Skip to main content

Tips Para Makuha Ang Number Ng Girl



Lahat ng lalake dumating sa sitwasyon na kapag may gustong gusto na girl, eh hindi pwedeng hindi niya makuha ang cellphone number nito. Nangyayari ito madalas kapag nagtutungo ang lalake sa bar at doo’y may nakitang isang maganda at seksi na chick. O di kaya nama’y may hangout ang barkada at nagkataong ang kabarkada ay may kasamang magandang kaibigan na babae. Naku po, hindi mapakali si lalake hangga’t hindi niya nakukuha ang number ni babae. Pero aminin mo, minsan kahit gustuhin mong makuha ang number ng girl ay hindi mo alam kung paano ang diskarte. Heto, turuan kita katoto:


Maging confident at laging may control. Kung nais mong makuha ang number niya para matawagan siya o ma-text ay kalimutan mo na ang pagiging torpe. Ipakita mo sa kanya na confident ka at sobrang interesado ka na makilala mo siya pero huwag naman iyong tipong maangas ang dating. Mas gusto ng mga babae ang simpleng diskarte. Mag-control ka at huwag maging agresibo, gusto man ng babae ang isang lalakeng may tiwala sa sarili, ayaw naman nila ng mayabang. Kaya’t kung pipilitin mo lang siyang makuha ang number niya ay uuwi ka lang ng luhaan. Hindi niya ito ibibigay sa’yo.

Huwag na huwag kang hihingi ng permiso na tawagan ka niya o tawagan mo siya. Lalabas na mahina kang dumiskarte. Dahil sa gusto nga ng mga babae ang lalaking may tiwala sa sarili, imbes na magpaalam ka ay gumawa ka ng mga cute na paraan para matuwa siya sa’yo. Kung feeling mo may connection kayong dalawa, ay huwag mag-atubiling ipakita ang number mo sa kanya at sabihing “ito nga pala ang number ko” – gawin ito sa cute na paraan na maiisip mo hindi ‘yung maangas na parang namimilit kang ipa-save ang number mo sa kanya.

Bago mo siya lapitan, huminga ka ng malalim at isipin mo muna ang mga dapat mong sabihin na tiyak na hindi siya maasar sa iyo. Huwag mong gamitin ang salitang ito:

Miss, alam mo bang ikaw ang pinaka-magandang babae sa bar na ito – dahil ang dating nito sa girl, ikinukumpara mo siya sa iba.

Titigan mo siya at ipaalam sa kanya ang isa niyang katangian na naka-attact sa iyo sa kanya. Halimbawa ang maganda niyang ngiti, ang nangungusap niyang mata o ang magandang hubog ng kanyang mukha. Kilig na kilig ang mga babae kapag nakikita nila sa yong mga mata ang sincere mong papuri sa kanyang kagandahan. Ewan ko na lang kung hindi pa niya ibigay ang number niya sa iyo.

Maigi rin na kapag kayo’y magka-usap na ay huwag ka lang manahimik ngunit magsalita ka ng hindi lang ikaw ang kwento ng kwento. Ayaw ng mga babae ng lalakeng hindi man lang bumuka ang bibig para mag kwento ng mga bagay tungkol sa kanya ngunit ayaw din ng mga babae iyung lalakeng hindi nakikinig sa kanyang kinukwento. Kaya’t matuto kang magkwento at makinig sa kanyang kwento. Tiyak na uuwi ka sa bahay na nakangiti, dahil tiyak na ibibigay niya sa iyo ang kanyang cellphone number para mapagpatuloy ang inyong kwentuhan.
Source: superlovetips


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...