Ang aroma candle ay mayroong dulot na magandang benepisyo sa iyong katawan kapag naamoy mo ang halimuyak nito. Dulot nito ay positive aura at good mood sa isang taong maka-aamoy ng bango ng aroma nito . Isa sa mga sikat na herbal aroma ay ang lavender.
Ngayon ay tuturuan naming kayo katoto na
gumawa ng therapeutic aroman candle para naman magkaroon kayo ng sideline. Opo,
ang paggawa nito ay makapagbibigay sa iyo ng extrang kita. Para ito sa mga
nanay at estudyante na nais magkaroon ng part time na pagkakakitaan. Heto ang
tips sa paggawa ng Aroma Candle.
Sa mga materyales ay kinakailangan natin ng mga sumusunod:
500 g paraffin wax sa pellets
600 g ng gel wax
10 g wax dye
5 pulgada ng nylon wick
Lavender essential oil ang gagamitin natin para sa aroma
Sa mga kagamitan , ito naman ang ating mga kakailanganin:
Timbangan
Takure
Kalan
Wooden stick tulad ng chop stick
Wick sustainer
Maliit na palangana
Anim na plastic cup
Gunting
4 na pulgadang salamin
Ngayong handa na ang mga materyales at kagamitan. Halina’t
simulan na nating gawin ang iyong aroma candle. Ito ang step by step procedure
sa paggawa nito:
- Tunawin ang kaunting dami ng waks
- Ilublob ang mitsa sa tinunaw na waks. Ilagay ito sa isang dulo ng hawakan ng mitsa. Itabi muna ito.
- Ilagay ang pellets sa isang maliit na palanggana
- Ihulog ang lavender essential oil sa pellets. Ang dami ng bilang ng lavender oil ay depende sa iyong tantsang tibay ng aroma candle na iyong gagawin. Pagkaraa’y haluin itong maigi.
- Ilipat ang anim na tasang plastic ( ang pellets na may aroma oil)
- Lagyan ng dye ang waks gamit ang isang wooden o chop stick hanggang sa maghalo na ang kulay sa pellets.
- Ilagay na ang kinulayang pellet sa maliit na container. I-posisyon ang mitsa hanggang sa ilalim ng lalagyan.
- Tunawin ang gel waks sa takure. Alisin sa apoy hanggang sa ito’y lumamig
- Ibuhos ang gel waks sa tuktok ng pellets. Ito ay magsisilbing tibay o proteksyon sa pellets.
O hindi ba’t napakadali lamang ng paggawa ng aroma candle.
Ito ay magandang dekorasyon sa kwarto, dahil ang aroma na galing dito ay
makapagbibigay ng relaxing effect sa katawan ng tao.
Bilang negosyo ang mga pinagbatayang raw materials ay
maaaring magkahalaga ng 237.96 pesos at sa mga kagamitan naman ay
1,608.45. Pwede mong ibenta ang isang
aroma candle mula 288.91-261.14 pesos. Napakamura ng puhunan pero tiyak na may
ekstrang kita ka naman sa patok na negosyong ito katoto.
Web Source: businessdiary
san po pwedeng makabili ng matterials pang gawa ng kandila
ReplyDelete