Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2012

Mga Kaalaman Tungkol Sa Ulcer

Ito ang ilang kaalaman tungkol sa ulcer mula sa artikulo ni Shane M. Ludovice M.D sa kanyang kolum sa Bulgar na Sabi ni Doc: Dati ay iniisip natin na ang ulcer ay dala raw ng sobrang stress, labis na pag-aalala at pagkain ng maanghang. Posibleng may kontribusyon ang mga ito sa pagkakaroon ng ulcer, ngunit napakaliit lamang. Ang ating sikmura ay nagpupundar ng acid at pepsin para magiling ang ating mga kinakain at dahil sa kakayahan nitong lumusaw ng pagkain, mayroon tayong lining na may mucus sa ating upper digestive tract para hindi nito matunaw ang ating sariling bituka. Kaya mahalaga ang tamang balanse ng acid at protective mucus para mapanatili nating malusog ang ating bituka. Sa sakit na ulcer ay walang tamang balanse ang acid at mucus. Kapag sobrang dami ng acis at kakaunto lamang ang mucus, mada-damage ng acis at pepsin ang sikmura at bituka at dito na magsisimula ang ulcer. Narito ang ilang factors na sumisira sa tamang balanse ng acid at mucus kaya posibleng mauwi it...