Skip to main content

Tips Para Gamutin Ang Prostate Cancer Gamit Ang Hot Needle



Pinainit na Karayom (Hot Needle): Bagong paraan daw ito sa paggamot sa prostate cancer? Totoo ba ito?
Prostate Cancer 
Iba ang dating diskarte ng mga kalalakihan pagdating sa pagtanggap sa katotohanan at pakikipaglaban sa iba't ibang uri ng sakit kumpara sa mga kababaihan. Nariyang sa kabila ng pagkakaalam nila sa katotohanan o resulta ng kanilang kalusugan ay manatili o wala silang ipinagbago. Samantala, ang iba ay tila napanghihinaan ng loob at nawawalan na ng pag-asa na gagaling pa sa kanyang sakit at mabubuhay pa ng mas maraming taon kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Hindi basta-basta mababakas sa kanila ang pagkakaroon ng dinaramdam o iniindang sakit sa kanilang katawan gawa ng pagiging tipikal nilang tahimik at malihim lalo na at sa tingin nilang makababawas ito sa kanilang pagiging macho.

Mangyayari namang nagiging malala ang kondisyon ng kalusugan kapag panay ang isip, puro negatibong kaisipan at hindi sumusunod sa bilin ng doktor at tamang gamutan.

Mahirap man para sa mga lalaki na iwan o iwasan ang kanilang bisyo o mga kinagaiwan na bahagyang nakasasama sa kanila ay kailangan nilang mag-adjust o unti-unti itong simulan at kasanayan dahil para rin ito sa sarili nilang kapakanan o kaligtasan.

Makabagong uri ng device ang siyang naisip ng mga surgeon para maging kasagutan sa matagumpay na paglaban sa sakit na prostate cancer sa mga lalaki at maka-iwas sa peligro ng pagka-impotent.

Ito ay matapos madiskubre ang hot needle o pinainit na karayom mula sa mataas na temperatura at siyang luluto o papatay sa mga cancer cell sa maselang parte ng lalaki.

Mataas o high temperature ang siyang itinuturong solusyon sa paglaban sa sakit na nagmumula sa prostate gland habang iiwan nitong ligtas, malusog at walang bakas ang mga healthy tissue sa paligid.

Kinakailangan na ito ay fine needle o karayom lamang na hindi hihigit 2mm across ang pinapayagan o hinahayaang ma-destroy na parte ng prostate cancer na mas kilala na high intensity focused ultrasound na mas mahina naman sa gamit na radio-frequency ablation treatment at iba pa. Dagdag pa sa magandang benepisyo ng naturang treatment ay ang pagbawas ng side effect o posibleng pagkaranas ng bowel function, impotence at incontinence sa mga lalaki.

Matapos isagawa ang trial sa naturang technique kung saan nasa 600 lalaki na nadetect sa pagkakaroon ng early -stage prostate cancer ang naging participant nito.

Tinatayang ito ang karaniwang cancer na tumutubo sa mga lalaki na may statistic na isa bawat apat na lalaki ang puwedeng ma-diagnosed o magpositibo rito na sa UK ay mayroong 40,000 kaso nito kada taon habang  nasa 10,000 bilang ng kamatayan dahil dito. Itinuturing nilang highly effective ang treatment na ito na bukod sa walang side effect sa nerves na kadalasang nada-damaged sa mismong procedure ay matatawag na focused therapy na gagamit ng high energy waves ngunit sapat na para sumira sa prostate cancer at makaiwas naman na maapektuhan ang malusog na cell at balat. Gamit ang electric current na nagdye-generate ng init sa dulo ng needle-like-electrode ay ilalapat ito sa tumor na unti-unting papatay sa mga cancer tissue sa area o tip ng naturang device na piling mga surgeon, eksperto o specialist lamang sa medisina ang maaari at may kakayahang isagawa ito. source: Bulgar Tabloid isinulat ni Icee Reen L. Abereno




Like mo ba ang Tips Upang Magamot ang Prostate Cancer Gamit ang Hot Needle  Share na Katoto




Bookmark and Share






Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...