Dala ng pabago-bagong panahon ay maaari tayong makaranas ng sipon o common colds. Ang hirap nito lalo na’t kapag barado ang iyong ilong, napakahirap makatulog sa gabi. Ang ilan sa atin para mawala ang sipon ay iniinuman ng antibiotic tulad ng ampicillin? Pero mayroon nga bang epektibong antibiotic para sa sipon?
Ayon kay Doc Shane M. Ludovice, sadyang napakahirap
magkasakit lalo na at paiba-iba ang panahon sa ngayon, uulan at pagkatapos ay
aaraw, kaya hindi maiwasan magkasipon (common colds) lalo na kung tayo ay nasa
labas at crowded ang ating kapaligiran. Mas nakakakuha tayo ng sakit kapag tayo
ay nasa mataong lugar.
Ilan sa sintomas ng common cold ay ang runny nose o tumutulo
ang sipon, baradong ilong, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, minsan ay may
kasamang lagnat at pag-ubo. Ang ginagawa mo o ng iba pa sa atin na kapag may
sipon ay umiinom agad ng antibiotic ay mali. Bakit? Kasi ang sanhi ng sipon ay
virus at walang epektibong gamot laban sa virus tulad din ng sa hepa B, tigdas
at chicken pox. Sayang lamang ang pera kung iinom agad ng antibiotic dahil wala
namang magagawa o papel ang anumang antibiotic para sa sipon. Kaya ang
ipinapayo lamang sa kanila na may sipon ay gawing maginhawa ang kanilang
pakiramdam kaya makatutulong ang mga sumusunod:
Para sa runny nose, makatutulong ang antihistamine lalo na
kung watery eyes at mainit ang pakiramdam ng mata.
Kung barado naman ilong, makatutulong ang alinmang
decongestant.
Para sa lagnat at pananakit ng kalamnan, makatutulong ang
paracetamol o ibuprofen.
Uminom ng maraming tubig at fresh juices hindi po iyong
nabibili natin na powder juice.
Magpahinga at kung hindi naman kailangan, lumabas at
mag-stay na lang muna sa bahay para ‘di makahawa pa ng iba.
Kung hindi nawawala ang sipon at umabot na ng 10 araw o
higitpa at may grabeng ubo, may plema at nagdudulot ng pananakit ng dibdib sa
labis na pag-ubo, kailangang kumonsulta sa doctor para ma-examine ka.
Source: Bulgars credits to: Sabi ni Doc
Salamt katoto sa tips mo! malaking tulong ito para sa mga may sipon hehe.
ReplyDeletegamot sa sipon na hindi nawawala