Ang labatiba o Enema ay maaaring mabili sa Bambang,Sta Cruz, kaliwa't kanan ang mga nagtitinda ng medical supply sa lugar na 'yun. Ang presyo ay depende sa klase ng bibilhin mong labatiba. Ang enema o labatiba ay isang aparato na ginagamit para panlinis ng bituka. Ang paglalabatiba ay isang procedure kung saan ay nagpapasok ng liquid o tubig at kung minsan ay may kasamang baking soda sa anus ( butas ng puwit) papuntang rectum (tumbong) at colon para malinisan ang bituka. Ano ang medical usage ng labatiba? Kadalasang ito ay isinasagawa kung sasailalim sa surgery ang pasyente. Ginagamit din para sa constipation (du'n sa hindi makadumi o hirap dumumi) at fecal impaction. Sa pasyenteng buntis bago ito mag labor. Rehydration therapy (proctolysis) sa mga pasyenteng hindi puwede ang intravenous therapy o paglagay ng suwero. Cleanse the lower bowel bago isagawa ang sigmoidoscopy o colonoscopy. Topical administration ng gamot sa rectum tulad ng corticosteroids...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc