Ang kintsay o celery ay isang kilalang gulay na masarap, meryenda man o sahog sa salad at ilang lutong pagkain.
Ayon sa isang nutritionist, lahat ng bahagi ng celery ay mainam sa kalusugan na nagdudulot ng maraming bitamina at mineral.
Ilan sa mga benepisyo sa kalusugang naibibigay ng celery ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Mayaman sa Vitamin C. Ang bitamina C na makukuha sa naturang gulay ay napatunayang may kakayahang lumaban sa banta ng sipon at nakapagpapaiwas sa pinsala ng free radical maging ng arthritis at asthma.
- Nagtataboy ng cholesterol. Lumabas sa pag-aaral na ang celery ay nakapagpapababa sa cholesterol level ng maraming tao mula sa pagpapataas ng tinatawag na secretion ng bile acid sa katawan. Maging ng blood pressure kung saan nakapagpaparelaks ito ng arterial muscles na nagpapabuti ng daloy ng dugo sa buong katawan.
- Mayaman sa pottasium. Ang celery ay mayaman sa parehong potassium at sodium na nakatutulong sa katawan upang magproduce ng mas maraming urine na nakatutulong upang mas malinis ang katawan mula sa paglabas ng toxins mula rito. Gayundin, nilalabanan nito ang free radicals na nagbubunsod sa banta ng cancer. An celery ay nagtataglay ng coumarins na tinatayang epektibong nakapagtataboy sa banta ng naturang sakit.
- Nagpapatibay ng immune system. Ang mataas na bilang ng Vitamin C na makukuha mula sa celery ay nagbubunsod sa malusog at matibay na immune system.
- Mayaman sa fiber. Ang celery ay mayaman sa fiber na nagbubunsod sa pagbawas ng timbang dahil sa mababa naman nitong calories.
source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms.Myra
Comments
Post a Comment