Skip to main content

Masamang Epekto Ng Bath Salts



Wow! Ang yaman mo naman, may bath tub kayo? Pero paalala sa mga mahilig magbabad sa bath tub lalo’t kung mahilig kayong maglagay ng bath salt- Alam ninyo bang may masamang epekto yan sa utak?


Sa katunayan, ipinagbawal na ang bath salts na karaniwang inilalagay sa bath tub kapag nagbababad roon dahil ang epekto raw nito sa utak ay masama. Para din daw kasi tayong naka-droga.

Kahit na napadadalaas ang pagdating  ng bagyo, hindi pa rin natin magawang ipagpaliban ang paliligo. Kahit napakalamig ng panahon, lagi pa rin tayong nanlalagkit kaya ibig nating laging pumasok ng banyo para maligo. Kung minsan, ayaw na nating umalis ng banyo. Kung pupunta tayo ng hotel o mayroon tayong bathtub ay parang gusto nating gugulin ang ating oras sa pagbababad doon. Para maging maginhawa ang ating pakiramdam, maglalagay pa tayo ng bath salts. Nakatutulong ito para guminhawa ang ating pakiramdam lalo na at sobra ang bango noon.

Kung mayroon ka ngang bath tub, siguradong nanaisin mo ang paggamit ng bath salt.  Pakiramdam mo kasi ay mabangung-mabango ka at laging sariwa ang iyong pakiramdam kapag gumagamit ka nito. Ngunit, bago ka muling maglagay ng bath salts sa iyong bath tub, makabubuti siguro kung basahin mo muna ito. Nakasaad kasi rito na ang sobrang paggamit ng bath salts ay makaapekto ng husto sa’yong utak. Sabi ng mga syentista,ang paggamit ng bath salt ay walang pagkakaiba sa paggamit ng droga.

Tulad ng cocaine, ang bath salts ay mayroong mephedrone kaya ito ay ipinagbabawal sa UK. Kung magagamit mo kasi ito, maaaring lumutang ang iyong pakiramdam. Wala halos pagkakaiba sa mga taong nagda-drugs talaga.

Nakatitiyak akong hindi mo rin gusto na magmukhang parang nakadroga dahil tiyak ko na maging ang pag-uugali mo ay maaapektuhan.

Kaya sana bago mo kunin ang bath salts na naka-display sa department store o tanggapin ang iniregalo sa’yong bath salts, tignan mo muna ang ingredients na naroroon. Kung makikita mo na mayroon itong mephedrone, huwag mo na itong kunin. Maaari mo kasi itong ikapahamak.

Mas makabubuti ang paggamit na lamang ng simpleng sabon.
Source: Bulgar credits to: Gulat ka no ni Rian Gonzales


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...