Isa sa paboritong pasalubong lalo na’t kapag galing ka ng Laguna ay ang Buko Pie. Kaya’t kung nais mong magsimula ng buko pie business-ito ang tips namin para sa’yo-ang paraan sa paggawa ng buko pie.
Sa
Paggawa ng Crust, ito ang mga kailangan:
2 tasa
ng all purpose flour
1 tsp ng
asin
2/3 tasa
ng mantikilya
1 piraso
ng pula ng itlog
1 tsp ng
suka
¼ tasa
ng tubig
Ito
naman ang mga dapat ihanda sa paggawa ng Filling:
4 tasa
ng laman ng Buko
1 tasa
ng sabaw ng buko
1 300 ml
lata ng kondensada
2/3 tasa
ng corn starch
Ngayong
alam mo na ang mga kakailanganin sa paggawa ng masarap na Buko Pie.
Heto na’t
lutuin na natin ‘yan- Ganito ang gawin mo katoto:
- Paghaluin ang harina at asin sa isang mangkok. Hiwain ang mantikilya gamit ang pastry cutter o kahit ng dalawang kutsilyo.
- Ipagsama ang pula ng itlog, suka at tubig, dahan-dahang idagdag ang tubig sa harina hanggang sa puwede mo ng hawakan ang dough o masa.
- Hatiin ang dough sa dalawang parte, dapat na mas malaki iyung isa. I-rolyo ang malaking dough ng mga hanggang dalawang pulgada na mas malaki sa 16-inch na pie plate.
- Pagpantayin ang dough sa pie plate, hayaang nakalaylay ang gilid
- I-rolyo ang natirang dough para naman sa crust
- Itabi mo muna ang iyong ginawa.
- Ngayon, pagsamahin ang mga sangkap ng Filling sa isang makapal na kasirola
- Lutuin at haluin hanggang sa kumapal ito
- Palamigin at ihalo sa nakahandang crust
- Takpan gamit ang ginawa mong top crust: tupiin ang gilid para i-selyo.
- Lutuin sa hurno ng isang oras at 425 degrees F
O hindi
ba’t ang dali-daling makagawa ng isang masarap na buko pie. Kaya’t kung
naghahanap ka ng sideline o pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang,
magandang simulan ang patok na negosyong buko pie. Ang tagumpay ng negosyong
ito ay magdedepende sa sarap ng iyong luto at karisma sa pag-aalok ng iyong
masarap na buko pie.
Web Source:
Businessdiary dot com dot ph
Comments
Post a Comment