Alam mo bang ang matagal na panonood ng TV ay nakatataba para sa mga bata? Ang bad TV habits ay sanhi nga ng Obesity. Basahin.
Bad Tv Habits-Cause of Obesity for Kids |
Maraming magagandang palabas sa TV kaya kung nasa bahay lang tayo, parang ibig nating umupo sa harap ng telebisyon at manood ng palabas. Kung minsan ay pinipili nating mag-rent ng DVD tapes at maghapong manood ng telebisyon.
Nakalilibang ang panonood, kaya naman ang mga bata ay enjoy na enjoy sa panood ng cartoons at kung minsan ay may nakahanda pa silang VCD para nga naman pagkatapos nilang manood ng paborito nilang palabas ay agad na nilang isasalang ang kanilang VCD.
Sa mata nga ng mga magulang at yaya, mabuti ng maubos ang oras ng bata sa panonood ng TV kaysa maglikot siya nang maglikot. Alam naman natin na kapag sobrang likot ng bata ay maaari siyang madisgrasya o makadisgrasya. Kaya kung minsan, mas okay na sa matatanda na makitang nakapirmi siya sa isang tabi habang nanonood ng TV.
Ngunit alam mo bang ang mga batang nasa dalawa hanggang apat na taon ay hindi dapat hayaang laging manood ng tv? Sa pagtuntong kasi nila ng sampung taon ay magsisimula na silang tumaba nang tumaba.
Sa isang linggo kailangang 8.8 oras lang ang gugulin ng 2 taon sa harap ng TV at 14.8 lamang sa 4 na taong gulang. Ngunit dahil may mga batang hindi maawat sa panonood ng telebisyon, may tendensiya na sumobra pa ng kung ilang oras ang panonood nila ng telebisyon, iyon din ang magiging dagdag na sukat sa kanyang waistline pagsapit niya ng sampung taong gulang. Kung hindi naman palanood ng TV ang bata, siguradong magkakaroon siya ng magandang pangangatawan. Kung ang gustong gawin ng bata ay maglaro, agad matatagtag ang kanilang kinain, samantalang, ang mga batang walang ginawa kundi manood ng TV ay nai-stock lang ang kanilang kinain.
source: bulgar isinulat ni Rian Gonzales
Comments
Post a Comment