Skip to main content

Na-Caesarian-Mas Pwedeng Mamatay Sa Infection



Labis na kasiyahan ang dulot sa mga ina kapag sila ay nagdalang-tao. Siyam na buwan mang dadalhin ng isang ina ang sanggol sa sinapupunan at makaranas man ng hirap ng paglilihi o karamdaman ay titiisin ito ng isang mabuting ina para mailuwal lamang na normal ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ang ibang ina ay swerteng nakararanas ng normal na pagle-labor ngunit may mga ina ring kinakailangan o mas pinipili ang ma-Caesarian. Ngunit alam ninyo bang mas pwedeng mamatay sa impeksyon (infection) ang mga babaeng na-caesarian kaysa sa hindi? Alamin ang tungkol rito.


Sa isinagawang pag-aaral o research sa England ay lumalabas na ang panganganak ng caesarian delivery ay sinasabing mas posibleng delikado sa pagkakaroon ng nakamamatay na impeksyon kumpara sa iba pang uri ng operasyon sa mga babae.

Tinatayang 4 sa 10 nanay na nanganak ng caesarian section ay mabilis na nagde-develop ng infection sa kanilang katawan at mahigit  15,000 kababaihan sa England ang tinamaan o naging biktima nito.

Mula sa pagkukumpara, nasa 9.6 porsyento ng mga babae ang nasa panganib na magkaroon  ng impeksyon sa caesarian section kaysa sa mga babae na nagkaroon ng hysterectomy na nasa 6.6 porsyento lamang ang panganib.

Higit din itong inaalala ng mga eksperto dahil ang infection ay maituturing na seryosong problema sa bawat pasyente sa ospital na itinataya ring malaking pahirap sa katawan at nagbibigay din ng dagdag na gastos sa gamutan.

Ilan lamang sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeksyon ang mga bagong panganak ay ang pagiging overweight, underage hanggang 20, gayndin ang pagsasagawa ng operation ng isang junior doctor lamang.

Base sa resulta ng kanilang research ay lumalabas ang statistic na mahigit 400 impeksyon ang nakukumpirma sa bawat  4,000 caesarian ng mga nanay bawat taon.

Kung makumpirma ang pagkakaroon o pagiging active ng impeksyon ay higit na kailangan nilang manatili pa ng mas matagal na araw sa ospital at kailangang tumanggap ng maraming uri ng gamot na may mataas na dosage para labanan ang impeksyon.

Samantalang, nasa 60 porsyento namang mas mapanganib sa impeksyon ang bagong panganak na mommy sa caesarian delivery kaysa sa mga may normal birth at mga pasyenteng nagpapagaling ng mga sugat matapos ang iba’t ibang operasyon.
Source: Bulgar credits to; Icee Reen Labareno 


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...