagpapataas ng inflammation at ng level ng C-reactive protein at ang panganib na magka-stroke. Maging alerto, ang hydrogenerated oil na ito ay ginagamit din sa french fries, frozen foods, process...

Mga Pagkain Na Lunas Sa HEADACHE

Sa mundo ng medisina ang sakit ng ulo o headache ay kilala sa tawag na Cephalalgia. Ito ay kondisyon ng sakit ng ulo sa parteng batok o itaas na bahagi sa likod ng ulo. Kapag may sakit ng ulo, madalas iniinuman kaagad natin ito ng gamot at matutulog. Pero alam ninyo bang may mga pagkain na pwedeng lunas sa sakit ng ulo: Kumain ng mga pagkain na maraming tubig at mineral gaya ng pakwan. Ang mga pagkaing gaya nito na mayaman sa nutrisyon at liquid ay makatutulong sa pagpapahupa ng sakit ng ulo. Kung ikaw ay nasa low-carb diet, mag-ingat din sapagkat ang kaunting dami ng carbohydrate na iyong kinokonsumo ay pwedeng maging dahilan ng headache. Kapag nasa ganitong dyeta kasi ay nababawasan ang glycogen na siyang energy source ng ating utak. Kung bababa ito ay magdudulot ito ng sakit sa ating ulo.  Kaya’t kailangan mo rin ng carbohydrate, pwede mo itong makuha sa whole wheat bread o brown rice na mayaman din sa fiber. Lunas din sa sakit ng ulo ang pagkain ng almond s...

Mangosteen – Pagkain Na Laban Sa Cancer

Halos lahat tayo ay kilala ang prutas na mangosteen. Isang masarap na tropical fruit kasi ito kaya paborito ito ng ilan sa atin. Pero bukod sa sarap ng lasa nito, ito rin ay isa ring alternatibong gamot sa ilang karamdaman gaya ng cancer. Hindi lang nga ito basta masarap na prutas lang sapagkat mayroon itong healing properties laban sa iba’t ibang uri ng sakit. Ang mangosteen ay mayroong 40 active biological substances, natural chemical compound na kung tawagin ay xanthone. Itong compound na ito ay maituturing na antioxidant at pampapalakas ng immune system. Marami sa mga tagapagsaliksik ang nagsasabing ang balat ng mangosteen ay tulong din upang makaiwas ang isang tao sa mga uri ng karamdaman gaya ng diabetes, sakit sa puso, Alzheimer at iba pang chronic diseases. Ang mangosteen ay mayroong polysaccharides, ito ay isang compound na gumaganap bilang anti-cancer at anti-bacterial agent. Sinusugpo nito ang pagdami ng cancer cells. Sa ilang literatura, sinasabing ang ...

Bakit Dapat Maging Snack Ang NUTS?

Ang kagustuhan nating kumain ng snack ay darating na lang bigla.Kaya’t dapat na maging madunong din sa pagpili ng mga kakainin , dahil kung hindi ay ikadadagdag lang ito ng iyong timbang dahil sa madalas mong pagmi-miryenda. Pero huwag kang mag-alala sapagkat mayroon namang mga healthy snack na pwede mong kainin kung conscious ka sa iyong timbang. Nakabubusog din naman ang mga ito gaya na lang ng mani o nuts. Bakit dapat maging snack mo ang nuts? Para sa katawan na slim, madalas umiwas sa mga pagkain na maraming fats. Para hindi ka naman magutom at magkaroon ng nutrisyon ang iyong katawan ay maigi ang pagkain ng mani. Ang fat na na taglay ng mani ay healthy naman. Mainam kung ito ay papakuluan mo kaysa ipi-prito. Ang content ng protein sa mani ay napakataa kaya’t matagal kang hindi gugutumin kapag kumain ka nito.  Ang ibang snack ay mayroong carbohydrate, sugar, at mataas ang calories. Maigi ang nuts upang punan ang kakulangan ng katawan sa protina. Nagpapab...

