Ito ang ilang kaalaman tungkol sa ulcer mula sa artikulo ni Shane M. Ludovice M.D sa kanyang kolum sa Bulgar na Sabi ni Doc:
Dati ay iniisip natin na ang ulcer ay dala raw ng sobrang stress, labis na pag-aalala at pagkain ng maanghang. Posibleng may kontribusyon ang mga ito sa pagkakaroon ng ulcer, ngunit napakaliit lamang. Ang ating sikmura ay nagpupundar ng acid at pepsin para magiling ang ating mga kinakain at dahil sa kakayahan nitong lumusaw ng pagkain, mayroon tayong lining na may mucus sa ating upper digestive tract para hindi nito matunaw ang ating sariling bituka. Kaya mahalaga ang tamang balanse ng acid at protective mucus para mapanatili nating malusog ang ating bituka. Sa sakit na ulcer ay walang tamang balanse ang acid at mucus. Kapag sobrang dami ng acis at kakaunto lamang ang mucus, mada-damage ng acis at pepsin ang sikmura at bituka at dito na magsisimula ang ulcer.
Narito ang ilang factors na sumisira sa tamang balanse ng acid at mucus kaya posibleng mauwi ito sa ulcer:
- Bakteryang Helicobacter pylori, kung nandoon sa sikmura/bituka, ito ang bakterya na siyang sanhi ng ulcer.
- Paggamit ng mga gamot tulad ng aspirin, ibuprofen at iba pang analgesic na klasipikadong NSAIDS, sinisira ng mga ito ang proteksyong mucus ng ating katawan.
- Paninigarilyo, may posibilidad na magka-ulcer ang isang taong naninigarilyo dahil hindi lamang itinataas nito ang pagpupundar ng acid kundi sinisira rin nito ang produksyon natin ng mucus.
- Pag-inom ng alkohol (alak), kape o mga softdrink.
source: Sabi ni Doc/Bulgar
Comments
Post a Comment