Ikaw ba ay may alagang aso at nais mong iparamdam sa kanila ang love o pagmamahal para lalo silang umamo sa’yo o di kaya’y para hindi sila magtampo. Opo, tulad ng tao, ang mga aso ay nakararamdam din ng pagmamahal. Alam nila kung sino ang mga may gusto sa kanila at ayaw. Ito ang ilang dog care tips para maramdaman ng alaga mong aso na si bantay ang iyong love.
Spare time with your dog. Bigyan ng sapat na oras ang aso at
maging ang buong pamilya ay maglaan ng oras para sa kanya. Napakahalaga nito.
Nagtatampo ang aso kapag feeling niya ay pinababayaan siya.
Give your dog enough space to move around. Bigyan siya ng
maluwag na espasyo. Iyong may maiikutan
siyang lugar sa bahay ay mahalaga para sa malaki at maliit na aso. Ang maliliit
na aso ay nagiging komportable sa isang aparment o maluwag na lugar. Ang
malalaking aso ay kailangan ng lugar na matatakbuhan.
Show your dog how much you care. Ipakita ang paglalambing sa
aso. Dito ay madarama niya na mahal siya at welcome sa loob ng tahanan. Ipadam
sa kanya ang init ng iyong mga hagod sa kanyang balahibo, suklayan siya at
pangkalahatang bigyan siya ng atensyon.
Give your dog a comfortable place to rest. Bigyan ang aso ng
mainit at tahimik na lugar na komportable para sa kanya. Dapat may solo siyang
lugar na madama niyang ligtas siya at di masasaktan. Isang tahimik na silid na
nakalatag ang sarili niyang kumot at laruan.
Give your dog some activities and toys for enjoyment.
Palakarin at ipasyal nang dalawang beses sa isang araw ang iyong aso. Isang
bagay para maipakita sa pet na nae-enjoy mong kasama siya. Na-eexcite ang aso
sa ganitong aktibidad. Bumili o gumawa ng laruan na makakagat o malalaro niya.
Mahalaga rin ito. Para rin kasing bata ang aso na kailangin din ng toys. Makipaglaro
ka sa iyong aso, pareho kayong masisiyahan sa ganitong aktibidad. Maganda itong
gawin ng buong pamilya. Gustong-gusto ng aso na tumatakbo, nagpapagulong-gulong
sa damuhan kalaro ang mga bata. Isang mainam na bonding experience sa mga aso
ang ganito.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano Ang
Comments
Post a Comment