Lunas Sa Balinguyngoy (NOSEBLEED)

Ikaw ay may balinguyngoy o nosebleed kung nakita mong may dugong lumabas sa iyong ilong matapos mong humatsing. Sanhi ito ng mga nasal spray pati na rin ng mga allergy. Maaaring maka-alarma sa iyo ito pero hindi naman ito malubha. Halos isang kutsarang dugo lang ang lalabas sa iyong ilong. Ito ang ilang paraan para lunasan ito: Hipan mo ang iyong ilong ng marahan para mawala ang blood clots na nabubuo. Pindutin mo ang butas ng iyong ilong na para bang ikaw ay lalangoy o lulundag sa isang swimming pool.  Gawin ito ng limang minuto at huminga ka mula sa iyong bibig. Manatiling nakatayo o nakaupo ng deretso ang katawan. Huwag kang hihiga sapagkat malulunok mo lamang ang dugo. Huwag kang maglagi sa mainit na lugar sapagkat ito’y magdudulot sa’yo ng balinguyngoy. Kailangan na malamig o mamasa-masa ang paligid para maiwasan mo ito. Para hindi maiwasan ang pagno-nosebleed ay dapat uminom ka ng mga sapat na bitamina gaya ng iron at vitamin C. Mapapalitan ng iron a...

Healthy Ba Ang Mga Processed Milk?

Kung nais mong magkaroon ng calcium at vitamin D sa katawan ay kinakailangan mo ng isang basong gatas. Kung hindi mo naman hilig ang gatas ay puwede mo namang subukan ang mga dairy product gaya ng yogurt, ice cream o gatas mula sa vegetable oil gaya ng almond milk. Pero healthy nga ba ang mga processed milk o dairy products? Ang yogurt ay maganda sa digestive system pero ito rin ay puno ng mga processed ingredients gaya ng sugar at fructose. Ang mga materyal na ito ay mapanganib sa mga taong may irritable bowel syndrome. Nagiging mas sensitibo sila sa labis na sugar. Kaya’t ang kailangan lamang ay maging mapili sa pagbili ng yogurt. Piliin ang mga lactose-free yogurt at iyong walang lasa. Lalo’t sa mga taong palaging may problema sa kanilang tiyan. Paborito mo ba ang ice cream? Kung inaakala mong hindi ka tataba sa pagkain ng mga dairy-free ice cream ay nagkakamali ka. Sapagkat lahat ng ice cream ay mayroong gatas, fat, sugar at calories. Nagiging kaunti lamang ang conten...

Herbal Medicines- Pwede Kang Magka-Allergy

Pinatuyan ng mga DNA Analysis ng traditional chinese medicine na sakop ng Australian Custom Officials na may mga herbal medicine na nagtataglay ng mga sangkap na pwedeng pagmulan ng allergy o lason sa katawan. Mayroong ding mga herbal medicine na may halong mga parte ng hayop lalo’t mga endangered species na ang mga ito gaya ng asian black bear at Saiga antelope. Kaya’t kinakailangan na sa tuwing tutungo ka ng groceries o supermarket ay maging mapanuri sa sangkap ng binibiling produkto gaya na lamang sa pagbili ng mga herbal medicine. Naging malakas ang bentahan ng mga chinese drugs at kumita ng milyong milyong dolyar ang industriyang gumagawa ng mga ito. Hanggang sa naging mahirap para sa mga scientist na ma-analisa ang mga sangkap na taglay ng mga herbal medicine sa iba’t ibang uri gaya ng powder,tableta,capsule at maging ng mga tsaa. Madugo ang debate tungkol sa kakayahan ng mga chinese medicine maging ng iba pang herbal medicine. Pero ito ay hindi tungkol sa tagumpa...

DARK CHOCOLATE- Para Makaiwas Sa HEART DISEASE

Popular dahil na rin sa sarap ng lasa nito ang pagkain ng Dark Chocolate. At bukod sa lasa ay mainam rin ito sa kalusugan ng ating puso. Maaaring makaiwas sa banta ng heart disease kapag ikaw ay mahilig sa pagkain na ito. Ayon sa pag-aaral at pagsasaliksik na ginawa ng isang team ng mga researchers sa Melbourne Australia ay natuklasan nilang ang pagkonsumo ng 100 grams ng dark chocolate ay pwedeng makapag-iwas sa 70 non fatal cardiovascular events at 15 fatal events kada 10,000 na ginamot ng 10 taon. Kinumpirma ng mga tagapagsaliksik ang mga benepisyong hatid ng dark chocolates kung ito ay regular na kakainin, dapat ay naglalaman ito ng 60-70 % ng cocoa. Hindi naman makapaghahatid ng parehong benepisyo ang pagkain ng milk chocolate o white chocolate. Ang cocoa ay kilalang pruta na mayaman sa flavonoid. Mayroon itong antioxidant na kilala sa proteksyong hatid nito sa kalusugan ng ating puso. Pinatuyan pa nilang ang pagkain ng dark chocolate ay nakapagpapababa ng bloo...