Nakakabilib ang balitang ang asong ating kinagigiliwan ay pwede nang makatulong sa atin na hagilapin ang mga pesteng naninira sa ating facilities, bahay, eskwela, department atbp-ang mga pesteng tulad ng ipis, surot atbp. ay maaaring maging sanhi ng sakit para sa ating mga tao. Tunay nga namang dog is a man's bestfriend, dahil kahit kailan, maaasahan talaga si bantay. Basahin ang tungkol sa bug sniffing dog na ito.
The Help of Bug Sniffing Dogs |
Nagsilbing secret weapon sa pinagsanib na puwersa ng Department of Health and Education sa Tulsa,OK na magsagawa ng programa kaugnay sa pag-inspeksyon nila sa library sa tulong ng bug sniffing dog. Nagawang madali sa kanilang matukoy ang mga silid aklatan sa mga eskuwelahan na pinamumugaran ng peste tulad ng ipis at surot-kahit na hindi sila humingi ng tulong sa bug infestation team. Ipinakilala rin sa pamamagitan nito ang tanging bed bug sniffing dog sa Oklahoma na si Liberty Belle na isang beagle na talaga namang kinabibiliban at hinahangaan ng marami hindi lang ng mga estudyante, school official kundi maging sa magulang.
Nagsimula ito ng ma-ireport ang kasong may nakagat sa library na nagkaroon ng ilang araw na pamamaga ng balat at lagnat kaya hindi nakapasok sa eskuwela. Matapos iyon ay nabuo ang ideya na posibleng ilang upuan o kasangkapan sa library ay pinaniniwalaang contaminated ng mga ipis at surot na kailangang agad nilang mapuksa bago pa tuluyang dumami at maminsala.
Nang lumibot at mag-inspeksyon ang bidang si Liberty Belle ay nagawang ideklara na i-isolate ang mahigit 135,000 square feet area ng Central Library ng Tulsa at kasunod na rin ang ilan pang mga silid-aklatan.
With the help of the health and education officials,and also the dog trainer- ay nagawang ma-detect ang infested na area bago pa tuluyang kailanganin ang tulong ng exterminator. Ang mga library o silid-aklatan na matutukoy o mapatutunayang infested at hindi pumasa sa standard ng Department of Health and Education ay kailangan munang isara at ilipat ang mga kagamitan higit lalo ang mga aklat sa mas ligtas na lugar bago pa muling buksan at maging bug-free na ito.
source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment